< サムエル記Ⅰ 2 >

1 ハンナは祈って言った、「わたしの心は主によって喜び、わたしの力は主によって強められた、わたしの口は敵をあざ笑う、あなたの救によってわたしは楽しむからである。
Nanalangin si Ana at sinabing, “Nagsasaya ang aking puso kay Yahweh. Itinaas ni Yahweh ang aking tambuli. Nagmamayabang ang aking bibig sa aking mga kaaway, dahil nagagalak ako sa iyong pagliligtas.
2 主のように聖なるものはない、あなたのほかには、だれもない、われわれの神のような岩はない。
Wala ng banal tulad ni Yahweh, sapagka't walang iba maliban sa iyo; walang ibang bato tulad ng ating Diyos.
3 あなたがたは重ねて高慢に語ってはならない、たかぶりの言葉を口にすることをやめよ。主はすべてを知る神であって、もろもろのおこないは主によって量られる。
Huwag nang magmataas ng buong kapurihan; huwag hayaang maglabas ng kahambugan ang iyong bibig. Sapagka't si Yahweh ay Diyos ng kaalaman; sa pamamagitan niya tinitimbang ang mga kilos.
4 勇士の弓は折れ、弱き者は力を帯びる。
Nasira ang mga pana ng mga makapangyarihang kalalakihan, ngunit iyong mga nadapa ay nagsuot ng kalakasan tulad ng isang sinturon.
5 飽き足りた者は食のために雇われ、飢えたものは、もはや飢えることがない。うまずめは七人の子を産み、多くの子をもつ女は孤独となる。
Ipinaupa ng mga busog ang kanilang sarili para sa tinapay; sa mga gutom sila ay hindi na naging gutom. Kahit na ang isang baog ay magsisilang ng pito, ngunit mananamlay ang babaeng maraming anak.
6 主は殺し、また生かし、陰府にくだし、また上げられる。 (Sheol h7585)
Pumapatay si Yahweh at bumubuhay. Siya ang nagbababa sa Sheol at nagtataas. (Sheol h7585)
7 主は貧しくし、また富ませ、低くし、また高くされる。
Si Yahweh ang nagpapadukha, at siya ang nagpapayaman. Siya ang nagpapababa, ngunit siya rin naman ang nagpapataas.
8 貧しい者を、ちりのなかから立ちあがらせ、乏しい者を、あくたのなかから引き上げて、王侯と共にすわらせ、栄誉の位を継がせられる。地の柱は主のものであって、その柱の上に、世界をすえられたからである。
Ibinabangon niya ang mahirap mula sa alabok. Itinataas niya ang mga nangangailangan mula sa tambak ng abo upang paupuin sila kasama ang mga prinsipe at manahin ang upuan ng karangalan. Sapagka't ang mga haligi ng mundo ay kay Yahweh at kanyang ipinatong sa kanila ang sanlibutan.
9 主はその聖徒たちの足を守られる、しかし悪いものどもは暗黒のうちに滅びる。人は力をもって勝つことができないからである。
Gagabayan niya ang mga paa ng kanyang mga tapat, ngunit patatahimikin ang mga makasalanan sa kadiliman, sapagka't walang ni isa ang mananaig sa pamamgitan ng lakas.
10 主と争うものは粉々に砕かれるであろう、主は彼らにむかって天から雷をとどろかし、地のはてまでもさばき、王に力を与え、油そそがれた者の力を強くされるであろう」。
Magkakapira-piraso ang mga sumasalungat kay Yahweh; magpapakulog siya mula sa langit laban sa kanila. Si Yahweh ang huhusga sa mga dulo ng mundo. Bibigyan niya ng kalakasan ang kanyang hari at itataas niya ang sungay ng kanyang hinirang.”
11 エルカナはラマにある家に帰ったが、幼な子は祭司エリの前にいて主に仕えた。
Pagkatapos pumunta si Elkana sa Rama, sa kanyang bahay. Naglingkod ang bata kay Yahweh sa harapan ni Eli na pari.
12 さて、エリの子らは、よこしまな人々で、主を恐れなかった。
Ngayon ang mga anak na lalaki ni Eli ay mga walang kabuluhang kalalakihan. Hindi nila nakikilala si Yahweh.
13 民のささげ物についての祭司のならわしはこうである。人が犠牲をささげる時、その肉を煮る間に、祭司のしもべは、みつまたの肉刺しを手に持ってきて、
Ang kaugalian ng mga pari kapag naghandog ang sinumang tao ng isang alay, pupunta ang lingkod ng pari na may dalang tatlong tulis na tinidor sa kanyang kamay, habang kumukulo ang karne.
