< 士師記 13 >

1 イスラエルの子孫またヱホバのまへにて惡を行ひしかばヱホバこれを四十年の間ペリシテ人の手にわたしたまへり
Muling gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh ang bayan ng Israel, at pinahintulutan niya sila na pamunuan ng mga Palestina sa loob ng apatnapung taon.
2 ここにダン人の族にて名をマノアとよべるゾラ人あり其の妻は石婦にして子を生みしことなし
Mayroong isang lalaki na mula sa Zora, sa pamilya ng mga Danita, na ang pangalan ay Manoa. Walang kakayahang magbuntis ang kaniyang asawa kaya hindi siya magkaanak.
3 ヱホバの使その女に現れて之にいひけるは汝は石婦にして子を生しことあらず然ど汝孕みて子をうまん
Nagpakita ang anghel ni Yahweh sa babae at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo ngayon, walang kang kakayahang magbuntis, at hindi ka magkaanak, pero mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki.
4 されば汝つつしみて葡萄酒および濃き酒を飮むことなかれまたすべて穢たるものを食ふなかれ
Ngayon maging maingat, huwag uminom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang maruming pagkain na inihayag ng batas na madumi.
5 視よ汝孕みて子を產ん其の頭には剃刀をあつべからずその兒は胎を出るよりして神のナザレ人〔神に身を獻げし者〕たるべし彼ペリシテ人の手よりイスラエルを拯ひ始めんと
Masdan, mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki. Walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo, sapagkat magiging Nazareo ang bata na inihandog para sa Diyos mula sa sinapupunan. Sisimulan niyang iligtas ang Israel mula sa kamay ng mga Palestina.”
6 その婦人來りて夫に告て曰けるは神の人我にのぞめりその容貌は神の使の容貌のごとくにして甚おそろしかりしが我其のいづれより來れるやを問ず彼また其の名を我に告ざりき
Pagkatapos dumating ang babae at sinabi sa kaniyang asawa. “Nagpakita sa akin ang isang tao ng Diyos, at ang itsura ay katulad ng isang anghel ng Diyos, nagdulot siya sa akin ng labis na takot. Hindi ko tinanong kung saan siya galing, at hindi niya sinabi sa akin ang kaniyang pangalan.
7 彼我にいひけるは視よ汝孕みて子を產まん然ば葡萄酒および濃き酒を飮むなかれまたすべてけがれたるものを食ふなかれその兒は胎を出るより其の死る日まで神のナザレ人たるべしと
Sinabi niya sa akin, 'Masdan mo! Mabubuntis ka, at manganganak ng isang batang lalaki. Kaya hindi ka iinom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi, dahil magiging isang Nazareo sa Diyos ang bata mula sa araw na nasa sinapupunan mo siya hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.'”
8 マノア、ヱホバにこひ求めていひけるはああわが主よ汝がさきに遣はしたまひし神の人をふたたび我らにのぞませ之をして我らがその產るる兒になすべき事を敎へしめたまへ
Pagkatapos nanalangin si Manoa kay Yahweh at sinabi, “O, Panginoon, pakiusap hayaan na muling bumalik ang tao ng Diyos para matuuruan niya kami kung ano ang aming gagawin para sa bata na ipapanganak sa madaling panahon.”
9 神マノアの聲をききいれたまひて神の使者婦人の田野に坐しをる時に復之にのぞめり時に夫マノアは共にをらざりき
Sumagot ang Diyos sa panalangin ni Manoa, at muling dumating sa babae ang anghel ng Diyos nang nakaupo siya sa bukid. Pero hindi niya kasama si Manoa na kaniyang asawa.
10 是において婦いそぎ走りて夫に告て之にいひけるは先頃我にのぞみし人また我に現はれたりと
Kaya agad na tumakbo ang babae at sinabi sa kaniyang asawa, “Tingnan mo! Ang tao na nagpakita sa akin—ang nagpunta sa akin noong isang araw!”
11 マノアすなはち起て妻のあとに付て行き其人のもとに至りて之に汝はかつて此婦に語言し人なるかといふに然りとこたふ
Tumayo si Manoa at sumunod sa kaniyang asawa. Nang lumapit siya sa tao, sinabi niya, “Ikaw ba iyong tao na naka-usap ng aking asawa?” Sinabi ng tao, “Ako nga.”
12 マノアいひけるは汝の言のごとく成ん時は其兒の養育方および之になすべき事は如何
Kaya sinabi ni Manoa, “Ngayon nawa ang iyong salita ay magkatotoo. Pero ano ang alintuntun para sa bata, at ano ang kaniyang magiging tungkulin?”
