< 出エジプト記 4 >
1 モーセは言った、「しかし、彼らはわたしを信ぜず、またわたしの声に聞き従わないで言うでしょう、『主はあなたに現れなかった』と」。
Sumagot si Moises, “Pero paano kung hindi sila maniwala o makinig sa akin pero sa halip na sabihin, 'Si Yahweh ay hindi nagpakita sa iyo'?”
2 主は彼に言われた、「あなたの手にあるそれは何か」。彼は言った、「つえです」。
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ano iyang nasa kamay mo?” Sinabi ni Moises, “Isang tungkod.”
3 また言われた、「それを地に投げなさい」。彼がそれを地に投げると、へびになったので、モーセはその前から身を避けた。
Sinabi ni Yahweh, “Ihagis mo ito sa lupa.” Inihagis ito ni Moises sa lupa, at ito ay naging isang ahas. Tumakbo si Moises palayo dito.
4 主はモーセに言われた、「あなたの手を伸ばして、その尾を取りなさい。そこで手を伸ばしてそれを取ると、手のなかでつえとなった。
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Damputin mo at hawakan ito sa buntot.” Kaya dinampot niya at hinawakan ang ahas. Naging tungkod ito muli sa kaniyang kamay.
5 これは、彼らの先祖たちの神、アブラハムの神、イサクの神、ヤコブの神である主が、あなたに現れたのを、彼らに信じさせるためである」。
“Ito ay para maniwala sila na si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob, ang nagpakita sa iyo.”
6 主はまた彼に言われた、「あなたの手をふところに入れなさい」。彼が手をふところに入れ、それを出すと、手は、らい病にかかって、雪のように白くなっていた。
Sinabi rin ni Yahweh sa kaniya, “Ngayon ilagay mo ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal.” Kaya inilagay ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal. Nang ilabas niya ito, namasdan, na ang kaniyang kamay ay naging ketong, kasing puti ng niyebe.
7 主は言われた、「手をふところにもどしなさい」。彼は手をふところにもどし、それをふところから出して見ると、回復して、もとの肉のようになっていた。
Sinabi ni Yahweh, “Ilagay mo ulit ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal.” Kaya inilagay ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal, at ng inilabas niya ito, nakita niya na naging malusog ito muli, tulad ng kaniyang ibang laman.
8 主は言われた、「彼らがもしあなたを信ぜず、また初めのしるしを認めないならば、後のしるしは信じるであろう。
Sinabi ni Yahweh, “Kung hindi sila maniniwala sa iyo—kung hindi nila bibigyang pansin ang unang palatandaan ng aking kapangyarihan o maniniwala dito, pagkatapos paniniwalaan nila ang ikalawang palatandaan.
9 彼らがもしこの二つのしるしをも信ぜず、あなたの声に聞き従わないならば、あなたはナイル川の水を取って、かわいた地に注ぎなさい。あなたがナイル川から取った水は、かわいた地で血となるであろう」。
At kung hindi sila maniniwala kahit sa dalawang palatandaan ng aking kapangyarihan, o makikinig sa iyo, pagkatapos kumuha ka ng kaunting tubig mula sa ilog at ibuhos ito sa tuyong lupa. Ang tubig na iyong kinuha ay magiging dugo sa tuyong lupa.”
10 モーセは主に言った、「ああ主よ、わたしは以前にも、またあなたが、しもべに語られてから後も、言葉の人ではありません。わたしは口も重く、舌も重いのです」。
Pagkatapos sinabi ni Moises kay Yahweh, “Panginoon, hindi ako naging magaling manalita, kahit pa noong nakaraan o ni mula ng nakipag-usap ka sa iyong lingkod. Mahina ako sa pananalita at mahina ang dila.”
11 主は彼に言われた、「だれが人に口を授けたのか。おし、耳しい、目あき、目しいにだれがするのか。主なるわたしではないか。
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Sino ba itong gumawa ng bibig ng tao? Sino bang gumawa sa taong pipi o bingi, nakakakita o bulag? Hindi ba ako, si Yahweh?
12 それゆえ行きなさい。わたしはあなたの口と共にあって、あなたの言うべきことを教えるであろう」。
Kaya ngayon lumakad ka at kasama mo ako sa iyong pananalita at tuturuan kita kung ano ang sasabihin.”
13 モーセは言った、「ああ、主よ、どうか、ほかの適当な人をおつかわしください」。
Pero sinabi ni Moises, “Panginoon, pakiusap magpadala ka nalang ng iba, sinuman ang gusto mong ipadala.”
14 そこで、主はモーセにむかって怒りを発して言われた、「あなたの兄弟レビびとアロンがいるではないか。わたしは彼が言葉にすぐれているのを知っている。見よ、彼はあなたに会おうとして出てきている。彼はあなたを見て心に喜ぶであろう。
Pagkatapos nagalit si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, “Ano kaya kung si Aaron, ang iyong kapatid na Levita? Alam ko na nakakapagsalita siya ng maayos. Bukod dito, paparating siya para makipagkita sa iyo, at kapag nakita ka niya, magsasaya ang kaniyang puso.
15 あなたは彼に語って言葉をその口に授けなさい。わたしはあなたの口と共にあり、彼の口と共にあって、あなたがたのなすべきことを教え、
Makikipag-usap ka sa kaniya at ilalagay mo sa kaniyang bibig ang mga salita na dapat sabihin. Ako ay mapapasa iyong bibig at sa kaniyang bibig, at ipapakita ko sa inyo kung ano ang gagawin.
