< 出エジプト記 3 >
1 モーセは妻の父、ミデヤンの祭司エテロの羊の群れを飼っていたが、その群れを荒野の奥に導いて、神の山ホレブにきた。
Ngayon si Moises ay nagpapastol pa rin ng kawan ng biyenan niyang si Jetro, ang pari ng Midian. Pinangunahan ni Moises ang kawan sa malayong dako ng ilang at dumating sa Horeb, ang bundok ng Diyos.
2 ときに主の使は、しばの中の炎のうちに彼に現れた。彼が見ると、しばは火に燃えているのに、そのしばはなくならなかった。
Doon ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya sa isang nagliliyab na apoy sa mababang puno. Tumingin si Moises at nakita na nagliliyab ang puno pero ito ay hindi nasusunog.
3 モーセは言った、「行ってこの大きな見ものを見、なぜしばが燃えてしまわないかを知ろう」。
Sinabi ni Moises, “Lilingon ako at titingnan ang kahanga-hangang bagay na ito, bakit ang puno ay hindi nasusunog.”
4 主は彼がきて見定ようとするのを見、神はしばの中から彼を呼んで、「モーセよ、モーセよ」と言われた。彼は「ここにいます」と言った。
Nang makita ni Yahweh na lumingon si Moises para tingnan, tumawag ang Diyos sa kaniya mula sa mababang puno at sinabi, “Moises, Moises.” Sinabi ni Moises, “Narito po ako.”
5 神は言われた、「ここに近づいてはいけない。足からくつを脱ぎなさい。あなたが立っているその場所は聖なる地だからである」。
Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit! Hubarin mo ang sapatos sa iyong mga paa, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay lupang inilaan sa akin.”
6 また言われた、「わたしは、あなたの先祖の神、アブラハムの神、イサクの神、ヤコブの神である」。モーセは神を見ることを恐れたので顔を隠した。
Dagdag pa niya, “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.” Pagkatapos tinakpan ni Moises ang kaniyang mukha, dahil takot siyang tumingin sa Diyos.
7 主はまた言われた、「わたしは、エジプトにいるわたしの民の悩みを、つぶさに見、また追い使う者のゆえに彼らの叫ぶのを聞いた。わたしは彼らの苦しみを知っている。
Sinabi ni Yahweh, “Tunay na nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan na nasa Ehipto. Narinig ko ang kanilang pagsigaw dahil sa kanilang mahihigpit na tagapangasiwa, dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagdurusa.
8 わたしは下って、彼らをエジプトびとの手から救い出し、これをかの地から導き上って、良い広い地、乳と蜜の流れる地、すなわちカナンびと、ヘテびと、アモリびと、ペリジびと、ヒビびと、エブスびとのおる所に至らせようとしている。
Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
9 いまイスラエルの人々の叫びがわたしに届いた。わたしはまたエジプトびとが彼らをしえたげる、そのしえたげを見た。
Ngayon ang mga pagsigaw ng bayan ng Israel ay nakarating sa akin. Bukod dito, nakita ko ang pagmamalupit na dulot ng mga taga-Ehipto.
10 さあ、わたしは、あなたをパロにつかわして、わたしの民、イスラエルの人々をエジプトから導き出させよう」。
Kaya ngayon, ipapadala kita kay Paraon para dalhin mo ang aking bayan, ang mga Israelita, palabas mula sa Ehipto.”
11 モーセは神に言った、「わたしは、いったい何者でしょう。わたしがパロのところへ行って、イスラエルの人々をエジプトから導き出すのでしょうか」。
Pero sinabi ni Moises sa Diyos, “Sino ba ako, na dapat akong magpunta kay Paraon at dalhin ang mga Israelita mula sa Ehipto?”
12 神は言われた、「わたしは必ずあなたと共にいる。これが、わたしのあなたをつかわしたしるしである。あなたが民をエジプトから導き出したとき、あなたがたはこの山で神に仕えるであろう」。
Sumagot ang Diyos, “Ako ay tiyak na makakasama mo. Ito ang magiging palatandaan na pinadala kita. Kapag nailabas mo ang bayan mula sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”
13 モーセは神に言った、「わたしがイスラエルの人々のところへ行って、彼らに『あなたがたの先祖の神が、わたしをあなたがたのところへつかわされました』と言うとき、彼らが『その名はなんというのですか』とわたしに聞くならば、なんと答えましょうか」。
Sinabi ni Moises sa Diyos, “Pagpunta ko sa mga Israelita at sabihin sa kanilang, 'Ang Diyos ng inyong mga ninuno ay pinadala ako sa inyo,' at kung sabihin nila sa akin, 'Ano ang pangalan niya?' ano ang dapat kong sabihin sa kanila?”