13 ヱホバの使者マノアにいひけるはわがさきに婦に言しところのことどもは婦之をつつしむべきなり
Sinabi ng anghel ni Yahweh kay Manoa, dapat maingat niyang gawin ang lahat ng mga bagay na sinabi ko sa kaniya.
14 すなはち葡萄樹よりいづる者は凡て食ふべからず葡萄酒と濃き酒を飮ずまたすべて穢たるものを食ふべからずすべてわが彼に命じたることどもを彼守るべきなり
Huwag siyang kakain ng anumang bagay na nagmumula sa puno ng ubas, at huwag hayaang uminom ng alak o matapang na inumin; huwag siyang hayaang kumain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi. Dapat niyang sundin ang lahat ng bagay na sinabi kong gawin niya.
15 マノア、ヱホバの使者にいひけるは請我らをして汝を款留しめ汝のまへに山羊羔を備へしめよ
Sinabi ni Manoa sa anghel ni Yahweh, “Pakiusap manatili ka muna ng sandali, para bigyan kami ng panahon para maghanda ng isang batang kambing para sa iyo.”
16 ヱホバの使者マノアにいひける汝我を款留るも我は汝の食物をくらはじまた汝燔祭をそなへんとならばヱホバにこれをそなふべしとマノアは彼がヱホバの使者なるを知ざりしなり
Sinabi ng anghel ni Yahweh kay Manoa, “Kahit na manatili ako, hindi ko kakainin ang iyong pagkain. Pero kung maghahanda ka ng isang handog na susunugin, ihandog ito kay Yahweh.” (Hindi alam ni Manoa na siya ang anghel ni Yahweh.)
17 マノア、ヱホバの使者にいひけるは汝の名はなにぞ汝の言の效驗あらんときは我ら汝を崇ん
Sinabi ni Manoa sa anghel ni Yahweh, “Ano ang iyong pangalan, para maparangalan kita kapag nagkatotoo ang iyong mga salita?”
18 ヱホバの使者之にいひけるは我が名は不思議なり汝何故に之をたづぬるやと
Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan? Ito ay kahanga-hanga!”
19 マノア山羊羔と素祭物とをとり磐のうへにて之をヱホバにささぐ使者すなはち不思議なる事をなせりマノアとその妻之を視る
Kaya kinuha ni Manoa ang batang kambing kasama ang handog na pagkaing butil at inihandog ang mga ito para kay Yahweh sa ibabaw ng bato. Gumawa siya ng isang bagay na kamangha-mangha habang nanunuod si Manoa at ang kaniyang asawa.
20 すなはち火燄壇より天にあがれるときヱホバの使者壇の火燄のうちにありて昇れりマノアと其の妻これを視をりて地にひれふせり
Nang magliyab na ang apoy mula sa altar patungong langit, umakyat ang anghel ni Yahweh sa nagliliyab na apoy ng altar. Nakita ito ni Manoa at ng kaniyang asawa at nagpatirapa sila sa lupa.
21 ヱホバの使者そののち重ねてマノアと其の妻に現はれざりきマノアつひに彼がヱホバの使者たりしを暁れり
Hindi na muling nagpakita ang anghel ni Yahweh kay Manoa o sa kaniyang asawa. Pagkatapos malaman ni Manoa na siya ang anghel ni Yahweh.
22 茲にマノアその妻にむかひ我ら神を視たれば必ず死ぬるならんといふに
Sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, “Tiyak na mamamatay tayo, dahil nakita natin ang Diyos!”
23 其の妻之にいひけるはヱホバもし我らを殺さんとおもひたまはばわれらの手より燔祭及び素祭をうけたまはざりしならんまたこれらの諸のことを我らに示すことをなしこたびのごとく我らに斯ることを告たまはざりしなるべしと
Pero sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa, “Kung nais tayong patayin ni Yahweh, hindi niya tatanggapin ang ating sinunog na handog at handog na pagkaing butil na ibinigay natin sa kaniya. Hindi niya ipapakita sa atin ang lahat ng mga bagay na ito, ni sa panahong ito na hayaan niya tayong marinig ang ganoong mga bagay.”
24 かくて婦子を產てその名をサムソンと呼べりその子育ち行くヱホバこれを惠みたまふ
Dumating ang araw na nanganak ang babae sa isang batang lalaki, at tinawag siya sa pangalang Samson. Lumaki ang bata at pinagpala ni Yahweh.
25 ヱホバの靈ゾラとエシタオルのあひだなるマハネダンにて始て感動す
Nagsimulang kumilos sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh sa Mahane Dan, sa pagitan ng Zora at Estaol.

< 士師記 13 >