< 列王記Ⅱ 11 >

1 さてアハジヤの母アタリヤはその子の死んだのを見て、立って王の一族をことごとく滅ぼしたが、
Ngayon, nang nakita ni Atalia, ang ina ni Ahazias, na patay na ang kaniyang anak, tumayo siya at pinatay ang lahat ng mga anak ng hari.
2 ヨラム王の娘で、アハジヤの姉妹であるエホシバはアハジヤの子ヨアシを、殺されようとしている王の子たちのうちから盗み取り、彼とそのうばとを寝室に入れて、アタリヤに隠したので、彼はついに殺されなかった。
Pero kinuha ni Jehoseba, anak na babae ni Haring Joram at kapatid ni Ahazias, si Joas anak ni Ahazias, at itinago siya malayo sa mga anak ng hari na pinatay, kasama ang kaniyang tagapag-alaga; itinago niya sila sa silid. Itinago nila siya mula kay Atalia para hindi siya mapatay.
3 ヨアシはうばと共に六年の間、主の宮に隠れていたが、その間アタリヤが国を治めた。
Kasama niya si Jehoseba sa pagtatago sa tahanan ni Yahweh sa loob ng anim na taon, habang si Atalia ang naghahari sa lupain.
4 第七年になってエホヤダは人をつかわして、カリびとと近衛兵との大将たちを招きよせ、主の宮にいる自分のもとにこさせ、彼らと契約を結び、主の宮で彼らに誓いをさせて王の子を見せ、
Nang ikapitong taon, nagpadala ng mensahe si Jehoiada at pinapunta ang mga pinuno ng daan-daang taga-Karito at tagapagbantay sa kaniya patungo sa templo ni Yahweh. Nakipagtipan siya sa kanila, at ipinanumpa sa tahanan ni Yahweh. Pagkatapos ipinakita niya sa kanila ang anak ng hari.
5 命じて言った、「あなたがたのする事はこれです、すなわち、安息日に非番となって王の家を守るあなたがたの三分の一は、
Inutusan niya sila at sinabing, “Ito ang dapat ninyong gawin. Ang ikatlong bahagi ninyo na pumupunta sa Araw ng Pamamahinga ay magbantay sa tahanan ng hari, ang ikatlo ay sa Tarangkahan ng Sur,
6 宮殿を守らなければならない。(他の三分の一はスルの門におり、三分の一は近衛兵のうしろの門におる)。
at ang ikatlo ay sa tarangkahan sa likod ng himpilan ng bantay.”
7 すべて安息日に当番で主の宮を守るあなたがたの二つの部隊は、
At ang dalawa pang grupo, kayo na hindi naglilingkod sa Araw ng Pamamahinga, ay bantayan ang tahanan ni Yahweh para sa hari.
8 おのおのの武器を手に取って王のまわりに立たなければならない。すべて列に近よる者は殺されなければならない。あなたがたは王が出る時にも、はいる時にも王と共にいなければならない」。
Paligiran ninyo ang hari, lahat ng may sandata sa kaniyang kamay. Sinuman ang pumasok mula sa inyong hanay, patayin ninyo siya. Samahan ninyo ang hari kapag siya ay lumalabas at pumapasok.
9 そこでその大将たちは祭司エホヤダがすべて命じたとおりにおこなった。すなわち彼らはおのおの安息日に非番となる者と、安息日に当番となる者とを率いて祭司エホヤダのもとにきたので、
At sinunod ng mga pinuno ng daan-daan ang lahat ng inutos ni Joiada ang pari. Ang bawat pinuno ay isinama ang kanilang mga tauhan, ang mga naglilingkod tuwing Araw ng Pamamahinga pati na ang mga hindi naglilingkod; at pumunta sila kay Jehoiada, ang pari.
10 祭司は主の宮にあるダビデ王のやりと盾を大将たちに渡した。
Pagkatapos ibinigay ni Jehoiada ang pari, sa mga pinuno ng daan-daan ang mga sibat at panangga na pag-aari noon ni Haring David, na nakatabi sa tahanan ni Yahweh.
11 近衛兵はおのおの手に武器をとって主の宮の南側から北側まで、祭壇と宮を取り巻いて立った。
Kaya ang mga tagapagbantay ay tumayo, ang bawat isa na may hawak na sandata, mula sa kanang bahagi ng templo hanggang sa kaliwang bahagi nito, sa paligid ng altar at templo, na nakapalibot sa hari.