14 それをかま、またはなべ、またはおおがま、または鉢に突きいれ、肉刺しの引き上げるものは祭司がみな自分のものとした。彼らはシロで、そこに来るすべてのイスラエルの人に、このようにした。
Itusok niya ito sa loob ng kawali, o takure, o kaldero, o palayok. Lahat nang nakuha ng tinidor ay kukunin ng pari para sa kanyang sarili. Ginawa nila ito sa Shilo kasama ang lahat ng mga Israelita na pumunta roon.
15 人々が脂肪を焼く前にもまた、祭司のしもべがきて、犠牲をささげる人に言うのであった、「祭司のために焼く肉を与えよ。祭司はあなたから煮た肉を受けない。生の肉がよい」。
Sa halip, bago nila sunugin ang taba, dumating ang lingkod ng pari, at sinabi sa taong nag-aalay, “Magbigay ka ng karne upang ihawin para sa pari; sapagka't hindi niya tatanggapin ang pinakuluang karne mula sa iyo, ngunit hilaw lamang.”
16 その人が、「まず脂肪を焼かせましょう。その後ほしいだけ取ってください」と言うと、しもべは、「いや、今もらいたい。くれないなら、わたしは力づくで、それを取ろう」と言う。
Kung sasabihin ng tao sa kanya, “Dapat nilang sunugin muna ang taba, at pagkatapos kumuha ka ng hangga't gusto mo.” Pagkatapos sasabihin niyang, “Hindi, ibigay mo ito sa akin ngayon; kung hindi, kukunin ko ito ng sapilitan.”
17 このように、その若者たちの罪は、主の前に非常に大きかった。この人々が主の供え物を軽んじたからである。
Ang kasalanan ng mga binatang ito ay napakalaki sa harapan ni Yahweh, sapagka't inalipusta nila ang handog ni Yahweh.
18 サムエルはまだ幼く、身に亜麻布のエポデを着けて、主の前に仕えていた。
Ngunit naglingkod si Samuel kay Yahweh bilang isang batang dinamitan ng isang linong epod.
19 母は彼のために小さい上着を作り、年ごとに、夫と共にその年の犠牲をささげるために上る時、それを持ってきた。
Ginagawan siya ng kanyang ina ng isang maliit na balabal at dinadala ito sa kanya taon-taon, kapag umaakyat siya kasama ang kanyang asawa upang maghandog ng taunang alay.
20 エリはいつもエルカナとその妻を祝福して言った、「この女が主にささげた者のかわりに、主がこの女によってあなたに子を与えられるように」。そして彼らはその家に帰るのを常とした。
Pinagpapala ni Eli si Elkana at kanyang asawa at sinasabing, “Bigyan nawa ka ni Yahweh ng maraming anak sa pamamagitan ng babaeng ito dahil sa kahilingan na kanyang ginawa kay Yahweh.” Pagkatapos babalik sila sa kanilang sariling tahanan.
21 こうして主がハンナを顧みられたので、ハンナはみごもって、三人の男の子とふたりの女の子を産んだ。わらべサムエルは主の前で育った。
Tinulungan muli ni Yahweh si Ana, at nabuntis siya ulit. Nagsilang siya ng tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae. Samantala, lumaki ang batang si Samuel sa harapan ni Yahweh.
22 エリはひじょうに年をとった。そしてその子らがイスラエルの人々にしたいろいろのことを聞き、また会見の幕屋の入口で勤めていた女たちと寝たことを聞いて、
Ngayon napakatanda na ni Eli; narinig niya ang lahat ng ginagawa ng kanyang mga anak na lalaki sa buong Israel, at kung paano nila sinipingan ang mga kababaihan na naglilingkod sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
23 彼らに言った、「なにゆえ、そのようなことをするのか。わたしはこのすべての民から、あなたがたの悪いおこないのことを聞く。
Sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ginawa ang ganoong mga bagay? Sapagka't narinig ko ang inyong mga masamang gawa mula sa lahat ng mga taong ito.”
24 わが子らよ、それはいけない。わたしの聞く、主の民の言いふらしている風説は良くない。
Hindi, mga anak ko; sapagka't hindi magandang balita ang aking naririnig. Dinulot ninyong sumuway ang mga tao ni Yahweh.
25 もし人が人に対して罪を犯すならば、神が仲裁されるであろう。しかし人が主に対して罪を犯すならば、だれが、そのとりなしをすることができようか」。しかし彼らは父の言うことに耳を傾けようともしなかった。主が彼らを殺そうとされたからである。
“Kung magkakasala ang isang tao laban sa iba, hahatulan siya ng Diyos; ngunit kung magkakasala ang isang tao laban kay Yahweh, sino ang magsasalita para sa kanya?” Ngunit ayaw nilang makinig sa boses ng kanilang ama, dahil nilalayon ni Yahweh na patayin sila.
26 わらべサムエルは育っていき、主にも、人々にも、ますます愛せられた。
Lumaki ang batang si Samuel, at kinalugdan ni Yahweh at ng mga kalalakihan.
