< 列王記Ⅰ 11 >
1 ソロモン王は多くの外国の女を愛した。すなわちパロの娘、モアブびと、アンモンびと、エドムびと、シドンびと、ヘテびとの女を愛した。
Ngayon nagmahal si Solomon ng maraming dayuhang babae: ang anak na babae ng Paraon, mga babaeng Moabita, Ammonita, Edomita, Sidomita at mga babaeng Heteo—
2 主はかつてこれらの国民について、イスラエルの人々に言われた、「あなたがたは彼らと交わってはならない。彼らもまたあなたがたと交わってはならない。彼らは必ずあなたがたの心を転じて彼らの神々に従わせるからである」。しかしソロモンは彼らを愛して離れなかった。
mga bansang nauukol kung saan sinabi ni Yahweh sa bansang Israel, “Huwag kayong pupunta sa kanila para mag-asawa o ni isa sa kanila ay pupunta sa inyo, dahil tiyak na ibabaling nila ang inyong puso sa kanilang mga diyos.” Pero minahal ni Solomon ang mga babaeng ito.
3 彼には王妃としての妻七百人、そばめ三百人があった。その妻たちが彼の心を転じたのである。
Nagkaroon si Solomon ng pitong-daang maharlikang asawa at tatlong-daang iba pang kinakasama. Inilayo ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso.
4 ソロモンが年老いた時、その妻たちが彼の心を転じて他の神々に従わせたので、彼の心は父ダビデの心のようには、その神、主に真実でなかった。
Dahil noong tumanda si Solomon, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang diyos; ang kaniyang puso ay hindi niya lubos na isinuko kay Yahweh na kaniyang Diyos, gaya ng kaniyang amang si David.
5 これはソロモンがシドンびとの女神アシタロテに従い、アンモンびとの神である憎むべき者ミルコムに従ったからである。
Sinunod ni Solomon si Astarte, ang diyosa ng mga Sidonio, at sumunod siya kay Milcom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Amonita.
6 このようにソロモンは主の目の前に悪を行い、父ダビデのように全くは主に従わなかった。
Gumawa si Solomon ng kasamaan sa paningin ni Yahweh; hindi siya lubusang sumunod kay Yahweh, tulad nang nagawa ng kaniyang amang si David.
7 そしてソロモンはモアブの神である憎むべき者ケモシのために、またアンモンの人々の神である憎むべき者モレクのためにエルサレムの東の山に高き所を築いた。
Pagkatapos nagpatayo si Solomon ng isang dambana para kay Cemos, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng Moab, sa burol na nasa silangan ng Jerusalem, at para din kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Ammonita.
8 彼はまた外国のすべての妻たちのためにもそうしたので、彼女たちはその神々に香をたき、犠牲をささげた。
Nagtayo rin siya ng mga dambana para sa lahat ng kaniyang mga dayuhang asawa, na nagsunog ng mga insenso at nag-alay para sa kanilang mga diyos.
9 このようにソロモンの心が転じて、イスラエルの神、主を離れたため、主は彼を怒られた。すなわち主がかつて二度彼に現れ、
Nagalit si Yahweh kay Solomon, dahil tumalikod ang kaniyang puso sa kaniya, na Diyos ng Israel, kahit na nagpakita sa kaniya ng dalawang ulit
10 この事について彼に、他の神々に従ってはならないと命じられたのに、彼は主の命じられたことを守らなかったからである。
at nag-utos sa kaniya tungkol sa mismong bagay na ito, na hindi siya dapat maglingkod sa ibang diyos. Subalit hindi sinunod ni Solomon kung ano ang inutos ni Yahweh.
11 それゆえ、主はソロモンに言われた、「これがあなたの本心であり、わたしが命じた契約と定めとを守らなかったので、わたしは必ずあなたから国を裂き離して、それをあなたの家来に与える。
Kaya sinabi ni Yahweh kay Solomon, “Dahil nagawa mo ito at hindi mo sinunod ang aking tipan at aking mga alituntunin na inutos ko sa iyo, tiyak na pipilasin ko ang kaharian mula sa iyo at ibibigay ko ito sa iyong lingkod.
