< ヨブ 記 7 >
1 それ人の世にあるは戰鬪にあるがごとくならずや 又其日は傭人の日のごとくなるにあらずや
Hindi ba't may mabigat na gawain ang bawat isang tao sa ibabaw ng lupa?
2 奴僕の暮を冀がふが如く傭人のその價を望むがごとく
Hindi ba na ang kaniyang mga araw ay gaya ng isang taong upahan?
3 我は苦しき月を得させられ 憂はしき夜をあたへらる
Katulad ng isang alipin na maalab na ninanais ang mga anino ng gabi, katulad ng isang taong upahan na naghihintay sa kaniyang mga sahod- kaya nagtiis ako sa mga buwan ng kahirapan; nagkakaroon ako ng mga gabing punong-puno ng kaguluhan.
4 我臥ば乃はち言ふ何時夜あけて我おきいでんかと 曙まで頻に輾轉ぶ
Kapag ako ay humihiga, sinasabi ko sa aking sarili, “Kailan ako babangon at kailan lilipas ang gabi? Punong-puno ako ng kabalisahan hanggang sa magbukang-liwayway.
5 わが肉は蟲と土塊とを衣服となし 我皮は愈てまた腐る
Ang aking laman ay nadadamitan ng mga uod at mga tipak ng alikabok; nanigas na ang mga sugat sa aking balat at saka malulusaw at mananariwang muli.
6 わが日は機の梭よりも迅速なり 我望む所なくし之を送る
Ang aking mga araw ay mas mabilis kaysa sa panghabi; lilipas sila nang walang pag-asa.
7 想ひ見よ わが生命が氣息なる而已 我目は再び福祉を見ること有じ
Alalahanin mo O Diyos na ang aking buhay ay isa lamang hininga; ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng kabutihan.
8 我を見し者の眼かさねて我を見ざらん 汝目を我にむくるも我は已に在ざるべし
Ang mata ng Diyos, na nakikita ako, ay hindi na muli ako makikita; Ang mga mata ng Diyos ay tutuon sa akin pero hindi na ako mabubuhay.
9 雲の消て逝がごとく陰府に下れる者は重ねて上りきたらじ (Sheol )
Gaya ng isang ulap na napapawi at nawawala, gayon din ang siyang bumababa sa sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol )
10 彼は再びその家に歸らず 彼の郷里も最早かれを認めじ
Siya ay hindi na babalik pa sa kaniyang tahanan; ni makikilala pa siya muli sa kaniyang lugar.
11 然ば我はわが口を禁めず 我心の痛によりて語ひ わが神魂の苦しきによりて歎かん
Kaya hindi ko pipigilin ang aking bibig; Magsasalita ako sa kadalamhatian ng aking espiritu; Ako ay dadaing sa kapaitan ng aking kaluluwa.
12 我あに海ならんや鰐ならんや 汝なにとて我を守らせおきたまふぞ
Ako ba ay isang dagat, o isang halimaw sa dagat para lagyan mo ng bantay?
13 わが牀われを慰め わが寢床わが愁を解んと思ひをる時に
Kapag sinasabi ko, 'Aaliwin ako ng aking higaan, at pakakalmahin ng aking upuan ang aking daing,
14 汝夢をもて我を驚かし 異象をもて我を懼れしめたまふ
pagkatapos tinatakot mo ako sa mga panaginip at ako ay sinisindak sa mga pangitain,
15 是をもて我心は氣息の閉んことを願ひ我この骨よりも死を冀がふ
kaya pipiliin ko ang magbigti at kamatayan sa halip na panatilihin pang buhay ang aking mga buto.
16 われ生命を厭ふ 我は永く生るをことを願はず 我を捨おきたまへ 我日は氣のごときなり
Kinasusuklaman ko ang aking buhay; Hindi ko hinahangad na patuloy akong mabuhay; hayaan mo akong mag-isa dahil walang silbi ang aking mga araw.
17 人を如何なる者として汝これを大にし 之を心に留
Ano ang tao na dapat bigyan mo ng pansin, na dapat iyong ituon ang isip sa kaniya,
18 朝ごとに之を看そなはし 時わかず之を試みたまふや
na dapat mong bantayan tuwing umaga at sinusubok mo siya sa bawat sandali?
19 何時まで汝われに目を離さず 我が津を咽む間も我を捨おきたまはざるや
Gaano katagal bago mo alisin ang iyong tingin sa akin? bago mo ako hayaang mag-isa nang may sapat na panahon para lunukin ang aking sariling laway?
20 人を鑒みたまふ者よ我罪を犯したりとて汝に何をか爲ん 何ぞ我を汝の的となして我にこの身を厭はしめたまふや
Kahit ako ay nagkasala, ano ang magagawa nito sa iyo, ikaw na nagbabantay sa mga tao? Bakit mo ako ginawang isang pakay, para ba ako ay maging pasanin sa iyo?
21 汝なんぞ我の愆を赦さず我罪を除きたまはざるや 我いま土の中に睡らん 汝我を尋ねたまふとも我は在ざるべし
Bakit hindi mo mapatawad ang aking mga pagsuway at alisin ang aking kasamaan? Sa ngayon ako ay hihiga sa alikabok; maingat mo akong hahanapin, pero wala na ako.”