< ヨブ 記 14 >

1 婦の產む人はその日少なくして艱難多し
Ang mga tao, na ipinanganak ng babae, na nabubuhay ng kaunting araw at puno ng kaguluhan.
2 その來ること花のごとくにして散り 其馳ること影のごとくにして止まらず
Umuusbong siya mula sa lupa tulad ng isang bulaklak at pinuputol; tumatakas siya tulad ng isang anino at hindi nagtatagal.
3 なんぢ是のごとき者に汝の目を啓きたまふや 汝われを汝の前にひきて審判したまふや
Tumitingin ka ba alinman sa mga ito? Dinadala mo ba ako sa paghatol kasama mo?
4 誰か清き物を汚れたる物の中より出し得る者あらん 一人も無し
Sinong magdadala ng mga bagay na malinis mula sa mga bagay na marumi? Walang sinuman.
5 その日旣に定まり その月の數なんぢに由り 汝これが區域を立て越ざらしめたまふなれば
Ang mga araw ng tao ay tiyak; Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nasa iyo; itinakda mo ang kaniyang mga hangganan para hindi siya makalampas.
6 是に目を離して安息を得させ 之をして傭人のその日を樂しむがごとくならしめたまへ
Lumayo ka mula sa kaniya para siya ay maaaring makapahinga, sa gayon siya ay maaaring masiyahan sa kaniyang araw tulad ng isang inupahang tao kung magagawa niya.
7 それ木には望あり 假令砍るるとも復芽を出してその枝絶ず
Maaaring magkaroon ng pag-asa roon para sa isang puno; kung puputulin ito, maaaring sumibol muli, itong sariwang sanga ay hindi matatapos.
8 たとひ其根地の中に老い 幹土に枯るとも
Kahit tumanda na ang ugat nito sa lupa, at ang mga tangkay nito ay mamatay sa lupa,
9 水の潤霑にあへば即ち芽をふき枝を出して若樹に異ならず
kahit na ito ay nakakaamoy ng tubig lamang, uusbong ito at magkakasanga tulad ng isang halaman.
10 然ど人は死れば消うす 人氣絶なば安に在んや
Pero ang tao ay namamatay; nagiging mahina; sa katunayan nga, nalalagutan ng hininga ang tao, at kung gayon nasaan siya?
11 水は海に竭き河は涸てかわく
Gaya ng tubig na nawawala sa isang lawa, at tulad ng isang ilog na nauubusan ng tubig at natutuyo,
12 是のごとく人も寢臥てまた興ず 天の盡るまで目覺ず睡眠を醒さざるなり
gayundin ang mga tao ay humimlay at hindi na bumangon muli. Hanggang mawala ang kalangitan, hindi na sila gigising ni magigising man sa kanilang pagkakatulog.
13 願はくは汝われを陰府に藏し 汝の震怒の息むまで我を掩ひ 我ために期を定め而して我を念ひたまへ (Sheol h7585)
O, nais mo akong itagong palayo sa sheol na malayo mula sa mga kaguluhan, at nais mo akong panatilihing itago hanggang matapos ang iyong poot, nais mo akong ilagay sa takdang panahon para manatili doon at pagkatapos alalahanin mo ako! (Sheol h7585)
14 人もし死ばまた生んや 我はわが征戰の諸日の間望みをりて我が變更の來るを待ん
Kung ang isang tao ay mamamatay, mabubuhay ba siyang muli? Kung gayon, hinahangad kong maghintay sa nakakapagod na panahon doon hanggang dumating ang aking paglaya.
15 なんぢ我を呼たまはん 而して我こたへん 汝かならず汝の手の作を顧みたまはん
Tatawag ka, at sasagutin kita. Nais mong magkaroon ng hangarin para sa gawa ng iyong mga kamay.
16 今なんぢは我に歩履を數へたまふ 我罪を汝うかがひたまはざらんや
Binilang mo at iningatan ang aking mga yapak; hindi mo nais panatilihin ang bakas ng aking kasalanan.
17 わが愆は凡て嚢の中に封じてあり汝わが罪を縫こめたまふ
Ang aking mga kasalanan ay itinago sa isang lalagyan; nais mong takpan ang aking kasalanan.
18 それ山も倒れて終に崩れ巖石も移りてその處を離る
Pero kahit ang mga bundok ay gumuguho at nawawala; kahit ang mga bato ay nilipat sa kanilang lugar;
19 水は石を鑿ち 浪は地の塵を押流す 汝は人の望を斷たまふ
sinisira ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha ang mga alikabok sa lupa. Tulad nito, winawasak mo ang pag-asa ng tao.
20 なんぢは彼を永く攻なやまして去ゆかしめ 彼の面容の變らせて逐やりたまふ
Lagi mo siyang tinatalo, at siya ay pumapanaw; pinalitan mo ang kaniyang mukha at pinalayas mo siya para mamatay.
21 その子尊貴なるも彼は之を知ず 卑賤なるもまた之を曉らざるなり
Ang kaniyang mga anak na lalaki ay maaaring dumating para magparangal, pero hindi niya ito nalalaman; maaari silang ibaba, pero hindi niya ito nakikitang nangyayari.
22 只己みづからその肉に痛苦を覺え己みづからその心に哀く而已
Nararamdaman lamang niya ang kirot sa kaniyang sariling katawan, at siya ay nagdadalamhati para sa kaniyang sarili.

< ヨブ 記 14 >