< 歴代誌Ⅱ 11 >

1 レハベアムはエルサレムに来て、ユダとベニヤミンの家の者、すなわち、えり抜きの軍人十八万人を集め、国を取りもどすためにイスラエルと戦おうとしたが、
Nang makarating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang sambahayan ni Juda at Benjamin, 180, 000 na piling mga lalaking mandirigma na makikipaglaban sa Israel upang maibalik kay Rehoboam ang kaharian.
2 主の言葉が神の人シマヤに臨んで言った、
Ngunit natanggap ni Semaias na lingkod ng Diyos ang salita ni Yahweh, na nagsasabi,
3 「ソロモンの子、ユダの王レハベアムおよびユダとベニヤミンにいるすべてのイスラエルの人々に言いなさい、
“Sabihin mo kay Rehoboam na anak ni Solomon na hari ng Juda at sa buong Israel na nasa Juda at Benjamin.
4 『主はこう仰せられる、あなたがたは上ってはならない。あなたがたの兄弟と戦ってはならない。おのおの自分の家に帰りなさい。この事はわたしから出たのである』」。それで人々は主の言葉を聞き、ヤラベアムを攻めに行くのをやめて帰った。
Sinabi ito ni Yahweh, 'Hindi ninyo dapat salakayin o kalabanin ang inyong mga kapatid. Dapat bumalik ang bawat isa sa kaniyang tahanan sapagkat ang bagay na ito ay pinahintulutan kong mangyari.'” Kaya nakinig sila sa mga salita ni Yahweh at hindi na nila kinalaban si Jeroboam.
5 レハベアムはエルサレムに住んで、ユダに防衛の町々を建てた。
Nanirahan si Rehoboam sa Jerusalem at nagpatayo ng mga lungsod sa Juda upang maging pananggalang.
6 すなわちベツレヘム、エタム、テコア、
Ipinatayo niya ang Bethlehem, Etam, Tekoa,
7 ベテズル、ソコ、アドラム、
Beth-sur, Soco, Adullam,
8 ガテ、マレシャ、ジフ、
Gat, Maresa, Zif,
9 アドライム、ラキシ、アゼカ、
Adoraim, Laquis, Azeka,
10 ゾラ、アヤロン、およびヘブロン。これらはユダとベニヤミンにあって要害の町々である。
Zora, Aijalon, at Hebron. Ito ay mga pinatibay na lungsod sa Juda at Benjamin.
11 彼はその要害を堅固にし、これに軍長を置き、糧食と油とぶどう酒をたくわえ、
Pinatibay niya ang mga tanggulan at naglagay ng mga pinuno sa mga ito na may kasamang imbakan ng mga pagkain, langis at alak.
12 またそのすべての町に盾とやりを備えて、これを非常に強化し、そしてユダとベニヤミンを確保した。
Naglagay siya ng mga kalasag at mga sibat sa bawat lungsod at labis na pinatibay ang mga lungsod. Sakop niya ang Juda at Benjamin.
13 イスラエルの全地の祭司とレビびとは四方の境から来てレハベアムに身を寄せた。
Pumunta sa kaniya ang mga pari at ang mga Levitang nasa buong Israel na mula sa loob ng kanilang hangganan.
14 すなわちレビびとは自分の放牧地と領地を離れてユダとエルサレムに来た。これはヤラベアムとその子らが彼らを排斥して、主の前に祭司の務をさせなかったためである。
Sapagkat iniwan ng mga Levita ang kanilang mga pastulan at mga pag-aari upang pumunta sa Juda at Jerusalem; sapagkat itinaboy sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, kaya hindi na sila makagagawa pa ng mga tungkulin ng pari para kay Yahweh.
15 ヤラベアムは高き所と、みだらな神と、自分で造った子牛のために自分の祭司を立てた。
Nagtalaga si Jeroboam ng mga pari para sa mga dambana at sa mga diyus-diyosang guya at kambing na kaniyang ipinagawa.
16 またイスラエルのすべての部族のうちで、すべてその心を傾けて、イスラエルの神、主を求める者は先祖の神、主に犠牲をささげるために、レビびとに従ってエルサレムに来た。
Sumunod sa kanila ang mga tao mula sa lahat ng mga tribu ng Israel na itinuon ang kanilang puso na hanapin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Pumunta sila sa Jerusalem upang maghandog kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
17 このように彼らはユダの国を堅くし、ソロモンの子レハベアムを三年の間強くした。彼らは三年の間ダビデとソロモンの道に歩んだからである。
Kaya pinalakas nila ang kaharian ng Juda at pinatatag sa loob ng tatlong taon si Rehoboam na anak ni Solomon sapagkat sa loob ng tatlong taon, sinunod nila ang paraan ng pamumuhay nina David at Solomon.
18 レハベアムはダビデの子エレモテの娘マハラテを妻にめとった。マハラテはエッサイの子エリアブの娘アビハイルが産んだ者である。
Napangasawa ni Rehoboam si Mahalat, ang anak na babae ni Jerimot na anak ni David at ni Abihail na anak ni Eliab na na anak ni Jesse.
19 彼女はエウシ、シマリヤおよびザハムの三子を産んだ。
Nagsilang siya ng mga batang lalaki na sina Jeus, Semarias at Zaham.
20 彼はまた彼女の後にアブサロムの娘マアカをめとった。マアカはアビヤ、アッタイ、ジザおよびシロミテを産んだ。
Kasunod ni Mahalat, napangasawa ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom. Isinilang niya sina Abiaz, Atai, Ziza at Selomit.
21 レハベアムはアブサロムの娘マアカをすべての妻とそばめにまさって愛した。彼は妻十八人、そばめ六十人をめとって、男の子二十八人と女の子六十人をもうけた。
Minahal ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom nang higit sa lahat ng kaniyang ibang mga asawa at sa kaniyang mga asawang alipin (mayroon siyang labing-walong asawa at animnapung asawang alipin at naging ama ng labing-walong mga anak na lalaki at animnapung mga anak na babae).
22 レハベアムはマアカの子アビヤを立ててかしらとし、その兄弟の長とした。彼はアビヤを王にしようと思ったからである。
Itinalaga ni Rehoboam si Abias na anak ni Maaca upang maging pinuno sa kaniyang mga kapatid. Naisip niyang gawing hari si Abias.
23 それで王は賢くとり行い、そのむすこたちをことごとく、ユダとベニヤミンの全地方にあるすべての要害の町に散在させ、彼らに糧食を多く与え、また多くの妻を得させた。
Namuno ng may karunungan si Rehoboam, ikinalat niya ang lahat ng kaniyang lalaking anak sa buong lupain ng Juda at Benjamin hanggang sa mga matitibay na lungsod. Binigyan rin niya sila ng saganang pagkain at naghanap siya ng maraming asawa para sa kanila.

< 歴代誌Ⅱ 11 >