< 伝道者の書 10 >
1 死んだはえは、香料を造る者のあぶらを臭くし、少しの愚痴は知恵と誉よりも重い。
Katulad ng mga patay na langaw na nagpapabaho ng pabango, ganoon din ang munting kamangmangan ay kayang mahigitan ang karunungan at karangalan.
2 知者の心は彼を右に向けさせ、愚者の心は左に向けさせる。
Ang puso ng matalinong tao ay papunta sa kanan, ngunit ang puso ng mangmang ay papunta sa kaliwa.
3 愚者は道を行く時、思慮が足りない、自分の愚かなことをすべての人に告げる。
Kapag naglalakad ang mangmang sa lansangan, kulang ang kaniyang pag-iisip, pinatutunayan sa lahat na siya ay mangmang.
4 つかさたる者があなたに向かって立腹しても、あなたの所を離れてはならない。温順は大いなるとがを和らげるからである。
Kapag ang mga damdamin ng pinuno ay sumiklab laban sa iyo, huwag mong iwan ang gawain mo. Kayang patahimikin ng kahinahunan ang labis na galit.
5 わたしは日の下に一つの悪のあるのを見た。それはつかさたる者から出るあやまちに似ている。
May nakita akong kasamaan sa ilalim ng araw, isang uri ng pagkakamali na nanggagaling sa isang pinuno:
6 すなわち愚かなる者が高い地位に置かれ、富める者が卑しい所に座している。
Ang mga mangmang ay binibigyan ng posisyon sa pagkapinuno, habang ang mga taong matagumpay ay binibigyan ng mababang posisyon.
7 わたしはしもべたる者が馬に乗り、君たる者が奴隷のように徒歩であるくのを見た。
Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ang mga taong matagumpay ay naglalakad na parang mga alipin sa lupa.
8 穴を掘る者はみずからこれに陥り、石がきをこわす者は、へびにかまれる。
Sinuman ang nagbubungkal ng hukay ay maaaring mahulog dito, at kapag mayroong sumisira sa pader, maaari siyang kagatin ng ahas.
9 石を切り出す者はそれがために傷をうけ、木を割る者はそれがために危険にさらされる。
Sinuman ang nagtatapyas ng bato ay masasaktan nito, at ang taong nagpuputol ng kahoy ay nanganganib dito.
10 鉄が鈍くなったとき、人がその刃をみがかなければ、力を多くこれに用いねばならない。しかし、知恵は人を助けてなし遂げさせる。
Kung ang talim ng bakal ay mapurol, at hindi ito hinahasa ng isang tao, kailangan niyang gumamit nang mas maraming lakas, ngunit nagbibigay ng kalamangan ang karunungan para sa katagumpayan.
11 へびがもし呪文をかけられる前に、かみつけば、へび使は益がない。
Kung ang ahas ay nanuklaw bago pa ito mapaamo, walang kalamangan para sa nang-aamo.
12 知者の口の言葉は恵みがある、しかし愚者のくちびるはその身を滅ぼす。
Magiliw ang mga salita ng bibig ng matalinong tao, ngunit nilululon ang mangmang ng kaniyang sariling mga labi.
13 愚者の口の言葉の初めは愚痴である、またその言葉の終りは悪い狂気である。
Sa pag-agos ng mga salita mula sa bibig ng mangmang, ang kamangmangan ay lumalabas, at sa huli umaagos sa bibig niya ang masamang kahibangan.
14 愚者は言葉を多くする、しかし人はだれも後に起ることを知らない。だれがその身の後に起る事を告げることができようか。
Pinaparami ng mangmang ang mga salita, ngunit walang nakakaalam kung ano ang paparating. Sino ang nakaaalam kung ano ang parating pagkatapos niya?
15 愚者の労苦はその身を疲れさせる、彼は町にはいる道をさえ知らない。
Pinapagod ng mga mabibigat na gawain ang mga mangmang, kaya hindi man lang nila alam ang daan papuntang bayan.
16 あなたの王はわらべであって、その君たちが朝から、ごちそうを食べる国よ、あなたはわざわいだ。
Mayroong gulo sa inyong lupain kapag bata pa ang inyong hari, at ang mga pinuno ninyo ay magdiriwang sa umaga!
17 あなたの王は自主の子であって、その君たちが酔うためでなく、力を得るために、適当な時にごちそうを食べる国よ、あなたはさいわいだ。
Ngunit masaya ang lupain kapag ang hari ay anak ng mga maharlika, at kumakain ang mga pinuno ninyo kapag oras na ng kainan at ginagawa nila iyon para lumakas, hindi para sa paglalasing!
18 怠惰によって屋根は落ち、無精によって家は漏る。
Dahil sa katamaran nalalaglag ang bubong, at dahil sa mga tamad na kamay may tagas ang bahay.
19 食事は笑いのためになされ、酒は命を楽しませる。金銭はすべての事に応じる。
Naghahanda ang mga tao ng pagkain para sa pagtawa, nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ang alak, at pinupuno ng pera ang pangangailangan sa lahat ng bagay.
20 あなたは心のうちでも王をのろってはならない、また寝室でも富める者をのろってはならない。空の鳥はあなたの声を伝え、翼のあるものは事を告げるからである。
Huwag mong sumpain ang hari, kahit sa iyong isipan, at huwag mong sumpain ang mayayaman sa iyong silid-tulugan. Sapagkat maaaring dalhin ng ibon sa himpapawid ang mga salita mo; maaaring ikalat ng anumang may pakpak ang bagay na iyon.