< 詩篇 89 >
1 われヱホバの憐憫をとこしへにうたはん われ口もてヱホバの眞實をよろづ代につげしらせん
Magpakailanman kong aawitin ang mga ginawa ni Yahweh sa kaniyang katapatan sa tipan. Ihahayag ko sa mga susunod na salinlahi ang iyong pagiging totoo.
2 われいふ あはれみは永遠にたてらる 汝はその眞實をかたく天にさだめたまはんと
Dahil aking sinabi, “Ang katapatan sa tipan ay naitatag magpakailanman; itinatag mo ang iyong pagkamatapat sa kalangitan.”
3 われわが撰びたるものと契約をむすびわが僕ダビデにちかひたり
“Nakipagtipan ako sa aking pinili, nangako ako sa aking lingkod na si David.
4 われなんぢの裔をとこしへに固うしなんぢの座位をたてて代々におよばしめん (セラ)
Itataguyod ko ang iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman, at itataguyod ko ang iyong trono sa bawat salinlahi.” (Selah)
5 ヱホバよもろもろの天はなんぢの奇しき事跡をほめん なんぢの眞實もまた潔きものの會にてほめらるべし
Pinupuri ng kalangitan ang iyong kamanghaan, Yahweh; ang iyong pagiging totoo ay pinupuri sa pagtitipon ng mga banal.
6 蒼天にてたれかヱホバに類ふものあらんや 神の子のなかに誰かヱホバのごとき者あらんや
Dahil sino sa kalangitan ang maihahambing kay Yahweh? Sino sa mga anak ng mga diyos ang katulad ni Yahweh?
7 神はきよきものの公會のなかにて畏むべきものなり その四周にあるすべての者にまさりて懼るべきものなり
Siya ay Diyos na lubos na pinararangalan sa konseho ng mga banal at ang kamangha-mangha sa gitna ng lahat ng nakapalibot sa kaniya.
8 萬軍の神ヱホバよヤハよ汝のごとく大能あるものは誰ぞや なんぢの眞實はなんぢをめぐりたり
Yahweh, Diyos ng mga hukbo, sino ang kasing lakas mo, Yahweh? Pinapaligiran ka ng iyong katapatan.
9 なんぢ海のあるるををさめ その浪のたちあがらんときは之をしづめたまふなり
Pinaghaharian mo ang nagngangalit na mga dagat; kapag gumugulong ang mga alon, pinapayapa mo ang mga ito.
10 なんぢラハブを殺されしもののごとく撃碎きおのれの仇どもを力ある腕をもて打散したまへり
Dinurog mo si Rahab katulad ng isang taong pinatay. Kinalat mo ang mga kaaway mo sa pamamagitan ng malakas mong bisig.
11 もろもろの天はなんぢのもの地もまた汝のものなり世界とその中にみつるものとはなんぢの基したまへるなり
Sa iyo ang kalangitan, pati na ang kalupaan. Nilikha mo ang mundo at lahat ng nilalaman nito.
12 北と南はなんぢ造りたまへり タボル、ヘルモンはなんぢの名によりて歓びよばふ
Nilikha mo ang hilaga at timog. Nagsasaya ang Tabor at Hermon sa pangalan mo.
13 なんぢは大能のみうでをもちたまふ なんぢの手はつよく汝のみぎの手はたかし
Mayroon kang makapangyarihang bisig at malakas na kamay, at nakataas ang iyong kanang kamay.
14 義と公平はなんぢの寳座のもとゐなり あはれみと眞實とは聖顔のまへにあらはれゆく
Katuwiran at hustisya ang saligan ng iyong trono. Katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ang nasa harapan mo.
15 よろこびの音をしる民はさいはひなり ヱホバよかれらはみかほの光のなかをあゆめり
Mapalad ang mga sumasamba sa iyo! Yahweh, lumalakad (sila) sa liwanag ng iyong mukha.
16 かれらは名によりて終日よろこび 汝の義によりて高くあげられたり
Buong araw silang nagsasaya sa pangalan mo, at itinataas ka nila sa katuwiran mo.
