< 列王記Ⅰ 12 >

1 レハベアムはシケムへ行った。すべてのイスラエルびとが彼を王にしようとシケムへ行ったからである。
Nagpunta si Rehoboam sa Shekem, dahil ang buong Israel ay darating sa Shekem para gawin siyang hari.
2 ネバテの子ヤラベアムはソロモンを避けてエジプトにのがれ、なおそこにいたが、これを聞いてエジプトから帰ったので、
Ito ay nangyari nang marinig ito ni Jeroboam anak ni Nebat (dahil siya ay nasa Ehipto pa, kung saan siya ay tumakas mula sa kinaroroonan ni Haring Solomon; Si Jeroboam ay nanirahan sa Ehipto).
3 人々は人をつかわして彼を招いた。そしてヤラベアムとイスラエルの会衆は皆レハベアムの所にきて言った、
Kaya siya ay isinugo at tinawag nila, at dumating si Jeroboam at buong kapulungan ng Israel; sila ay nagsalita kay Rehoboam at sinabi, “ginawang mahirap ng iyong ama ang aming pasanin.
4 「父上はわれわれのくびきを重くされましたが、今父上のきびしい使役と、父上がわれわれに負わせられた重いくびきとを軽くしてください。そうすればわれわれはあなたに仕えます」。
Ngayon, gawin mong madali ang mahirap na trabahong ibinigay ng iyong ama, at pagaanin mo ang mabigat na pasanin na inilagay niya sa amin, at paglilingkuran ka namin.”
5 レハベアムは彼らに言った、「去って、三日過ぎてから、またわたしのところにきなさい」。それで民は立ち去った。
Sinabi ni Rehoboam sa kanila, “Umalis kayo ng tatlong araw; pagkatapos bumalik kayo sa akin.” Kaya umalis ang mga tao.
6 レハベアム王は父ソロモンの存命中ソロモンに仕えた老人たちに相談して言った、「この民にどう返答すればよいと思いますか」。
Sumangguni si Haring Rehoboam sa mga matatandang lalaki na tumayo sa harapan ni Solomon na kaniyang ama habang siya ay nabubuhay; sinabi niya, “Paano ninyo ako papayuhan upang sagutin ang mga taong ito?”
7 彼らはレハベアムに言った、「もし、あなたが、きょう、この民のしもべとなって彼らに仕え、彼らに答えるとき、ねんごろに語られるならば、彼らは永久にあなたのしもべとなるでしょう」。
Sila ay nagsalita sa kaniya at sinabi, “Kung ikaw ay magiging isang lingkod ngayon sa mga taong ito at paglilingkuran sila, at sasagutin sila sa pamamagitan ng mabubuting mga salita, palagi silang magiging mga lingkod mo.”
8 しかし彼は老人たちが与えた勧めを捨てて、自分と一緒に大きくなって自分に仕えている若者たちに相談して、
Subalit binalewala ni Rehoboam ang ibinigay na payo ng mga matatandang lalaki sa kaniya, at sumangguni sa mga kabataan na lumaking kasama niya, na tumayo sa harapan niya.
9 彼らに言った、「この民がわたしにむかって『あなたの父がわれわれに負わせたくびきを軽くしてください』というのに、われわれはなんと返答すればよいと思いますか」。
Sinabi niya sa kanila, “Anong payoang maibibigay ninyo sa akin, upang maaari nating masagot ang mga tao na nagsalita sa akin at nagsabing, “Pagaanin ninyo ang pasanin na inilagay sa amin ng inyong ama?”
10 彼と一緒に大きくなった若者たちは彼に言った、「あなたにむかって『父上はわれわれのくびきを重くされましたが、あなたは、それをわれわれのために軽くしてください』と言うこの民に、こう言いなさい、『わたしの小指は父の腰よりも太い。
Ang mga kabataan na lumaking kasama ni Rehoboam ay nagsalita sa kaniya, nagsabi, “Magsalita ka sa mga taong ito na nagsabi sa iyo na ang iyong amang si Solomon ang nagpabigat ng kanilang pasanin pero dapat mo itong pagaanin. Dapat mong sabihin sa kanila, “Ang hinliliit kong daliri ay makapal kaysa sa baywang ng aking ama.
