< ダニエル書 7 >
1 バビロンの王ベルシヤザルの元年にダニエルその牀にありて夢を見 腦中に異象を得たりしが即ちその夢を記してその事の大意を述ぶ
Sa unang taon ni haring Belsazar ng Babilonia, nagkaroon si Daniel ng panaginip at mga pangitain habang siya ay nakahiga sa kaniyang higaan. Pagkatapos, isinulat niya kung ano ang kaniyang nakita sa panaginip. Isinulat niya ang mga pinakamahalagang kaganapan.
2 ダニエル述て曰く我夜の異象の中に見てありしに四方の天風大海にむかひて烈しく吹きたり
Ipinaliwanag ni Daniel, “Sa aking pangitain kagabi, nakita ko na pinapagalaw ng apat na hangin ng langit ang malaking dagat.
3 四箇の大なる獣海より上りきたれりその形はおのおの異なり
Lumitaw mula sa dagat ang apat na malalaking hayop, bawat isa ay hindi magkakapareho
4 第一のは獅子の如くにして鷲の翼ありけるが我見てをりしに是はその翼を抜とられまた地より起され人のごとく足にて立せられ且人の心を賜はれり
Ang una ay tulad ng isang leon ngunit mayroong mga pakpak ng agila. Habang ako ay nagmamasid, natanggal ang mga pakpak nito at iniangat ito mula sa lupa at pinatayo sa dalawang paa tulad ng tao. Ibinigay rito ang pag-iisip ng isang tao.
5 第二の獣は熊のごとくなりき是はその體の一方を擧げその口の歯の間に三の脇骨を啣へ居けるが之にむかひて言る者あり曰く起あがりて許多の肉を食へと
At mayroong ikalawang hayop na tulad ng isang oso, nakayuko at mayroon itong tatlong tadyang sa pagitan ng mga ngipin sa bunganga nito. Sinabihan ito na, “Tumayo ka at lamunin ang maraming tao.'
6 その後に我見しに豹のごとき獣いでたりしがその背には鳥の翼四ありこの獣はまた四の頭ありて統轄權をたまはれり
Pagkatapos, muli akong tumingin. Mayroon pang isang hayop na kahawig ng isang leopardo. Sa likod nito ay mayroong apat na pakpak na tulad ng mga pakpak ng ibon at mayroon itong apat na ulo. Binigyan ito ng karapatan upang mamahala.
7 我夜の異象の中に見しにその後第四の獣いでたりしが是は畏しく猛く大に強くして大なる鐵の歯あり食ひかつ咬碎きてその殘餘をば足にて踏つけたり是はその前に出たる諸の獣とは異なりてまた十の角ありき
Pagkatapos nito, nakita ko sa aking panaginip kagabi ang ika-apat na hayop na nakakasindak, nakakatakot at napakalakas. Mayroon itong malaking bakal na ngipin. Lumalamon ito, dumudurog ng mga piraso at tinapak-tapakan ang natira. Kakaiba ito sa iba pang mga hayop at mayroon itong sampung sungay.
8 我その角を考へ觀つつありけるにその中にまた一箇の小き角出きたりしがこの小き角のために先の角三箇その根より抜おちたりこの小き角には人の目のごとき目ありまた大なる事を言ふ口あり
Habang pinagmamasdan ko ang mga sungay, tumingin ako at nakita ko ang isa pang sungay na tumubo mula sa kanila, isang maliit na sungay. Tatlo mula sa mga sungay ang pinihit palabas sa kanilang mga ugat. Nakita ko sa sungay na ito ang mga mata na tulad ng mga mata ng tao at isang bibig na nagmamayabang tungkol sa dakilang mga bagay.
9 我觀つつありしに遂に寳座を置列ぶるありて日の老たる者座を占めたりしがその衣は雪のごとくに白くその髮毛は漂潔めたる羊の毛のごとし又その寳座は火の熖にしてその車輪は燃る火なり
Habang nakatingin ako, inihanda ang mga trono sa lugar nito at naupo sa kaniyang upuan ang Sinaunang mga Araw. Kasing puti ng niyebe ang kaniyang damit at ang buhok sa kaniyang ulo ay tulad ng balahibo ng tupa. Nagliliyab na apoy ang kaniyang trono at nagliliyab na apoy ang mga gulong nito.
10 而して彼の前より一道の火の流わきいづ彼に仕ふる者は千々彼の前に侍る者は萬々審判すなはち始りて書を開けり
Isang ilog na apoy ang umaagos palabas sa kaniyang harapan, milyon-milyon ang naglilingkod sa kaniya, at isang daang milyon ang nakatayo sa kaniyang harapan. Nasa pagpupulong ang hukuman at nabuksan ang mga libro.
11 その角の大なる事を言ふ聲によりて我觀つつありけるが我が見る間にその獣は終に殺され體を壞はれて燃る火に投いれられたり
Patuloy akong tumingin dahil sa mayayabang na mga salitang binanggit ng sungay. Pinanood ko ang hayop habang pinapatay, nawasak ang katawan nito at ibinigay upang sunugin.
12 またその餘の獣はその權威を奪はれたりしがその生命は時と期の至るまで延されたり
Para sa mga natitira sa apat na hayop, inalis ang kanilang kapangyarihan ng pamamahala, ngunit pinahaba ang kanilang buhay para sa nalalabing panahon.
13 我また夜の異象の中に觀てありけるに人の子のごとき者雲に乗て來り日の老たる者の許に到りたればすなはちその前に導きけるに
Sa aking pangitain nang gabing iyon, nakita ko ang isang dumarating kasabay ang mga ulap ng langit tulad ng isang anak ng tao. Lumapit siya sa Sinaunang mga Araw at iniharap siya sa kaniya.