17 かれらの力の榮光はなんぢなり 汝の惠によりてわれらの角はたかくあげられん
Ikaw ang kanilang dakilang kalakasan, at sa iyong pabor kami ay nagtatagumpay.
18 そはわれらの盾はヱホバに屬われらの王はイスラエルの聖者につけり
Dahil ang kalasag namin ay pagmamay-ari ni Yahweh; ang hari namin ay Ang Banal ng Israel.
19 そのとき異象をもてなんぢの聖徒につげたまはく われ佑助をちからあるものに委ねたり わが民のなかより一人をえらびて高くあげたり
Matagal na ang nakalipas nang nagsalita ka sa matatapat sa iyo sa pamamagitan ng pangitain; sinabi mo, “Pinatungan ko ng korona ang isang taong magiting; humirang ako mula sa mga tao.
20 われわが僕ダビデをえて之にわが聖膏をそそげり
Pinili ko si David na aking lingkod; hinirang ko siya gamit ang aking banal na langis.
21 わが手はかれとともに堅くわが臂はかれを強くせん
Aalalayan siya ng aking kamay; palalakasin siya ng aking bisig.
22 仇かれをしへたぐることなし惡の子かれを苦しむることなからん
Walang kaaway ang makapanlilinlang sa kaniya; walang anak ng kasamaan ang mang-aapi sa kaniya.
23 われかれの前にそのもろもろの敵をたふし彼をにくめるものを撃ん
Dudurugin ko ang mga kaaway niya sa kaniyang harapan; papatayin ko ang mga namumuhi sa kaniya.
24 されどわが眞實とわが憐憫とはダビデとともに居り わが名によりてその角はたかくあげられん
Makakasama niya ang aking katotohanan at ang aking katapatan sa tipan; sa pamamagitan ng pangalan ko siya ay magtatagumpay.
25 われ亦かれの手を海のうへにおき そのみぎの手を河のうへにおかん
Ipapatong ko ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat at ang kanang kamay niya sa ibabaw ng mga ilog.
26 ダビデ我にむかひて汝はわが父わが神わがすくひの岩なりとよばん
Tatawagin niya ako, 'Ikaw ang aking Ama, aking Diyos, ang bato ng aking kaligtasan.'
27 われまた彼をわが初子となし地の王たちのうち最もたかき者となさん
Gagawin ko rin siyang panganay kong anak na lalaki, ang pinaka-tinatanghal sa mga hari ng lupa.
28 われとこしへに憐憫をかれがためにたもち 之とたてし契約はかはることなかるべし
Ipagpapatuloy ko ang aking katapatan sa tipan sa kaniya magpakailanman; at ang tipan ko sa kaniya ay magiging matatag.
29 われまたその裔をとこしへに存へ そのくらゐを天の日數のごとくながらへしめん
Itataguyod ko ang kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman at ang kaniyang trono ay magiging kasing tatag ng kalangitan.
30 もしその子わが法をはなれ わが審判にしたがひて歩まず
Kung iiwanan ng kaniyang mga anak ang aking batas at susuwayin ang aking mga kautusan,
kung lalabagin nila ang aking mga patakaran at hindi susundin ang aking mga kautusan,
32 われ杖をもてかれらの愆をただし鞭をもてその邪曲をただすべし
parurusahan ko ang kanilang paghihimagsik gamit ang isang pamalo at ang kanilang mga kasalanan ng aking mga suntok.
33 されど彼よりわが憐憫をことごとくはとりさらず わが眞實をおとろへしむることなからん
Pero hindi ko aalisin ang aking katapatan sa tipan mula sa kaniya o hindi magiging totoo sa aking pangako.
34 われおのれの契約をやぶらず己のくちびるより出しことをかへじ
Hindi ko puputulin ang aking tipan o babaguhin ang mga salita ng aking mga labi.
35 われ曩にわが聖をさして誓へり われダビデに虚偽をいはじ
Higit kailanman ako ay nangako sa aking kabanalan - hindi ako magsisinungaling kay David:
36 その裔はとこしへにつづきその座位は日のごとく恒にわが前にあらん
ang kaniyang mga kaapu-apuhan at ang kaniyang trono ay magpapatuloy magpakailanman na kasing tagal ng araw sa aking harapan.