11 父はあなたがたに重いくびきを負わせたが、わたしはさらに、あなたがたのくびきを重くしよう。父はむちであなたがたを懲らしたが、わたしはさそりをもってあなたがたを懲らそう』と」。
Kaya ngayon, kahit na pinahirapan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng isang mabigat na pasanin, magdadagdag ako sa inyong pasanin. Pinarusahan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
12 さてヤラベアムと民は皆、王が「三日目に再びわたしのところに来るように」と言ったとおりに、三日目にレハベアムのところにきた。
Kaya dumating si Jeroboam at ang lahat ng bayan kay Rehoboam sa ikatlong araw, gaya ng itinagubilin ng hari noong sinabi niyang, “Bumalik kayo sa akin sa ikatlong araw.”
13 王は荒々しく民に答え、老人たちが与えた勧めを捨てて、
Marahas na tinugon ng hari ang bayan at binalewala ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matatandang lalaki.
14 若者たちの勧めに従い、彼らに告げて言った、「父はあなたがたのくびきを重くしたが、わたしはあなたがたのくびきを、さらに重くしよう。父はむちであなたがたを懲らしたが、わたしはさそりをもってあなたがたを懲らそう」。
Siya ay nagsalita sa kanila bilang pagsunod sa payo ng mga nakababatang lalaki; sabi niya, “Pinagpasan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mabibigat na pasanin, pero magdadagdag ako ng pasanin sa inyo. Pinarusahan kayo ng aking ama sa pamamagitan ng mga latigo, pero parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
15 このように王は民の言うことを聞きいれなかった。これはかつて主がシロびとアヒヤによって、ネバテの子ヤラベアムに言われた言葉を成就するために、主が仕向けられた事であった。
Kaya hindi nga pinakinggan ng hari ang mga tao, dahil ito ay isang pagbabago ng mga pangyayari na ginawa ni Yahweh, upang maaari niyang tuparin ang kaniyang salita na kaniyang sinabi kay Ahias na taga-Silo kay Jeroboam na anak ni Nebat.
16 イスラエルの人々は皆、王が自分たちの言うことを聞きいれないのを見たので、民は王に答えて言った、「われわれはダビデのうちに何の分があろうか、エッサイの子のうちに嗣業がない。イスラエルよ、あなたがたの天幕へ帰れ。ダビデよ、今自分の家の事を見よ」。そしてイスラエルはその天幕へ去っていった。
Nang makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Umuwi kayo sa inyong mga tolda, Israel. Ngayon pangalagaan mo ang sarili mong bahay, David.” Kaya nagbalik ang Israel sa kanilang mga tolda.
17 しかしレハベアムはユダの町々に住んでいるイスラエルの人々を治めた。
Pero para sa bayang Israel na nanirahan sa mga lungsod ng Juda, si Rehoboam ang naghari sa kanila.
18 レハベアム王は徴募の監督であったアドラムをつかわしたが、イスラエルが皆、彼を石で撃ち殺したので、レハベアム王は急いで車に乗り、エルサレムへ逃げた。
Pagkatapos ipinadala ni Haring Rehoboam si Adoram, na siyang namamahala sa mga pinilit na mga manggagawa, pero pinagbabato siya ng buong Israel hanggang mamatay. Mabilis na tumakas si Haring Rehoboam sa kaniyang karwahe patungong Jerusalem.
19 こうしてイスラエルはダビデの家にそむいて今日に至った。
Kaya ang Israel ay naging rebelde laban sa angkan ni David hanggang sa araw na ito.
20 イスラエルは皆ヤラベアムの帰ってきたのを聞き、人をつかわして彼を集会に招き、イスラエルの全家の上に王とした。ユダの部族のほかはダビデの家に従う者がなかった。
Nangyari ito nang mabalitaan ng buong Israel na bumalik na si Jeroboam, ipinadala nila at tinawag siya sa kanilang kapulungan at ginawa siyang hari sa buong Israel. Walang isa man ang sumunod sa pamilya ni David, maliban lamang sa lipi ni Juda.
21 ソロモンの子レハベアムはエルサレムに来て、ユダの全家とベニヤミンの部族の者、すなわちえり抜きの軍人十八万を集め、国を取りもどすために、イスラエルの家と戦おうとしたが、
Nang dumating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang lahat ng lipi ni Juda at ang lipi ni Benjamin; mayroong piniling 180, 000 kalalakihan na mga sundalo, para labanan ang lipi ng Israel, para ibalik muli ang kaharian kay Rehoboam na anak ni Solomon.