12 そこでエホヤダは王の子をつれ出して冠をいただかせ、律法の書を渡し、彼を王と宣言して油を注いだので、人々は手を打って「王万歳」と言った。
Pagkatapos inilabas ni Jehoiada si Joas ang anak ng hari, ipinatong ang korona sa kaniya, at ibinigay sa kaniya ang tipan ng mga utos. Ginawa nila siyang hari at pinahiran siya ng langis. Nagpalakpakan sila at sinabing, “Mabuhay ang hari!”
13 アタリヤは近衛兵と民の声を聞いて、主の宮に入り、民のところへ行って、
Nang narinig ni Atalia ang ingay ng mga tagapagbantay at ng mga tao, pumunta siya sa tahanan ni Yahweh.
14 見ると、王は慣例にしたがって柱のかたわらに立ち、王のかたわらには大将たちとラッパ手たちが立ち、また国の民は皆喜んでラッパを吹いていたので、アタリヤはその衣を裂いて、「反逆です、反逆です」と叫んだ。
Tiningnan niya, at nakita ang hari na nakatayo sa gilid ng mga poste, gaya ng nakaugalian, at ang mga pinuno at manunugtog ng trumpeta ay kasama ng hari. Lahat ng tao sa lupain ay nagdiriwang at hinihipan ang trumpeta. Pagkatapos pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, “Taksil! Taksil!”
15 その時祭司エホヤダは軍勢を指揮していた大将たちに命じて、「彼女を列の間をとおって出て行かせ、彼女に従う者をつるぎをもって殺しなさい」と言った。これは祭司がさきに「彼女を主の宮で殺してはならない」と言ったからである。
At inutusan ni Jehoiada ang pari, ang mga pinuno ng daan-daan na kasama ng mga sundalo; sinabi niya sa kanila, “Ilabas ninyo siya sa gitna ng mga hanay. Sinuman ang sumunod sa kaniya, patayin sila gamit ang espada.” Dahil sinabi ng pari, “Huwag ninyong hayaang mapatay siya sa tahanan ni Yahweh.
16 そこで彼らは彼女を捕え、王の家の馬道へ連れて行ったが、彼女はついにそこで殺された。
Kaya nagbigay daan sila sa kaniya, at pumunta siya sa tarangkahan ng kabayo patungo sa tahanan ng hari, at doon siya pinatay.
17 かくてエホヤダは主と王および民との間に、皆主の民となるという契約を立てさせ、また王と民との間にもそれを立てさせた。
Kaya gumawa ng tipan si Jehoaida para kay Yahweh, kay Haring Joas at sa mga mamamayan, na sila ay dapat maging bayan ni Yahweh, at gumawa rin siya ng tipan sa pagitan ng hari at ng mga mamamayan.
18 そこで国の民は皆バアルの宮に行って、これをこわし、その祭壇とその像を打ち砕き、バアルの祭司マッタンをその祭壇の前で殺した。そして祭司は主の宮に管理人を置いた。
Kaya lahat ng mamamayan sa lupain ay pumunta sa tahanan ni Baal at winasak ito. Pinagpira-piraso nila ang altar ni Baal at ang kaniyang imahe, at pinatay nila si Matan, ang pari ni Baal, sa harap ng mga altar na iyon. Pagkatapos nagtalaga ng mga tagapagbantay ang pari sa templo ni Yahweh.
19 次いでエホヤダは大将たちと、カリびとと、近衛兵と国のすべての民を率いて、主の宮から王を導き下り、近衛兵の門の道から王の家に入り、王の位に座せしめた。
Isinama ni Jehoiada ang mga pinuno ng daan-daan, ang mga Karito, ang tagapagbantay, at ang lahat ng mamamayan sa lupain. Ibinaba nila ang hari mula sa tahanan ni Yahweh at dumaan sa tarangkahan ng tagapagbantay patungo sa palasyo ng hari.
20 こうして国の民は皆喜び、町はアタリヤが王の家でつるぎをもって殺されてのち、おだやかになった。
Kaya si Joas ay umupo sa trono. Lahat ng tao sa lupain ay nagdiwang, at ang lungsod ay tahimik. Tungkol naman kay Atalia, siya ay pinatay nila gamit ang espada sa palasyo ng hari.
21 ヨアシは位についた時七歳であった。
Si Joas ay pitong taon nang magsimula siyang maghari.

< 列王記Ⅱ 11 >