14 之に權と榮と國とを賜ひて諸民諸族諸音をしてこれに事へしむその權は永遠の權にして移りさらず又その國は亡ぶることなし
Ibinigay sa kaniya ang karapatan upang mamuno, ang kaluwalhatian at ang makaharing kapangyarihan upang ang lahat ng mga tao, mga bansa, at mga wika ay dapat maglingkod sa kaniya. Walang hanggan ang kaniyang karapatang mamuno na hindi lilipas at hindi kailanman mawawasak ang kaniyang kaharian.
15 是において我ダニエルその體の内の魂を憂へしめわが腦中の異象のために思ひなやみたれば
Ngunit para sa akin, na si Daniel, nagdadalamhati sa aking kaloob-looban ang aking espiritu at ginagambala ako ng mga pangitain na aking nakita sa aking isipan.
16 すなはち其處にたてる者の一箇に就てこの一切の事の眞意を問けるに其者われにこの事の解明を告しらせて云く
Nilapitan ko ang isa sa kanila na nakatayo roon at hiniling ko sa kaniya na ipakita sa akin ang kahulugan ng mga bagay na ito.
17 この四の大なる獣は地に興らんとする四人の王なり
Ang malalaking hayop na ito, na apat ang bilang, ay apat na haring manggagaling mula sa daigdig.
18 然ど終には至高者の聖徒國を受け長久にその國を保ちて世々限りなからんと
Ngunit tatanggapin ng mga taong banal ng Kataas-taasan ang kaharian at aangkinin nila ito magpakailanman.
19 是において我またその第四の獣の眞意を知んと欲せり此獣は他の獣と異なりて至畏ろしくその歯は鐵その爪は銅にして食ひかつ咬碎きてその殘餘を足にて踏つけたり
At nais ko pang malaman ang tungkol sa ikaapat na hayop, labis itong kakaiba sa mga iba at labis na kakila-kilabot ang bakal na ngipin at ang tansong mga kuko nito. Lumalamon ito, dumudurog ng mga piraso at tinatapakan ang anumang natira.
20 此獣の頭には十の角ありしが其他にまた一の角いできたりしかば之がために三の角抜おちたり此角には目ありまた大なる事を言ふ口ありてその状はその同類よりも強く見えたり我またこの事を知んと欲せり
Nais kong malaman ang tungkol sa sampung sungay sa kaniyang ulo at ang tungkol sa ibang sungay na tumubo bago pa mahulog ang tatlong sungay. Nais ko pang malaman ang tungkol sa sungay na mayroong mga mata at tungkol sa bibig na nagyayabang tungkol sa mga dakilang mga bagay na parang mas nakatataas ito sa kaniyang mga kasamahan.
21 我觀つつありけるに此角聖徒と戰ひてこれに勝たりしが
Habang nakatingin ako, nagtaguyod ng digmaan ang sungay na ito laban sa mga taong banal at tinatalo ang mga ito
22 終に日の老たる者來りて至高者の聖徒のために公義をおこなへり而してその時いたりて聖徒國を獲たり
hanggang dumating ang Sinaunang mga Araw at ibinigay ang katarungan sa mga taong banal ng Kataas-taasan. At dumating ang panahon na tinanggap ng mga taong banal ang kaharian.
23 彼かく言り第四の獣は地上の第四の國なり是は一切の國と異なり全世界を并呑しこれを踏つけかつ打破らん
Ito ang sinabi ng taong iyon, 'Ngunit para sa ikaapat na hayop, magiging ikaapat na kaharian ito sa daigdig na magiging kakaiba mula sa iba pang mga kaharian. Lalamunin, aapakan at dudurugin nito nang pira-piraso ang buong daigdig.
24 その十の角はこの國に興らんところの十人の王なり之が後にまた一人興るべし是は先の者と異なり且その王三人を倒すべし
Ngunit para sa sampung sungay, mula sa kahariang ito manggagaling ang sampung hari at isa pa ang lilitaw pagkatapos nila. Magiging kakaiba siya mula sa mga nauna. At masasakop niya ang tatlong hari.
25 かれ至高者に敵して言を出しかつ至高者の聖徒を惱まさん彼また時と法とを變んことを望まん聖徒は一時と二時と半時を經るまで彼の手に付されてあらん
Magsasabi siya ng mga salita laban sa Kataas-taasan at aapihin niya ang mga taong banal ng Kataas-taasang Diyos. Susubukan niyang palitan ang mga pagdiriwang at ang kautusan. Maibibigay ang mga bagay na ito sa kaniyang mga kamay sa isang taon, dalawang taon at kalahating taon.
26 斯て後審判はじまり彼はその權を奪はれて終極まで滅び亡ん
Ngunit magpupulong ang hukuman at kukunin ang kaniyang makaharing kapangyarihan upang tupukin at wasakin sa huli.
27 而して國と權と天下の國々の勢力とはみな至高者の聖徒たる民に歸せん至高者の國は永遠の國なり諸國の者みな彼に事へかつ順はんと
Maibibigay sa mga taong kabilang sa mga banal na tao ng Kataas-taasan ang kaharian, at ang kapangyarihan, ang mga kadakilaan ng mga kaharian sa ibaba ng buong kalangitan. Walang hanggang kaharian ang kaniyang kaharian, paglilingkuran at susundin siya ng lahat ng iba pang mga kaharian.
28 その事此にて終れり我ダニエルこれを思ひまはして大に憂へ顔色も變りぬ我この事を心に蔵む
Narito ang katapusan ng lahat ng bagay. Ngunit para sa akin, na si Daniel, labis na nabahala ang aking isipan at nabago ang itsura ng aking mukha. Ngunit itinago ko ang mga bagay na ito sa aking sarili.”