22 神の言葉が神の人シマヤに臨んだ、
Ngunit dumating ang salita ng Diyos kay Semaias, ang lingkod ng Diyos; ito ang sinabi,
23 「ソロモンの子であるユダの王レハベアム、およびユダとベニヤミンの全家、ならびにそのほかの民に言いなさい、
“Sabihin kay Rehoboam na anak ni Solomon, hari ng Juda, sa lahat ng lipi ni Juda at Benjamin, at sa natitirang mga tao; sabihing,
24 『主はこう仰せられる。あなたがたは上っていってはならない。あなたがたの兄弟であるイスラエルの人々と戦ってはならない。おのおの家に帰りなさい。この事はわたしから出たのである』」。それで彼らは主の言葉をきき、主の言葉に従って帰っていった。
'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hindi ninyo dapat nilulusob o nilalabanan ang inyong mga kapatid na bayang Israel. Bawat lalaki ay dapat magbalik sa kaniyang tahanan, dahil kalooban ko na mangyari ang bagay na ito.”' Kaya nakinig sila sa salita ni Yahweh at bumalik at nagpunta sa kani-kanilang daan, at sinunod nila ang kaniyang salita.
25 ヤラベアムはエフライムの山地にシケムを建てて、そこに住んだ。彼はまたそこから出てペヌエルを建てた。
Pagkatapos itinayo ni Jeroboam ang Shekem sa burol ng bansang Efraim, at nanirahan doon. Lumipat siya mula doon at itinayo ang Penuel.
26 しかしヤラベアムはその心のうちに言った、「国は今ダビデの家にもどるであろう。
Inaakala ni Jeroboam sa kaniyang puso, “Ngayon manunumbalik ang kaharian sa bahay ni David.
27 もしこの民がエルサレムにある主の宮に犠牲をささげるために上るならば、この民の心はユダの王である彼らの主君レハベアムに帰り、わたしを殺して、ユダの王レハベアムに帰るであろう」。
Kung aakyat ang bayang ito para mag-alay ng mga handog sa templo ni Yahweh sa Jerusalem, sa gayon, ang puso ng mga taong ito ay manunumbalik muli sa kanilang panginoon, kay Rehoboam hari ng Juda. Papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam hari ng Juda.”
28 そこで王は相談して、二つの金の子牛を造り、民に言った、「あなたがたはもはやエルサレムに上るには、およばない。イスラエルよ、あなたがたをエジプトの国から導き上ったあなたがたの神を見よ」。
Kaya naghanap ng payo si Haring Jeroboam at gumawa ng dalawang guyang ginto; sinabi niya sa mga tao, “Labis-labis ito para sa inyo na umakyat sa Jerusalem. Masdan ninyo, ito ang inyong mga diyos bayang Israel, na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto.
29 そして彼は一つをベテルにすえ、一つをダンに置いた。
Naglagay siya ng isa sa Bethel at ang isa sa Dan.
30 この事は罪となった。民がベテルへ行って一つを礼拝し、ダンへ行って一つを礼拝したからである。
Kaya naging isang kasalanan ang pagkilos na ito. Ang mga tao ay nagpunta sa isa o sa kabila, hanggang makarating sa Dan.
31 彼はまた高き所に家を造り、レビの子孫でない一般の民を祭司に任命した。
Gumawa si Jeroboam ng mga Templo sa mga dambana; naghirang din siya ng mga pari sa kalagitnaan ng buong bayan, na hindi mga anak na lalaki ni Levi.
32 またヤラベアムはユダで行う祭と同じ祭を八月の十五日に定め、そして祭壇に上った。彼はベテルでそのように行い、彼が造った子牛に犠牲をささげた。また自分の造った高き所の祭司をベテルに立てた。
Nagtalaga si Jeroboam ng isang pista sa ika-walong buwan, sa ika-labing limang araw ng buwan, tulad ng pista na nasa Juda, at umakyat siya sa altar. Ginawa niya ito sa Bethel, naghahandog sa mga guya na kaniyang ginawa, at naglagay siya sa Bethel ng mga pari sa mga dambana na kaniyang ginawa.
33 こうして彼はベテルに造った祭壇に八月の十五日に上った。これは彼が自分で勝手に考えついた月であった。そして彼はイスラエルの人々のために祭を定め、祭壇に上って香をたいた。
Umakyat si Jeroboam sa altar na kaniyang ginawa sa Bethel sa ika-labing limang araw ng ika-walong buwan, sa buwan na binalak niya sa sarili niyang isipan; nagtalaga siya ng isang pista para sa bayan ng Israel at umakyat sa altar para magsunog ng insenso.

< 列王記Ⅰ 12 >