< エレミヤ書 37 >

1 ヨシヤの子ゼデキヤ、ヱホヤキムの子コニヤに代りて王となるバビロンの王ネブカデネザル彼をユダの地に王となせしなり
Ngayon, si Zedekias na anak ni Josias ang namuno bilang hari sa halip na si Jehoiakin na anak ni Jehoiakim. Ginawang hari ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia si Zedekias sa buong lupain ng Juda.
2 彼もその臣僕等もその地の人々もヱホバが預言者ヱレミヤによりて示したまひし言を聽ざりき
Ngunit si Zedekias, ang kaniyang mga lingkod, at ang mga tao sa lupain ay hindi nakinig sa mga salita ni Yahweh na kaniyang ipinahayag sa pamamagitan ng kamay ni Jeremias na propeta.
3 ゼデキヤ王シレミヤの子ユカルとマアセヤの子祭司ゼパニヤを預言者ヱレミヤに遣して請ふ汝我らの爲に我らの神ヱホバに祈れといはしむ
Kaya si Haring Zedekias, at Jehucal na anak ni Selemias, at Zefanias na anak ni Maasias na pari ay nagpadala ng isang mensahe kay Jeremias na propeta. Sinabi nila, “Manalangin ka para sa amin kay Yahweh na ating Diyos.”
4 ヱレミヤは民の中に出入せりそはいまだ獄に入られざればなり
Ngayon, paparating na si Jeremias at pupunta sa mga tao, sapagkat hindi pa siya nakakulong.
5 パロの軍勢のエジプトより來りしかばヱルサレムを攻圍みたるカルデヤ人は其音信をききてヱルサレムを退けり
Lumabas ang mga hukbo ng Faraon mula sa Egipto at ng narinig ng mga Caldeo na sumalakay sa Jerusalem ang mga balita tungkol sa kanila, at umalis sa Jerusalem.
6 時にヱホバの言預言者ヱレミヤにのぞみていふ
At dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias na propeta at sinabi,
7 イスラエルの神ヱホバかくいふ汝らを遣して我に求めしユダの王にかくいへ汝らを救はんとて出きたりしパロの軍勢はおのれの地エジプトへ歸らん
“Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos ng Israel: Ito ang sasabihin mo sa hari ng Juda, sapagkat ipinadala ka niya upang humingi ng payo mula sa akin, 'Tingnan ninyo, ang hukbo ng Faraon na dumating upang tulungan kayo ay pabalik na sa Egipto sa kanilang sariling lupain.
8 カルデヤ人再び來りてこの邑を攻て戰ひこれを取り火をもて焚べし
Babalik ang mga Caldeo. Makikipaglaban sila laban sa lungsod na ito, bibihagin at susunugin ito.'
9 ヱホバかくいふ汝らカルデヤ人は必ず我らをはなれて去んといひて自ら欺く勿れ彼らは去ざるべし
Ito ang sinasabi ni Yahweh: Huwag ninyong linlangin ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng pagsasabi, 'Tiyak na iiwanan tayo ng mga Caldeo,' ngunit hindi sila aalis.
10 設令汝らおのれを攻て戰ふところのカルデヤ人の軍勢を悉く撃ちやぶりてその中に負傷人のみを遺すとも彼らはおのおの其幕屋に起ちあがり火をもて此邑を焚かん
Kahit na matalo ninyo ang buong hukbo ng Caldeo na nakipaglaban sa inyo, kaya, ang mga sugatan na kalalakihan na natitira sa kanilang mga tolda, babangon sila at susunugin ang lungsod na ito.”
11 茲にカルデヤ人の軍勢パロの軍勢を懼れてヱルサレムを退きければ
At nang paalis na ang hukbo ng mga Caldeo sa Jerusalem, paparating din ang hukbo na Faraon,
12 ヱレミヤ、ベニヤミンの地にて民の中にその分を分ち取らんとてヱルサレムを出でてかの地に行きしが
at lumabas si Jeremias mula sa Jerusalem upang pumunta sa lupain ng Benjamin. Ninais niyang kunin ang kaunting bahagi ng isang ari-arian sa lupain doon sa kaniyang mga tao.
