< サムエル記Ⅱ 6 >

1 ダビデ再びイスラエルの選抜の兵士三萬人を悉く集む
Ngayon sama-samang tinipon muli ni David ang lahat ng mga kalalakihan ng Israel na pinili niya, na tatlumpung libo.
2 ダビデ起ておのれと共にをる民とともにバアレユダに往て神の櫃を其處より舁上らんとす其櫃はケルビムの上に坐したまふ萬軍のヱホバの名をもて呼る
Tumayo si David at umalis kasama ang lahat niyang mga kalalakihan na sumama sa kaniya mula sa Baala sa Juda para dalhin ang kaban ng Diyos, na tinawag sa pamamagitan ng pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa kadakilaan ng buong kerubin.
3 すなはち神の櫃を新しき車に載せて山にあるアビナダブの家より舁だせり
Nilagay nila ang kaban ng Diyos sa isang bagong kariton. Inilabas nila ito sa bahay ni Abinadab, na naroon sa isang burol. Pinapatnubayan nina Uzza at Ahio, kaniyang mga lalaking anak, ang bagong kariton.
4 アビナダブの子ウザとアヒオ神の櫃を載たる其新しき車を御しアヒオは櫃のまへにゆけり
Inilabas nila ang kariton sa bahay ni Abinadab sa ibabaw ng burol kasama ang kaban ng Diyos nito. Naglalakad si Ahio sa harapan ng kaban.
5 ダビデおよびイスラエルの全家琴と瑟と鼗と鈴と鐃鈸をもちて力を極め謡を歌ひてヱホバのまへに躍踴れり
Pagkatapos nagsimulang magdiwang si David at ang buong sambahayan ng Israel sa harapan ni Yahweh, nagdiriwang gamit ang mga instrumentong gawa sa pinong kahoy, mga alpa, mga kudyapi, mga tamburin, mga kalansing, at mga pompyang.
6 彼等がナコンの禾場にいたれる時ウザ手を神の櫃に伸してこれを扶へたり其は牛振たればなり
Nang dumating sila sa giikang sahig ni Nacon, natumba ang mga toro, at inabot ni Uzza ang kaniyang kamay para damputin ang kaban ng Diyos, at nakuha niya ito.
7 ヱホバ、ウザにむかひて怒りを發し其誤謬のために彼を其處に撃ちたまひければ彼そこに神の櫃の傍に死ねり
Pagkatapos ang galit ni Yahweh ang sumunog kay Uzza. Sinunog siya ng Diyos doon dahil sa kaniyang kasalanan. Namatay si Uzza roon sa tabi ng kaban ng Diyos.
8 ヱホバ、ウザを撃ちたまひしによりてダビデ怒り其處をペレヅウザ(ウザ撃)と呼り其名今日にいたる
Nagalit si David dahil pinarusahan ni Yahweh si Uzza, at tinawag niya ang pangalan ng lugar na iyon na Perez Uzza. Hanggang sa araw na ito tinatawag ang lugar na iyon na Perez Uzza.
9 其日ダビデ、ヱホバを畏れていひけるはヱホバの櫃いかで我所にいたるべけんやと
Sa araw na iyon natakot si David kay Yahweh. Sinabi niya, “Paano mapupunta sa akin ang kaban ni Yahweh?”
10 ダビデ、ヱホバの櫃を己に移してダビデの城邑にいらしむるを好まず之を轉してガテ人オベデエドムの家にいたらしむ
Kaya hindi pumayag si David na dalhin niya ang kaban ni Yahweh papasok sa lungsod ni David. Sa halip, inilagay niya ito sa tabi ng bahay ni Obed Edom na taga-Gat.
11 ヱホバの櫃ガテ人オベデエドムの家に在ること三月なりきヱホバ、オベデエドムと其全家を惠みたまふ
Nanatili ang kaban ni Yahweh sa bahay ni Obed Edom na taga-Gat nang tatlong buwan. Kaya pinagpala siya ni Yahweh at ang kaniyang buong sambahayan.
12 ヱホバ神の櫃のためにオベデエドムの家と其所有を皆惠みたまふといふ事ダビデ王に聞えけれぼダビデゆきて喜樂をもて神の櫃をオベデエドムの家よりダビデの城邑に舁上れり
Ngayon sinabihan si Haring David, “Pinagpala ni Yahweh ang bahay ni Obed Edom at lahat ng bagay na pag-aari niya dahil sa kaban ng Diyos.” Kaya pumunta si David at dinala ang kaban ng Diyos mula sa bahay ni Obed Edom patungo sa lungsod ni David nang may kagalakan.