14 神はモーセに言われた、「わたしは、有って有る者」。また言われた、「イスラエルの人々にこう言いなさい、『「わたしは有る」というかたが、わたしをあなたがたのところへつかわされました』と」。
Sinabi ng Diyos kay Moises, “AKO AY SI AKO.” Sabi ng Diyos, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'SI AKO ang nagpadala sa akin sa inyo.'”
15 神はまたモーセに言われた、「イスラエルの人々にこう言いなさい『あなたがたの先祖の神、アブラハムの神、イサクの神、ヤコブの神である主が、わたしをあなたがたのところへつかわされました』と。これは永遠にわたしの名、これは世々のわたしの呼び名である。
Sinabi rin ng Diyos kay Moises, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ay nagpadala sa akin sa inyo. Ito ang aking pangalan magpakailanman, at ganito ako mapapanatili sa isipan ng lahat ng mga salinlahi.'
16 あなたは行って、イスラエルの長老たちを集めて言いなさい、『あなたがたの先祖の神、アブラハム、イサク、ヤコブの神である主は、わたしに現れて言われました、「わたしはあなたがたを顧み、あなたがたがエジプトでされている事を確かに見た。
Lumakad ka at sama-samang tipunin ang mga nakatatanda ng Israel. Sabihin sa kanila, 'si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob, ay nagpakita sa akin at nagsabi, “Tunay ngang napagmasdan ko kayo at nakita ang ginawa sa inyo sa Ehipto.
17 それでわたしはあなたがたを、エジプトの悩みから導き出して、カナンびと、ヘテびと、アモリびと、ペリジびと、ヒビびと、エブスびとの地、乳と蜜の流れる地へ携え上ろうと決心した」と』。
Nangako akong kukunin kayo mula sa pagmamalupit sa Ehipto patungo sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.
18 彼らはあなたの声に聞き従うであろう。あなたはイスラエルの長老たちと一緒にエジプトの王のところへ行って言いなさい、『ヘブルびとの神、主がわたしたちに現れられました。それで、わたしたちを、三日の道のりほど荒野に行かせて、わたしたちの神、主に犠牲をささげることを許してください』と。
Makikinig sila sa iyo. Ikaw at ang mga nakatatanda ng Israel ay dapat pumunta sa hari ng Ehipto, at dapat mong sabihin sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay kinatagpo kami. Kaya ngayon hayaan mo kaming maglakbay ng tatlong araw sa ilang, para makapaghandog kami kay Yahweh, na aming Diyos.'
19 しかし、エジプトの王は強い手をもって迫らなければ、あなたがたを行かせないのをわたしは知っている。
Pero nalalaman ko na ang hari ng Ehipto ay hindi kayo papayagang umalis, maliban na ang kamay niya ay pilitin.
20 それで、わたしは手を伸べて、エジプトのうちに行おうとする、さまざまの不思議をもってエジプトを打とう。その後に彼はあなたがたを去らせるであろう。
Iaabot ko ang kamay ko at sasalakayin ang mga taga-Ehipto ng mga himalang gagawin ko sa gitna nila. Pagkatapos niyon, papayagan niya kayong umalis.
21 わたしはこの民にエジプトびとの好意を得させる。あなたがたは去るときに、むなし手で去ってはならない。
Bibigyan ko ang mga taong ito ng pabor mula sa mga taga-Ehipto, kaya sa pag-alis ninyo, hindi kayo aalis na walang dala.
22 女はみな、その隣の女と、家に宿っている女に、銀の飾り、金の飾り、また衣服を求めなさい。そしてこれらを、あなたがたのむすこ、娘に着けさせなさい。このようにエジプトびとのものを奪い取りなさい」。
Bawat babae ay hihingi ng pilak at gintong alahas at mga damit mula sa kapitbahay na taga-Ehipto at sinumang babaeng nanatili sa bahay ng mga kapitbahay niya. Ilalagay ninyo ang mga iyon sa inyong mga anak na lalaki at babae. Sa paraang ito ay lolooban ninyo ang mga taga-Ehipto.”