< 列王記Ⅱ 15 >

1 イスラエルの王ヤラベアムの二十七年にユダの王アマジヤの子アザリヤ王となれり
Sa ika-dalawampu't pitong taon ni Jeroboam hari ng Israel, nagsimula ang paghahari ni Uzzias anak ni Amazias hari ng Juda.
2 彼は王となれる時に十六歳なりしが五十二年の間エルサレムにおいて世を治めたりその母はエルサレムの者にして名をヱコリアと言ふ
Labing anim na taon si Uzzias ng magsimulang maghari. Naghari siya ng limampu't dalawang taon sa Jerusalem. Si Jecilias ng Jerusalem ang pangalan ng kaniyang ina.
3 彼はヱホバの善と見たまふ事をなし萬の事においてその父アマジヤがなしたるごとく行へり
Ginawa niya ang matuwid sa mata ni Yahweh, sinunod ang halimbawa ng kaniyang ama, at gumawa tulad ng ginawa ni Amazias.
4 惟崇邱は除かずしてあり民は尚その崇邱の上に犠牲をささげ香をたけり
Subalit, ang mga dambana ay hindi inalis. Patuloy na nag-aalay ang mga tao at nagsusunog ng insenso sa mga dambana.
5 ヱホバ王を撃たまひしかばその死る日まで癩病人となり別殿に居ぬその子ヨタム家の事を管理て國の民を審判り
Hinayaang magkaketong ni Yahweh ang hari hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan at nanirahan sa isang nakahiwalay na tahanan. Si Jotam, ang anak ng hari, ang namahala sa sambahayan at naghari sa mga mamamayan ng lupain.
6 アザリヤのその餘の行爲とその凡てなしたる事はユダの王の歴代志の書にしるさるるにあらずや
Ang iba pang mga bagay tungkol kay Uzzias, lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba't ang mga ito ay nakasulat sa Ang Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Juda?
7 アザリヤその先祖等とともに寝りたればこれをダビデの邑にその先祖等とともに葬れりその子ヨタムこれに代りて王となる
Kaya nahimlay si Uzzias kasama ng kaniyang mga ninuno; inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David. Si Jotam, kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.
8 ユダの王アザリヤの三十八年にヤラベアムの子ザカリア、サマリヤにおいてイスラエルの王となれりその間は六月
Sa ika tatlumpu't walong taon ni Uzzias hari ng Juda, si Zacarias anak ni Jeroboam ang naghari ng Israel sa Samaria sa loob ng anim na buwan.
9 彼その先祖等のなせしごとくヱホバの目の前に惡を爲し夫のイスラエルに罪を犯させたるネバテの子ヤラベアムの罪に離れざりき
Ginawa niya ang masama sa harapan ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang ama. Hindi niya nilisan ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na siyang naging dahilan para magkasala ang Israel.
10 茲にヤベシの子シヤルム黨をむすびて之に敵し民の前にてこれを撃て弑しこれに代りて王となれり
Naghimagsik si Sallum anak ni Jabes laban kay Zacarias, nilusob siya sa harap ng mga tao at pinaslang siya. Pagkatapos siya ang pumalit na hari kapalit niya.
11 ザカリヤのその餘の行爲はイスラエルの王の歴代志の書に記さる
Sa iba pang mga bagay tungkol kay Zacarias, ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
12 ヱホバのヱヒウに告たまひし言は是なり云く汝の子孫は四代までイスラエルの位に坐せんと果して然り
Ito ang mga salita ni Yahweh na sinabi niya kay Jehu, sinasabing, ''Ang iyong kaapu-apuhan ay mauupo sa trono ng Israel hanggang sa ika-apat na salin lahi.'' At kaya ito ang naganap.
13 ヤベシの子シヤルムはユダの王ウジヤの三十九年に王となりサマリヤにおいて一月の間王たりき
Nagsimulang maghari si Sallum anak ni Jabes sa ika-tatlumpu't siyam na taon ni Uzzias hari ng Juda, at siya naghari sa loob lamang ng isang buwan sa Samaria.
14 時にガデの子メナヘム、テルザより上りでサマリヤに來りヤベシの子シヤルムをサマリヤに撃てこれを殺し之にかはりて王となれり
Mula sa Tirza si Menahem anak ni Gadi ay nagtungo sa Samaria. Doon nilusob niya si Sallum anak ni Jabes, sa Samaria. Pinatay niya siya at naging hari kapalit niya.