16 彼はあなたに代って民に語るであろう。彼はあなたの口となり、あなたは彼のために、神に代るであろう。
Magsasalita siya sa mga tao para sa iyo. Siya ang magiging tagapagsalita mo, at ikaw sa kaniya ay magiging tulad ko, parang Diyos.
17 あなたはそのつえを手に執り、それをもって、しるしを行いなさい」。
Dadalhin mo ang tungkod na ito sa iyong kamay. Sa pamamagitan nito gagawin mo ang mga palatandaan.”
18 モーセは妻の父エテロのところに帰って彼に言った、「どうかわたしを、エジプトにいる身うちの者のところに帰らせ、彼らがまだ生きながらえているか、どうかを見させてください」。エテロはモーセに言った、「安んじて行きなさい」。
Kaya bumalik si Moises kay Jetro ang kaniyang biyenang lalaki, at sinabi sa kaniya, “Payagan mo akong umalis para makabalik sa aking mga kamag-anak na nasa Ehipto at makita ko kung buhay pa ba sila.” Sinabi ni Jetro kay Moises, “Lumakad ka nang may kapayapaan.”
19 主はミデヤンでモーセに言われた、「エジプトに帰って行きなさい。あなたの命を求めた人々はみな死んだ」。
Sinabi ni Yahweh kay Moises sa Midian, “Lumakad ka, bumalik ka sa Ehipto, dahil lahat ng mga taong nagnanais kunin ang iyong buhay ay patay na.”
20 そこでモーセは妻と子供たちをとり、ろばに乗せて、エジプトの地に帰った。モーセは手に神のつえを執った。
Dinala ni Moises ang kaniyang asawa at mga anak na lalaki at isinakay niya sila sa asno. Bumalik siya sa lupain ng Ehipto, at dinala niya ang tungkod ng Diyos na nasa kaniyang kamay.
21 主はモーセに言われた、「あなたがエジプトに帰ったとき、わたしがあなたの手に授けた不思議を、みなパロの前で行いなさい。しかし、わたしが彼の心をかたくなにするので、彼は民を去らせないであろう。
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung babalik ka sa Ehipto, siguraduhin mong gawin sa harapan ni Paraon ang lahat ng mga kababalaghan na inilagay ko sa iyong kapangyarihan. Pero patitigasin ko ang kaniyang puso, at hindi niya paaalisin ang mga tao.
22 あなたはパロに言いなさい、『主はこう仰せられる。イスラエルはわたしの子、わたしの長子である。
Kailangan mong sabihin kay Paraon, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: ang Israel ay aking anak, ang aking panganay,
23 わたしはあなたに言う。わたしの子を去らせて、わたしに仕えさせなさい。もし彼を去らせるのを拒むならば、わたしはあなたの子、あなたの長子を殺すであろう』と」。
At sasabihin ko sa iyo, “Payagan mo ang aking anak na umalis, kaya siya ay sasamba sa akin.” Pero dahil ikaw ay tumangging paalisin siya, tiyak na papatayin ko ang iyong anak, ang iyong panganay.”'
24 さてモーセが途中で宿っている時、主は彼に会って彼を殺そうとされた。
Ngayon habang nasa daan, nang huminto sila para sa gabi, si Yahweh ay nakipagkita kay Moises at sinubukang patayin siya.
25 その時チッポラは火打ち石の小刀を取って、その男の子の前の皮を切り、それをモーセの足につけて言った、「あなたはまことに、わたしにとって血の花婿です」。
Pagkatapos kumuha si Zepora ng batong matulis at pinutol niya ang unahang balat ng kaniyang anak na lalaki, at inilapat ito sa paa ni Moises. Pagkatapos sinabi niya, “Sigurado ako na ikaw ang lalaking ikakasal sa akin sa pamamagitan ng dugo.”
26 そこで、主はモーセをゆるされた。この時「血の花婿です」とチッポラが言ったのは割礼のゆえである。
Kaya hinayaan siya ni Yahweh na mag-isa. Sinabi niya, “Ikaw ang lalaking ikakasal sa dugo” dahil sa pagtutuli.
27 主はアロンに言われた、「荒野に行ってモーセに会いなさい」。彼は行って神の山でモーセに会い、これに口づけした。
Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Pumunta ka doon sa ilang para makipagkita kay Moises.” Pumunta si Aaron, at nakipagkita sa kaniya sa bundok ng Diyos, at hinalikan siya.
28 モーセは自分をつかわされた主のすべての言葉と、命じられたすべてのしるしをアロンに告げた。
Sinabi ni Moises kay Aaron ang lahat ng mga salita ni Yahweh na ipinadala niya para sabihin at tungkol sa lahat ng mga palatandaan ng kapangyarihan ni Yahweh na iniutos niya na kaniyang gagawin.
29 そこでモーセとアロンは行ってイスラエルの人々の長老たちをみな集めた。
Pagkatapos pumunta at tinipon nina Moises at Aaron ang lahat ng mga nakatatanda ng mga Israelita.
30 そしてアロンは主がモーセに語られた言葉を、ことごとく告げた。また彼は民の前でしるしを行ったので、
Sinabi ni Aaron ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh kay Moises. Ipinakita niya rin ang mga palatandaan ng kapangyarihan ni Yahweh sa paningin ng mga tao.
31 民は信じた。彼らは主がイスラエルの人々を顧み、その苦しみを見られたのを聞き、伏して礼拝した。
Naniwala ang mga tao. Nang marinig nila na si Yahweh ay nag-oobserba sa mga Israelita at nakita niya ang kanilang pagkaalipin, pagkatapos iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sinamba siya.