12 しかしあなたの父ダビデのために、あなたの世にはそれをしないが、あなたの子の手からそれを裂き離す。
Subalit, alang-alang sa iyong amang si David, hindi ko ito gagawin habang ikaw ay nabubuhay, pero sisirain ko ito sa kamay ng iyong anak na lalaki.
13 ただし、わたしは国をことごとくは裂き離さず、わたしのしもべダビデのために、またわたしが選んだエルサレムのために一つの部族をあなたの子に与えるであろう」。
Gayon man, hindi ko sisirain ang buong kaharian; Ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alang-alang sa aking lingkod na si David, at para sa kapakanan ng Jerusalem, na aking pinili.”
14 こうして主はエドムびとハダデを起して、ソロモンの敵とされた。彼はエドムの王家の者であった。
Pagkatapos ay nagtayo si Yahweh ng kakalaban kay Solomon, si Hadad na Idumeo. Siya ay nagmula sa maharlikang angkan ng Edom.
15 さきにダビデはエドムにいたが、軍の長ヨアブが上っていって、戦死した者を葬り、エドムの男子をことごとく打ち殺した時、
Noong si David ay nasa Edom, si Joab na pinuno ng mga kawal ay nagpunta para ilibing ang mga patay, bawat taong napatay sa Edom.
16 (ヨアブはイスラエルの人々と共に六か月そこにとどまって、エドムの男子をことごとく断った)。
Si Joab at ang buong Israel ay nanatili doon ng anim na buwan hanggang sa mapatay niya ang bawat kalalakihan sa Edom.
17 ハダデはその父のしもべである数人のエドムびとと共に逃げてエジプトへ行こうとした。その時ハダデはまだ少年であった。
Ngunit si Hadad ay dinala ng mga lingkod ng kaniyang ama sa Ehipto kasama ng iba pang mga Idumeo, dahil si Hadad ay isa pa lamang maliit na bata.
18 彼らがミデアンを立ってパランへ行き、パランから人々を伴ってエジプトへ行き、エジプトの王パロのところへ行くと、パロは彼に家を与え、食糧を定め、かつ土地を与えた。
Umalis sila sa Midian at nagpunta sa Paran, mula kung saan kasama nilang dinala ang mga kalalakihan patungo sa Ehipto, sa Paraon na hari ng Ehipto, na nagbigay sa kaniya ng isang bahay, lupa at pagkain.
19 ハダデは大いにパロの心にかなったので、パロは自分の妻の妹すなわち王妃タペネスの妹を妻として彼に与えた。
Nalugod ang Paraon kay Hadad kaya binigyan siya ng Paraon ng asawa, ang kapatid ng sarili niyang asawa, ang kapatid na babae ng reyna na si Tapenes.
20 タペネスの妹は彼に男の子ゲヌバテを産んだので、タペネスはその子をパロの家のうちで乳離れさせた。ゲヌバテはパロの家で、パロの子どもたちと一緒にいた。
Isinilang ng kapatid ni Tapenes ang anak na lalaki ni Hadad; Pinangalanan nila siyang Genubat; Siya ay pinalaki ni Tapenes sa palasyo ng Paraon. Kaya namuhay si Genubat sa palasyo ng Paraon kasama ang mga anak ng Paraon.
21 さてハダデはエジプトで、ダビデがその先祖と共に眠ったことと、軍の長ヨアブが死んだことを聞いたので、ハダデはパロに言った、「わたしを去らせて、国へ帰らせてください」。
Noong mabalitaan ni Hadad na tulog na si David kasama ang kaniyang mga ninuno, at si Joab na pinuno ng hukbo ay patay na, sinabi ni Hadad sa Paraon, “Pahintulutan mo akong umalis para pumunta sa aking sariling bansa.”
22 パロは彼に言った、「わたしと共にいて、なんの不足があって国へ帰ることを求めるのですか」。彼は言った、「ただ、わたしを帰らせてください」。
At sinabi sa kaniya ng Paraon, “Pero ano pa ang kulang mo sa akin na gustuhin mo pang bumalik sa iyong sariling bansa?” Sumagot si Hadad, “Wala, hayaan mo lang akong umalis.”