15 シヤルムのその餘の行爲とその徒黨をむすびし事はイスラエルの王の歴代志の書にしるさる
Sa iba pang mga bagay tungkol kay Sallum at ang paghihimagsik na kaniyang ginawa, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
16 その後メナヘム、テルザよりいたりてテフサとその中にあるところの者およびその四周の地を撃り即ちかれら己がために開くことをせざりしかばこれを撃てその中の孕婦をことごとく刳剔たり
Pagkatapos nilusob ni Menahem si Tipsa at lahat ng naroon, at ang mga hangganang palibot ng Tirza, dahil hindi nila ibinukas ang lungsod sa kaniya. Kaya nilusob niya ito, at nilaslas niya ang tiyan ng mga babaeng buntis sa nayon na iyon.
17 ユダの王アザリヤの三十九年にガデの子メナヘム、イスラエルの王となりサマリヤにおいて十年の間世を治めたり
Sa ika-tatlumpu't siyam na taon ni Uzzias hari ng Juda nagsimulang maghari si Menahem anak ni Gadi sa Israel; siya ay naghari ng sampung taon sa Samaria.
18 彼ヱホバの目の前に惡をなし彼のイスラエルに罪を犯させたるネバテの子ヤラベアムの罪に生涯離れざりき
Ginawa niya ang masama sa harapan ni Yahweh. Kaya sa buong buhay niya, hindi niya nilisan ang mga kasalan ni Jeroboam anak ni Nebat, na siyang nagdulot sa Israel na magkasala.
19 茲にアツスリヤの王ブルその地に攻きたりければメナヘム銀一千タラントをブルにあたへたり是は彼をして己を助けしめ是によりて國を己の手に堅く立しめんとてなりき
Pagkatapos si Pul ang hari ng Asiria ay dumating laban sa lupain at nagbigay si Menahem kay Pul ng isang libong talentong pilak, para siya ay tulungan ni Pul na palakasin ang kaharian ng Israel sa kaniyang pangunguna.
20 即ちメナヘムその銀をイスラエルの諸の大富者に課しその人々に各々銀五十シケルを出さしめてこれをアツスリヤの王にあたへたり是をもてアツスリヤの王は歸りゆきて國に止ることをせざりき
Siningil ni Menahem ang halagang ito mula sa Israel sa pag-uutos sa bawat mayayaman na magbayad ng limampung sekel ng pilak sa kaniya para ibigay sa hari ng Asiria. Kaya ang hari ng Asiria ay umuwi at hindi namalagi roon sa lupain.
21 メナヘムのその餘の行爲とその凡てなしたる事はイスラエルの王の歴代志の書にしるさるるにあらずや
Sa iba pang mga bagay tungkol kay Menahem, at ang lahat ng ginawa niya, hindi ba sila ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel?
22 メナヘムその先祖等とともに寝りその子ペカヒヤこれに代て王となれり
Kaya nahimlay si Menahen kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Pekakias kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.
23 メナヘムの子ペカヒヤはユダの王アザリヤの五十年にサマリヤにおいてイスラエルの王となり二年のあひだ位にありき
Sa ika-limampung taon ni Uzzias hari ng Juda, si Pekakias anak ni Menahem ay nagsimulang maghari sa Israel sa Samaria; dalawang taon siyang naghari.
24 彼ヱホバの目のまへに惡をなし彼のイスラエルに罪を犯させたるネバテの子ヤラベアムの罪に離れざりき
Ginawa niya ang masama sa harapan ni Yahweh. Hindi niya iniwan ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na siyang nagdulot sa Israel na magkasala.
25 茲にその將官なるレマリヤの子ペカ黨をむすびて彼に敵しサマリヤにおいて王の家の奧の室にこれを撃ころしアルゴブとアリエをもこれとともに殺せり時にギレアデ人五十人ペカとともにありきペカすなはち彼をころしかれに代て王となれり
Si Peka anak ni Remalias, isang kapitan na naglilingkod kay Pekakias, ay nakipagsabwatan kina Argob at Aries laban sa kaniya at pinaslang siya sa tanggulan ng palasyo ng hari sa Samaria. Kasama niya ang limampung kalalakihang taga-Galaad. Pinatay niya siya at naging hari kapalit niya.