13 ベニヤミンの門にいりし時そこにハナニヤの子シレミヤの子なるイリヤと名くる門守をり預言者ヱレミヤを執へて汝はカルデヤ人に降るなりといふ
Habang nasa Tarangkahan siya ng Benjamin, nandoon ang isang pinunong bantay. Ang kaniyang pangalan ay Irijas na anak ni Selemias na anak ni Hananias. Hinawakan niya ng mahigpit si Jeremias na propeta at sinabi, “Tumatakas ka upang kumampi sa mga Caldeo.”
14 ヱレミヤいひけるは詐なり我はカルデヤ人に降るにあらずと然どイリヤこれを聽ずヱレミヤを執へて侯伯等の許に引ゆけり
Ngunit sinabi ni Jeremias, “Hindi iyan totoo. Hindi ako tumatakas upang kumampi sa mga Caldeo.” Ngunit hindi nakinig si Irijas sa kaniya. Kinuha niya si Jeremias at dinala siya sa mga opisyal.
15 侯伯等すなはち怒りてヱレミヤを撻ちこれを書記ヨナタンの室の獄にいれたり蓋この室を獄となしたればなり
Nagalit ang mga opisyal kay Jeremias. Binugbog nila siya at inilagay sa bilangguan na tahanan ni Jonatan na eskriba, sapagkat ginawa nila itong bilangguan.
16 ヱレミヤ獄にいり土牢に入りてそこに多の日を送りしのち
Kaya inilagay si Jeremias sa seldang nasa ilalim ng lupa, kung saan siya nanatili ng maraming araw.
17 ゼデキヤ王人を遣して彼をひきいださしむ而して王室にて竊にかれにいひけるはヱホバより臨める言あるやとヱレミヤ答へていひけるは有り汝はバビロン王の手に付されん
At nagpadala si Haring Zedekias ng isang tao na nagdala sa kaniya sa palasyo. Sa kaniyang tahanan, tinanong siya ng hari ng sarilinan, “Mayroon bang ibang salita mula kay Yahweh?” Sumagot si Jeremias, “Mayroon pang isang salita: Ibibigay kayo sa kamay ng hari ng Babilonia.”
18 ヱレミヤまたゼデキヤ王にいひけるは我汝あるいは汝の臣僕或はこの民に何なる罪を犯したれば汝ら我を獄にいれしや
At sinabi ni Jeremias kay Haring Zedekias, “Paano ako nagkasala laban sa iyo, sa iyong mga lingkod o sa mga taong ito upang ilagay mo ako sa bilangguan?
19 汝らに預言してバビロンの王は汝らにも此地にも攻來らじといひし汝らの預言者はいま何處にあるや
Nasaan ang iyong mga propeta, ang mga nanghula para sa iyo at sinabing ang hari ng Babilonia ay hindi darating laban sa iyo o laban sa lupaing ito?
20 されば王わが君よ願くはいま我に聽たまへ請ふわが願望を受納れ給へ我を書記ヨナタンの家に歸らしめたまふなかれ恐らくは我彼處に死なんと
Ngunit ngayon, makinig ka aking panginoon na hari! Hayaan mo na ang aking pagsamo ay makarating sa iyong harapan. Huwag mo akong ibalik sa tahanan ni Jonatan na eskriba, kung hindi mamamatay ako roon.”
21 是においてゼデキヤ王命じてヱレミヤを獄の庭にいれしめ且邑のパンの悉く盡るまでパンを製る者の街より日々に一片のパンを彼に與へしむ即ちヱレミヤは獄の庭にをる
Kaya nagbigay ng isang utos si Haring Zedekias. ipinasok ng kaniyang lingkod si Jeremias sa loob ng patyo ng mga bantay. Binibigyan siya ng isang tinapay araw-araw mula sa lansangan ng mga panadero, hanggang maubos ang lahat ng tinapay sa lungsod. Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay.

< エレミヤ書 37 >