< ヨブ 記 9 >

1 ヨブこたへて言けるは
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 我まことに其事の然るを知り 人いかでか神の前に義かるべけん
Sa katotohanan ay nalalaman kong ito'y gayon: nguni't paanong makapaggaganap ang tao sa Dios?
3 よし人は神と辨爭はんとするとも千の一も答ふること能はざるべし
Kung kalugdan niyang makipagtalo sa kaniya, siya'y hindi makasasagot sa kaniya ng isa sa isang libo.
4 神は心慧く力強くましますなり 誰か神に逆ひてその身安からんや
Siya ay pantas sa puso, at may kaya sa kalakasan: sinong nagmatigas laban sa kaniya at guminhawa?
5 彼山を移したまふに山しらず 彼震怒をもて之を飜倒したまふ
Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
6 彼地を震ひてその所を離れしめたまへばその柱ゆるぐ
Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
7 日に命じたまへば日いでず 又星辰を封じたまふ
Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
8 唯かれ獨天を張り海の濤を覆たまふ
Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat.
9 また北斗參宿昴宿および南方の密室を造りたまふ
Na lumikha sa Oso, sa Orion, at sa mga Pleyade, at sa mga silid ng timugan.
10 大なる事を行ひたまふこと測られず奇しき業を爲たまふこと數しれず
Na gumagawa ng mga dakilang bagay na di masayod; Oo, mga kamanghamanghang bagay na walang bilang.
11 視よ彼わが前を過たまふ 然るに我これを見ず彼すすみゆき賜ふ然るに我之を曉ず
Narito, siya'y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya'y nagpapatuloy rin naman, nguni't hindi ko siya namamataan.
12 彼奪ひ去賜ふ 誰か能之を沮まん 誰か之に汝何を爲やと言ことを得爲ん
Narito, siya'y nangangagaw sinong makasasansala sa kaniya? Sinong magsasabi sa kaniya: Anong ginagawa mo?
13 神其震怒を息賜はず ラハブを助る者等之が下に屈む
Hindi iuurong ng Dios ang kaniyang galit; ang mga manunulong sa Rahab ay nagsisiyukod sa ilalim niya.
14 然ば我爭か彼に回答を爲ことを得ん 爭われ言を選びて彼と論ふ事をえんや
Gaano pa nga kaya kaliit ang maisasagot ko sa kaniya, at mapipiling aking mga salita na maimamatuwid ko sa kaniya?
15 假令われ義かるとも彼に回答をせじ 彼は我を審判く者なれば我彼に哀き求ん
Na kahiman ako'y matuwid, gayon may hindi ako sasagot sa kaniya; ako'y mamamanhik sa aking hukom.
16 假令我彼を呼て彼われに答たまふともわが言を聽いれ賜ひしとは我信ぜざるなり
Kung ako'y tumawag, at siya'y sumagot sa akin; gayon ma'y hindi ako maniniwala na kaniyang dininig ang aking tinig.
17 彼は大風をもて我を撃碎き 故なくして我に衆多の傷を負せ
Sapagka't ako'y ginigiba niya sa pamamagitan ng isang bagyo, at pinararami ang aking mga sugat ng walang kadahilanan.
18 我に息をつかさしめず 苦き事をもて我身に充せ賜ふ
Hindi niya ako tutulutang ako'y huminga, nguni't nililipos niya ako ng hirap.
19 強き者の力量を言んか 視よ此にあり 審判の事ならんか 誰か我を喚出すことを得爲ん
Kung kami ay magsalita tungkol sa kalakasan, narito, siya'y may kapangyarihan! At kung sa kahatulan, sino, sinasabi niya ay magtatakda sa akin ng panahon?
20 假令われ義かるとも我口われを惡しと爲ん 假令われ完全かるとも尚われを罪ありとせん
Kahiman ako'y matuwid, ang aking sariling bibig ay hahatol sa akin: kahiman ako'y sakdal patototohanan niya akong masama.
21 我は全し 然ども我はわが心を知ず 我生命を賤む
Ako'y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; aking niwalang kabuluhan ang aking buhay.
22 皆同一なり 故に我は言ふ神は完全者と惡者とを等しく滅したまふと
Lahat ay isa; kaya't aking sinasabi: kaniyang ginigiba ang sakdal at ang masama.
23 災禍の俄然に人を誅す如き事あれば彼は辜なき者の苦痛を笑ひ見たまふ
Kung ang panghampas ay pumapatay na bigla, tatawanan niya ang paglilitis sa mga walang sala.
24 世は惡き者の手に交されてあり 彼またその裁判人の面を蔽ひたまふ 若彼ならずば是誰の行爲なるや
Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?
25 わが日は驛使よりも迅く 徒に過さりて福祉を見ず
Ngayo'y ang mga kaarawan ko ay matulin kay sa isang sugo: dumadaang matulin, walang nakikitang mabuti.
26 其はしること葦舟のごとく 物を攫まんとて飛かける鷲のごとし
Sila'y nagsisidaang parang mga matuling sasakyan: parang agila na dumadagit ng huli.
27 たとひ我わが愁を忘れ面色を改めて笑ひをらんと思ふとも
Kung aking sabihin: Aking kalilimutan ang aking daing, aking papawiin ang aking malungkot na mukha, at magpapakasaya ako:
28 尚この諸の苦痛のために戰慄くなり 我思ふに汝われを釋し放ちたまはざらん
Ako'y natatakot sa lahat kong kapanglawan, talastas ko na hindi mo aariin akong walang sala.
29 我は罪ありとせらるるなれば何ぞ徒然に勞すべけんや
Ako'y mahahatulan; bakit nga ako gagawa ng walang kabuluhan?
30 われ雪水をもて身を洗ひ 灰汁をもて手を潔むるとも
Kung ako'y maligo ng nieveng tubig, at gawin ko ang aking mga kamay na napakalinis;
31 汝われを汚はしき穴の中に陷いれたまはん 而して我衣も我を厭ふにいたらん
Gayon ma'y itutulak mo ako sa hukay, at kayayamutan ako ng aking mga sariling kasuutan.
32 神は我のごとく人にあらざれば我かれに答ふべからず 我ら二箇して共に裁判に臨むべからず
Sapagka't siya'y hindi tao, na gaya ko, na sasagot ako sa kaniya, na tayo'y pumasok kapuwa sa kahatulan,
33 また我らの間には我ら二箇の上に手を置べき仲保あらず
Walang hukom sa pagitan natin, na makapaglagay ng kaniyang kamay sa ating dalawa.
34 願くは彼その杖を我より取はなし その震怒をもて我を懼れしめたまはざれ
Ihiwalay niya sa akin ang kaniyang tungkod, at huwag akong takutin ng kaniyang pangilabot:
35 然らば我 言語て彼を畏れざらん 其は我みづから斯る者と思はざればなり
Kung magkagayo'y magsasalita ako, at hindi matatakot sa kaniya; sapagka't hindi gayon ako sa aking sarili.

< ヨブ 記 9 >