37 また月のごとく永遠にたてられん空にある證人はまことなり (セラ)
Magiging matatag ito magpakailanman katulad ng buwan, ang tapat na saksi sa kalangitan. (Selah)
38 されどその受膏者をとほざけて棄たまへり なんぢ之をいきどほりたまへり
Pero itinanggi mo at itinakwil; nagalit ka sa iyong hinirang na hari.
39 なんぢ己がしもべの契約をいみ 其かんむりをけがして地にまでおとし給へり
Tinalikuran mo ang tipan ng iyong lingkod. Nilapastangan mo ang kaniyang korona sa lupa.
40 またその垣をことごとく倒し その保砦をあれすたれしめたまへり
Giniba mo ang lahat ng kaniyang mga pader. Sinira mo ang kaniyang mga tanggulan.
41 その道をすぐるすべての者にかすめられ隣人にののしらる
Ninakawan siya ng lahat ng dumaan sa kaniya. Siya ay naging kasuklam-suklam sa mga kapitbahay niya.
42 なんぢかれが敵のみぎの手をたかく擧そのもろもろの仇をよろこばしめたまへり
Itinaas mo ang kanang kamay ng mga kaaway niya; pinasaya mo ang lahat ng mga kaaway niya.
43 なんぢかれの劍の刃をふりかへして戰闘にたつに堪へざらしめたまひき
Binaliktad mo ang dulo ng kaniyang espada at hindi mo siya pinagtatagumpay kapag nasa labanan.
Tinapos mo ang kaniyang karangyaan; giniba mo ang kaniyang trono.
45 その年若き日をちぢめ恥をそのうへに覆たまへり (セラ)
Pinaikli mo ang araw ng kaniyang kabataan. Binihisan mo siya ng kahihiyan. (Selah)
46 ヱホバよかくて幾何時をへたまふや自己をとこしへに隠したまふや忿怒は火のもゆるごとくなるべきか
Hanggang kailan, Yahweh? Itatago mo ba ang iyong sarili, habang buhay? Hanggang kailan maglalagablab ang iyong galit tulad ng apoy?
47 ねがはくはわが時のいかに短かきかを思ひたまへ 汝いたづらにすべての人の子をつくりたまはんや
Isipin mo kung gaano na lang kaikli ang oras ko, at ang kawalan ng pakinabang ng lahat ng mga anak ng tao na nilikha mo!
48 誰かいきて死をみず又おのがたましひを陰府より救ひうるものあらんや (セラ) (Sheol )
Sino ang kayang mabuhay at hindi mamamatay, o sino ang makapagliligtas ng kaniyang buhay mula sa kapangyarihan ng sheol? (Selah) (Sheol )
49 主よなんぢが眞實をもてダビデに誓ひたまへる昔日のあはれみはいづこにありや
Panginoon, nasaan na ang dati mong mga gawain ng katapatan sa tipan na pinangako mo kay David sa iyong katotohanan?
50 主よねがはくはなんぢの僕のうくる謗をみこころにとめたまへ ヱホバよ汝のもろもろの仇はわれをそしりなんぢの受膏者のあしあとをそしれり 我もろもろの民のそしりをわが懐中にいだく
Alalahanin mo, Panginoon, ang pangungutya sa iyong mga lingkod at kung paano ko kinikimkim sa aking puso ang napakaraming panlalait mula sa mga bansa.
51 主よねがはくはなんぢの僕のうくる謗をみこころにとめたまへ ヱホバよ汝のもろもろの仇はわれをそしりなんぢの受膏者のあしあとをそしれり 我もろもろの民のそしりをわが懐中にいだく
Nagbabato ng panlalait ang mga kaaway mo, Yahweh; kinukutya nila ang mga hakbangin ng iyong hinirang.
52 ヱホバは永遠にほむべきかな アーメン アーメン
Pagpalain nawa si Yahweh magpakailanman. Amen at Amen.