< 詩篇 88 >
1 わがすくひの神ヱホバよわれ晝も夜もなんぢの前にさけべり
Yahweh, Diyos ng aking kaligtasan, araw at gabi akong umiiyak sa iyo.
2 願くはわが祈をみまへにいたらせ汝のみみをわが號呼のこゑにかたぶけたまへ
Pakinggan mo ang aking panalangin; pansinin mo ang aking pag-iyak.
3 わがたましひは患難にてみち我がいのちは陰府にちかづけり (Sheol )
Dahil puno ako ng mga kaguluhan, at umabot na ang buhay ko sa Sheol. (Sheol )
4 われは穴にいるものとともにかぞへられ依仗なき人のごとくなれり
Tinuturing ako ng mga tao na gaya ng mga bumababa sa hukay; ako ay isang taong walang lakas.
5 われ墓のうちなる殺されしもののごとく死者のうちにすてらる汝かれらを再びこころに記たまはず かれらは御手より斷滅されしものなり
Iniwan ako sa gitna ng mga patay; katulad ako ng mga patay na nakahimlay sa libingan, na wala ka nang pakialam dahil naalis na (sila) mula sa iyong kapangyarihan.
6 なんぢ我をいとふかき穴 くらき處 ふかき淵におきたまひき
Inilagak mo ako sa pinakamalalim na bahagi ng hukay, sa madilim at malalim na mga lugar.
7 なんぢの怒はいたくわれにせまれり なんぢそのもろもろの浪をもて我をくるしめ給へり (セラ)
Nakadagan sa akin ang bigat ng iyong poot, at lahat ng iyong mga alon ay humahampas sa akin. (Selah)
8 わが相識ものを我よりとほざけ我をかれらに憎ませたまへり われは錮閉されていづることあたはず
Dahil sa iyo, iniiwasan ako ng mga kasama ko. Ginawa mo akong katakot-takot na tanawin sa kanila. Nakagapos ako at hindi ako makatakas.
9 わが眼はなやみの故をもておとろへぬ われ日ごとに汝をよべり ヱホバよなんぢに向ひてわが兩手をのべたり
Namamaga ang mga mata ko dahil sa pighati; Buong araw akong tumatawag sa iyo, Yahweh; inuunat ko ang aking mga kamay sa iyo.
10 なんぢ死者にくすしき事跡をあらはしたまはんや 亡にしもの立てなんぢを讃たたへんや (セラ)
Gagawa ka ba ng mga himala para sa patay? Babangon ba ulit silang mga namatay para papurihan ka? (Selah)
11 汝のいつくしみは墓のうちに汝のまことは滅亡のなかに宣傳へられんや
Maihahayag ba sa libingan ang iyong katapatan sa tipan, ang iyong pagiging tapat sa lugar ng mga patay?
12 汝のくすしきみわざは幽暗になんぢの義は忘失のくにに知るることあらんや
Malalaman ba ang kamangha-mangha mong mga ginawa sa kadiliman, o ang iyong katuwiran sa lugar ng pagkamakalimutin?
13 されどヱホバよ我なんぢに向ひてさけべり わがいのりは朝にみまへに達らん
Pero dumadaing ako sa iyo, Yahweh; sa umaga ay idinudulog ko sa iyong harapan ang aking mga panalangin.
14 ヱホバよなんぢ何なればわが霊魂をすてたまふや何なればわれに面をかくしたまふや
Yahweh, bakit mo ako tinatanggihan? Bakit mo tinatago ang iyong mukha mula sa akin?
15 われ幼稚よりなやみて死るばかりなり我なんぢの恐嚇にあひてくるしみまどへり
Matagal na akong naghihirap at nasa bingit na ng kamatayan simula pa nang aking kabataan. Nagdusa na ako sa labis mong galit; wala na akong magagawa.
16 汝のはげしき怒わがうへをすぐ汝のおびやかし我をほろぼせり
Dinaanan na ako ng iyong galit, at pinuksa ako ng katakot-takot mong mga gawain.
17 これらの事ひねもす大水のごとく我をめぐり ことごとく來りて我をかこみふさげり
Buong araw nila akong pinaligiran katulad ng tubig; pinalibutan nila ako.
18 なんぢ我をいつくしむ者とわが友とをとほざけ わが相識るものを幽暗にいれたまへり
Tinanggal mo ang bawat kaibigan at kasama mula sa akin. Ang tanging kasama ko lang ay ang kadiliman.