13 ヱホバの櫃を舁者六歩行](ゆき)}たる時ダビデ牛と肥たる者を献げたり
Nang nakaanim na hakbang ang mga nagdadala ng kaban ni Yahweh, nag-alay siya ng isang toro at isang matabang baka.
14 ダビデ力を極めてヱホバの前に踊躍れり時にダビデ布のエポデを著け居たり
Sumayaw si David sa harapan ni Yahweh nang ng kaniyang buong kalakasan; nagsuot lamang siya ng isang linong epod.
15 ダビデおよびイスラエルの全家歓呼と喇叭の聲をもてヱホバの櫃を舁のぼれり
Kaya dinala ni David at ng buong kabahayan ng Israel ang kaban ni Yahweh na may sigawan at tunog ng mga trumpeta.
16 神の櫃ダビデの城邑にいりし時サウルの女ミカル窻より窺ひてダビデ王のヱホバのまへに舞躍るを見其心にダビデを蔑視む
Ngayon pagdating ng kaban ni Yahweh sa loob ng lungsod ni David, dumungaw sa labas ng bintana si Mical, na babaeng anak ni Saul. Nakita niya si Haring David na tumatalon at sumasayaw sa harapan ni Yahweh. Pagkatapos kinamuhian niya siya sa kaniyang puso.
17 人々ヱホバの櫃を舁入てこれをダビデが其爲に張たる天幕の中なる其所に置りしかしてダビデ燔祭と酬恩祭をヱホバのまへに献げたり
Dinala nila sa loob ang kaban ni Yahweh at inilagay ito sa kaniyang lugar, sa gitna ng tolda na ipinatayo ni David para dito. Pagkatapos naghandog si David ng mga sinunog na handog at handog para sa pagtitipon-tipon sa harapan ni Yahweh.
18 ダビデ燔祭と酬恩祭を献ぐることを終し時萬軍のヱホバの名を以て民を祝せり
Nang matapos si David sa pag-aalay ng sinunog na mga handog at mga handog para sa pagtitipon-tipon, pinagpala niya ang mga tao sa pangalan ni Yahweh ng mga hukbo.
19 また民の中即ちイスラエルの衆庶の中に男にも女にも倶にパン一箇 肉一斤 乾葡萄一塊を分ちあたへたり斯て民皆おのおの其家にかへりぬ
Pagkatapos namahagi siya sa mga tao, sa kabuuang dami ng Israel, sa mga lalaki at mga babae, ng isang buong tinapay, isang piraso ng karne, at isang mamong pasas. Pagkatapos umalis ang lahat ng mga tao; at bumalik ang bawat isa sa kanilang sariling bahay.
20 爰にダビデ其家族を祝せんとて歸りしかばサウルの女ミカル、ダビデをいでむかへていひけるはイスラエルの王今日如何に威光ありしや自ら遊蕩者の其身を露すがごとく今日其臣僕の婢女のまへに其身を露したまへりと
Pagkatapos bumalik si David para pagpalain ang kaniyang pamilya. Dumating si Mical, ang babaeng anak ni Saul, para salubungin si David at sinabi, “Labis na pagpaparangal ang hari ng Israel sa araw na ito, na hinubaran ang kaniyang sarili sa harapan ng mga mata ng mga babaeng alipin na kaniyang mga lingkod, katulad ng isang taong walang hiya na hindi nahihiyang hubaran ang kaniyang sarili!”
21 ダビデ、ミカルにいふ我はヱホバのまへに即ち汝の父よりもまたその全家よりも我を選みて我をヱホバの民イスラエルの首長に命じたまへるヱホバのまへに躍れり
Sumagot si David kay Mical, “Ginawa ko iyon sa harapan ni Yahweh, na pinili niya ako na mas mataas sa iyong ama at mataas sa lahat ng kaniyang pamilya, na itinalaga ako maging pinuno ng buong tao ni Yahweh, sa buong Israel. Sa harapan ni Yahweh magagalak ako!
22 我は此よりも尚鄙からんまたみづから賤しと思はん汝が語る婢女等とともにありて我は尊榮をえんと
Magiging higit pa akong 'hubad' higit pa dito. Mapapahiya ako sa sarili kong mga mata, pero sa lahat mga babaeng alipin na sinasabi mo, magiging marangal ako.”
23 是故にサウルの女ミカルは死ぬる日まで子あらざりき
Kaya si Mical, ang babaeng anak ni Saul, ay hindi nagkaroon ng mga anak hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.

< サムエル記Ⅱ 6 >