26 ベカヒヤのその餘の行爲とその凡て爲たる事はイスラエルの王の歴代志の書にしるさる
Sa iba pang mga bagay tungkol kay Pekakias, lahat ng ginawa niya, ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
27 レマリヤの子ペカはユダの王アザリヤの五十二年にサマリヤに於てイスラエルの王となり二十年位にありき
Sa ika-limapu't dalawang taon ni Uzzias hari ng Juda, si Peka anak ni Remalias ay nagsimulang maghari sa Isarel sa Samaria; dalawampung taon siya naghari.
28 彼ヱホバの目の前に惡をなし彼のイスラエルに罪ををかさせたるネバテの子ヤラベアムの罪にはなれざりき
Ginawa niya ang masama sa harapan ni Yahweh. Hindi niya nilisan ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na siyang nagdulot na magkasala ang Israel.
29 イスラエルの王ペカの代にアツスリヤの王テグラテビレセル來りてイヨン、アベルベテマアカ、ヤノア、ケデシ、ハゾルおよびギレアデならびにナフタリの全地ガリラヤを取りその人々をアツスリヤに擄へうつせり
Sa mga panahon na si Peka ay hari ng Israel, si Tiglat Pileser hari ng Asiria ay dumating at sinakop ang Ijon, Abelbetmaaca, Janoas, Kades, Hazor, Galaad, Galilee, at lahat ng lupain ng Naftali. Tinangay niya ang mga mamamayan sa Asiria.
30 茲にエラの子ホセア黨をむすびてレマリヤの子ペカに敵しこれを撃て殺しこれに代て王となれり是はウジヤの子ヨタムの二十年にあたれり
Kaya si Hosea anak ni Ela ay nagbuo ng isang sabwatan laban kay Peka anak ni Remalias. Nilusob niya at pinatay siya. Pagkatapos siya ay naghari kapalit niya, sa ika-dalawampung taon ni Jotam anak ni Uzzias.
31 ペカのその餘の行爲とその凡てなしたる事はイスラエルの王の歴代志の書にしるさる
Sa iba pang mga bagay tungkol kay Peka, lahat ng ginawa niya, ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
32 レマリヤの子イスラエルの王ペカの二年にウジヤの子ユダの王ヨタム王となれり
Sa ikalawang taon ni Peka anak ni Remalias, hari ng israel, nagsimulang maghari si Jotam anak ni Uzzias, hari ng Juda.
33 彼は王となれる時二十五歳なりしがヱルサレムにて十六年世を治めたり母はザドクの女にして名をヱルシヤといへり
Dalawampu't limang taon gulang siya nang magsimula siyang maghari; labing anim na taon siyang naghari sa Jerusalem. Jerusa ang pangalan ng kaniyang ina; siya ay anak ni Zadok.
34 彼はヱホバの目にかなふ事をなし凡てその父ウジヤのなしたるごとくにおこなへり
Matuwid ang ginawa ni Jotam sa paningin ni Yahweh. Sinunod niya ang halimbawang ginawa ng kaniyang amang si Uzzias.
35 惟崇邱は除かずしてあり民なほその崇邱の上に犠牲をささげ香を焚り彼ヱホバの家の上の門を建たり
Subalit, ang mga dambana ay hindi inalis. Nag-aalay pa rin at nagsusunog ng insenso ang mga tao sa mga dambana. Ipinagawa ni Jotam ang tarangkahan sa gawing itaas ng tahanan ni Yahweh.
36 ヨタムのその餘の行爲とその凡てなしたる事はユダの王の歴代志の書にしるさるるにあらずや
Sa iba pang mga bagay tungkol kay Jotam, lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba ang mga ito ay nakasulat sa Aklat ng Mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Juda?
37 當時ヱホバ、スリアの王レヂンとレマリヤの子ペカをユダにせめきたらせたまへり
Sa panahong iyon sinimulang isugo ni Yahweh sina Rezin hari ng Aram, at Peka anak ni Remalias laban sa Juda.
38 ヨタムその先祖等とともに寝りてその父ダビデの邑にその先祖等とともに葬られその子アハズこれに代りて王となれり
Nahimlay si Jotam kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing kasama ng kaniyang ninuno sa lungsod ni David. Pagkatapos si Ahaz, kaniyang anak, ay naging hari kapalit niya.

< 列王記Ⅱ 15 >