27 このとき、ひとりの神の人が、エリのもとにきて言った、「主はかく仰せられる、『あなたの先祖の家がエジプトでパロの家の奴隷であったとき、わたしはその先祖の家に自らを現した。
Ngayon dumating ang isang lingkod ng Diyos kay Eli at sinabi sa kanya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Hindi ko ba inihayag ang aking sarili sa bahay ng iyong ninuno, nang naroon sila sa Ehipto sa pagkakaalipin sa bahay ni Paraon?
28 そしてイスラエルのすべての部族のうちからそれを選び出して、わたしの祭司とし、わたしの祭壇に上って、香をたかせ、わたしの前でエポデを着けさせ、また、イスラエルの人々の火祭をことごとくあなたの先祖の家に与えた。
Pinili ko siya mula sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging aking pari, para umakyat sa aking altar, at para magsunog ng insenso, para magsuot ng isang epod sa aking harapan. Ibinigay ko sa bahay ng iyong ninuno ang lahat ng handog ng mga tao ng Israel na ginawa sa apoy.
29 それにどうしてあなたがたは、わたしが命じた犠牲と供え物をむさぼりの目をもって見るのか。またなにゆえ、わたしよりも自分の子らを尊び、わたしの民イスラエルのささげるもろもろの供え物の、最も良き部分をもって自分を肥やすのか』。
Sa gayon, bakit ninyo hinahamak ang aking mga alay at mga handog na aking kinakailangan sa lugar kung saan ako naninirahan? Bakit ninyo pinarangalan ang inyong mga anak na lalaki na higit sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili ng mga mainam ng bawat handog ng aking bayang Israel?'
30 それゆえイスラエルの神、主は仰せられる、『わたしはかつて、「あなたの家とあなたの父の家とは、永久にわたしの前に歩むであろう」と言った』。しかし今、主は仰せられる、『決してそうはしない。わたしを尊ぶ者を、わたしは尊び、わたしを卑しめる者は、軽んぜられるであろう。
Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
31 見よ、日が来るであろう。その日、わたしはあなたの力と、あなたの父の家の力を断ち、あなたの家に年老いた者をなくするであろう。
Tingnan mo, paparating na ang mga araw na puputulin ko ang iyong lakas at ang lakas ng bahay ng iyong ama, upang wala ng sinumang matandang lalaki sa iyong bahay.
32 そのとき、あなたは災のうちにあって、イスラエルに与えられるもろもろの繁栄を、ねたみ見るであろう。あなたの家には永久に年老いた者がいなくなるであろう。
Makikita mo ang pagdadalamhati sa lugar kung saan ako naninirahan. Kahit na ibibigay ang kabutihan sa Israel, wala nang sinumang matandang lalaki sa iyong bahay.
33 しかしあなたの一族のひとりを、わたしの祭壇から断たないであろう。彼は残されてその目を泣きはらし、心を痛めるであろう。またあなたの家に生れ出るものは、みなつるぎに死ぬであろう。
Sinuman sa inyo na hindi ko puputulin mula sa aking altar, idudulot kong lumabo ang inyong mga mata, at magdudulot ako ng kapighatian para sa inyong buhay. Mamamatay ang lahat ng kalalakihang ipapanganak sa inyong pamilya.
34 あなたのふたりの子ホフニとピネハスの身に起ることが、あなたのためにそのしるしとなるであろう。すなわちそのふたりは共に同じ日に死ぬであろう。
Ito ang magiging palatandaan para sa iyo na darating sa iyong dalawang anak na lalaki, kay Hofni at Pinehas: Mamamatay silang dalawa sa parehong araw.
35 わたしは自分のために、ひとりの忠実な祭司を起す。その人はわたしの心と思いとに従って行うであろう。わたしはその家を確立しよう。その人はわたしが油そそいだ者の前につねに歩むであろう。
Magtataas ako para sa aking sarili ng isang tapat na pari na gagawa kung ano ang nasa aking puso at nasa aking kaluluwa. Gagawan ko siya ng isang tiyak na bahay; at lalakad siya sa harapan ng aking hinirang na hari magpakailanman.
36 そしてあなたの家で生き残っている人々はみなきて、彼に一枚の銀と一個のパンを請い求め、「どうぞ、わたしを祭司の職の一つに任じ、一口のパンでも食べることができるようにしてください」と言うであろう』」。
Paparoon ang bawat isa na naiwan sa iyong bahay at yuyukod sa taong iyon, hihingi para sa isang pirasong ng pilak at isang putol ng tinapay, at magsasabing, “Pakiusap italaga mo ako sa isa sa mga tungkulin ng pari upang makakain ako ng piraso ng tinapay.'''''

< サムエル記Ⅰ 2 >