23 神はまたエリアダの子レゾンを起してソロモンの敵とされた。彼はその主人ゾバの王ハダデゼルのもとを逃げ去った者であった。
Nagtayo muli ang Diyos ng isa pang katunggali kay Solomon, si Rezon na anak na lalaki ni Eliada, na tumakas mula sa kaniyang panginoon na si Hadadezer, hari ng Zoba.
24 ダビデがゾバの人々を殺した後、彼は人々を自分のまわりに集めて略奪隊の首領となった。彼らはダマスコへ行って、そこに住み、ダマスコで彼を王とした。
Nagtipon si Rezon ng mga kalalakihan at naging kapitan ng isang maliit na puwersa, noong tinalo ni David ang mga kalalakihan ng Zoba. Nagpunta ang mga tauhan ni Zoba sa Damasco at nanirahan doon, at napailalim kay Rezon ang Damasco.
25 彼はソロモンの一生の間、イスラエルの敵となって、ハダデがしたように害をなし、イスラエルを憎んでスリヤを治めた。
Siya ay naging kaaway ng Israel sa lahat ng panahon ng paghahari ni Solomon, kasama ng mga kaguluhan na idinulot ni Hadad. Kinasuklaman ni Rezon ang Israel at naghari siya sa Aram.
26 ゼレダのエフライムびとネバテの子ヤラベアムはソロモンの家来であったが、その母の名はゼルヤといって寡婦であった。彼もまたその手をあげて王に敵した。
At si Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat, isang Efraimita na taga Sereda, isang opisyal ni Solomon, na ang pangalan ng kaniyang ina ay Serua, isang babaeng balo, ay nagtaas din ng kaniyang kamay laban sa hari.
27 彼が手をあげて、王に敵した事情はこうである。ソロモンはミロを築き、父ダビデの町の破れ口をふさいでいた。
Ang dahilan kung bakit nagrebelde siya laban sa hari ay dahil itinayo ni Solomon ang Millo at inayos ang lagusan ng pader sa lungsod ni David na kaniyang ama.
28 ヤラベアムは非常に手腕のある人であったが、ソロモンはこの若者がよく働くのを見て、彼にヨセフの家のすべての強制労働の監督をさせた。
Si Jeroboam ay isang lalaking malakas at matapang. Nakita ni Solomon ang binata na masipag, kaya ibinigay sa kaniya ang pamamahala sa lahat ng gawain sa tahanan ni Jose.
29 そのころ、ヤラベアムがエルサレムを出たとき、シロびとである預言者アヒヤが道で彼に会った。アヒヤは新しい着物を着ていた。そして彼らふたりだけが野にいた。
Sa panahong iyon, nang lumabas si Jeroboam sa Jerusalem, natagpuan siya ni propetang Ahias sa daan. Ngayon nagbihis si Ahias ng bagong kasuotan, at ang dalawang lalaki ang tanging nasa bukid.
30 アヒヤは着ている着物をつかんで、それを十二切れに裂き、
Pagkatapos ay dinakma ni Ahias ang bagong kasuotan na nasa kaniya, at pinunit ito ng labing-dalawang piraso.
31 ヤラベアムに言った、「あなたは十切れを取りなさい。イスラエルの神、主はこう言われる、『見よ、わたしは国をソロモンの手から裂き離して、あなたに十部族を与えよう。
Sinabi niya kay Jeroboam, “kumuha ka ng sampung piraso, dahil si Yahweh na Diyos ng Israel, sinasabi niya, 'Pagmasdan mo, pipilasin ko ang kaharian at aalisin sa kamay ni Solomon, at ibibigay ko ang sampung lipi sa iyo
32 (ただし彼はわたしのしもべダビデのために、またわたしがイスラエルのすべての部族のうちから選んだ町エルサレムのために、一つの部族をもつであろう)。
(subalit magkakaroon si Solomon ng isang lipi, alang-alang sa lingkod kong si David at alang-alang sa Jerusalem, ang lungsod na aking pinili mula sa lahat ng lipi ng Israel),
33 それは彼がわたしを捨てて、シドンびとの女神アシタロテと、モアブの神ケモシと、アンモンの人々の神ミルコムを拝み、父ダビデのように、わたしの道に歩んで、わたしの目にかなう事を行い、わたしの定めと、おきてを守ることをしなかったからである。
dahil iniwanan nila ako at sinamba nila si Astarte, ang babaeng diyus-diyosan ng mga Sidonita, kay Cemos ang diyos ng mga Moabita, at kay Milcom ang diyos ng mga mamamayan ng mga Ammonita. Hindi sila lumakad ayon sa aking kaparaanan, para gawin ang mabuti sa aking paningin, at para sundin ang aking mga utos at mga tuntunin gaya ng ginawa ng kaniyang ama na si David.
