< 哀歌 5 >

1 ヱホバよ我らにありし所の事をおもひたまへ 我らの恥辱をかへりみ觀たまへ
Iyong alalahanin, Oh Panginoon, kung anong dumating sa amin: iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
2 われらの產業は外國人に歸し われらの家屋は他國人の有となれり
Ang aming mana ay napasa mga taga ibang lupa, ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
3 われらは孤子となりて父あらず われらの母は寡婦にひとし
Kami ay mga ulila at walang ama; ang aming mga ina ay parang mga bao.
4 われらは金を出して自己の水を飮み おのれの薪を得るにも價をはらふ
Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi; ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
5 われらを追ふ者われらの頸に迫る 我らは疲れて休むことを得ず
Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg: kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
6 食物を得て饑を凌がんとてエジプト人およびアッスリヤ人に手を與へたり
Kami ay nakipagkamay sa mga taga Egipto, at sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
7 われらの父は罪ををかして已に世にあらず 我らその罪を負ふなり
Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
8 奴僕等われらを制するに誰ありて我らを之が手よりすくひ出すものなし
Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
9 荒野の刀兵の故によりて我ら死を冒して食物を得
Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.
10 饑饉の烈しき熱氣によりてわれらの皮膚は爐のごとく熱し
Ang aming balat ay maitim na parang hurno, dahil sa maningas na init ng kagutom.
11 シオンにて婦人等をかされユダの邑々にて處女等けがさる
Kanilang dinahas ang mga babae, sa Sion, ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
12 侯伯たる者も敵の手にて吊され 老たる者の面も尊とばれず
Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay: ang mga mukha ng mga matanda ay hindi iginagalang.
13 少き者は石磨を擔はせられ 童子は薪を負ふてよろめき
Ang mga binata ay nangagpapasan ng gilingan, at ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
14 長老は門にあつまることを止め 少き者はその音樂を廢せり
Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan. Ang mga binata'y wala na sa kanilang mga tugtugin.
15 我らが心の快樂はすでに罷み われらの跳舞はかはりて悲哀となり
Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat; ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
16 われらの冠冕は首より落たり われら罪ををかしたれば禍なるかな
Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo: sa aba namin! sapagka't kami ay nangagkasala.
17 これが爲に我らの心うれへ これらのために我らが目くらくなれり
Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay; dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
18 シオンの山は荒はて 山犬はその上を歩くなり
Dahil sa bundok ng Sion na nasira; nilalakaran ng mga zora.
19 ヱホバよなんぢは永遠に在す なんぢの御位は世々かぎりなし
Ikaw, Oh Panginoon, nananatili magpakailan man: ang iyong luklukan ay sa sali't saling lahi.
20 何とて我らを永く忘れ われらを斯ひさしく棄おきたまふや
Bakit mo kami nililimot magpakailan man, at pinababayaan mo kaming totoong malaon?
21 ヱホバよねがはくは我らをして汝に歸らしめたまへ われら歸るべし 我らの日を新にして昔日の日のごとくならしめたまへ
Manumbalik ka sa amin, Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik: baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
22 さりとも汝まつたく我らを棄てたまひしや 痛くわれらを怒りゐたまふや
Nguni't itinakuwil mo kaming lubos, ikaw ay totoong napoot sa amin.

< 哀歌 5 >