34 しかし、わたしは国をことごとくは彼の手から取らない。わたしが選んだ、わたしのしもべダビデが、わたしの命令と定めとを守ったので、わたしは彼のためにソロモンを一生の間、君としよう。
Ngunit, hindi ko aalisin ang buong kaharian sa kamay ni Solomon. Sa halip, gagawin ko siyang hari sa lahat ng araw ng kaniyang buhay, alang-alang sa aking lingkod na si David na aking pinili, na siyang nag-ingat sa aking mga kautusan at mga tuntunin.
35 そして、わたしはその子の手から国を取って、その十部族をあなたに与える。
Ngunit kukunin ko ang kaharian mula sa kamay ng kaniyang anak, at ibibigay ko ito sa iyo, ang sampung mga lipi.
36 その子には一つの部族を与えて、わたしの名を置くために選んだ町エルサレムで、わたしのしもべダビデに、わたしの前に常に一つのともしびを保たせるであろう。
Ibibigay ko ang isang lipi sa anak na lalaki ni Solomon, para ang aking lingkod na si David ay magkakaroon lagi ng ilaw sa harapan ko sa Jerusalem, ang lungsod kung saan pinili kong ilagay ang aking pangalan.
37 わたしがあなたを選び、あなたはすべて心の望むところを治めて、イスラエルの上に王となるであろう。
Kukunin kita, at ikaw ay mamumuno at tutupad sa lahat ng hangarin mo, at ikaw ay magiging hari ng buong Israel.
38 もし、あなたが、わたしの命じるすべての事を聞いて、わたしの道に歩み、わたしの目にかなう事を行い、わたしのしもべダビデがしたように、わたしの定めと戒めとを守るならば、わたしはあなたと共にいて、わたしがダビデのために建てたように、あなたのために堅固な家を建てて、イスラエルをあなたに与えよう。
Kung pakikinggan mo ang lahat na aking ipag-uutos sa iyo, at kung lalakad ka sa aking mga landas, at kung gagawin mo kung ano ang mabuti sa aking paningin, para ingatan ang mga tuntunin at mga kautusan, gaya ng ginawa ng aking lingkod na si David, sa gayon ay sasamahan kita at ipagtatayo kita ng totoong tahanan, gaya ng itinayo ko para kay David, at ang Israel ay ibibigay ko sa iyo.
39 わたしはこのためにダビデの子孫を苦しめる。しかし永久にではない』」。
Paparusahan ko ang mga kaapu-apuhan ni David, pero hindi habang panahon.”
40 ソロモンはヤラベアムを殺そうとしたが、ヤラベアムは立ってエジプトにのがれ、エジプト王シシャクのところへ行って、ソロモンの死ぬまでエジプトにいた。
Kaya pinagsikapang patayin ni Solomon si Jeroboam, ngunit tumindig si Jeroboam at tumakas papuntang Ehipto, kay Shishak, hari ng Ehipto, at nanatili siya sa Ehipto hanggang sa pagkamatay ni Solomon.
41 ソロモンのそのほかの事績と、彼がしたすべての事およびその知恵は、ソロモンの事績の書にしるされているではないか。
Para sa ibang mga bagay tungkol kay Solomon, lahat ng kaniyang mga ginawa at ang kaniyang karunungan, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ni Solomon?
42 ソロモンがエルサレムでイスラエルの全地を治めた日は四十年であった。
Naghari si Solomon sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.
43 ソロモンはその先祖と共に眠って、父ダビデの町に葬られ、その子レハベアムが代って王となった。
Natulog siya kasama ang kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa lungsod ng kaniyang amang si David. Ang kaniyang anak na lalaki na si Rehoboam ang humalili sa kaniya bilang hari.