< 歴代誌Ⅰ 6 >

1 レビの子等はゲルシヨン、コハテ、メラリ
Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
2 コハテの子等はアムラム、イヅハル、ヘブロン、ウジエル
Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam.
3 アムラムの子等はアロン、モーセ、ミリアム、アロンの子等はナダブ、アビウ、エレアザル、イタマル
Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
4 エレアザル、ピネハスを生み ピネハス、アビシユアを生み
Si Eleazar ang ama ni Finehas, at si Finehas ang ama ni Abisua.
5 アビシユア、ブツキを生み ブツキ、ウジを生み
Si Abisua ang ama ni Buki, at si Buki ang ama ni Uzi.
6 ウジ、ゼラヒヤを生み ゼラヒヤ、メラヨテを生み
Si Uzi ang ama ni Zerahias at si Zeraias ang ama ni Meraiot.
7 メラヨテ、アマリヤを生み アマリヤ、アヒトブを生み
Si Meraiot ang ama ni Amarias, si Amarias ang ama ni Ahitob.
8 アヒトブ、ザドクを生み ザドク、アヒマアズを生み
Si Ahitob ang ama ni Zadok, at si Zadok ang ama ni Ahimaaz.
9 アヒマアズ、アザリヤを生み アザリヤ、ヨハナンを生み
Si Ahimaaz ang ama ni Azarias, at si Azarias ang ama ni Johanan.
10 ヨハナン、アザリヤを生り此アザリヤはヱルサレムなるソロモンの建たる宮にて祭司の職をなせし者なり
Si Johanan ang ama ni Azarias na naglingkod sa templo na ipinatayo ni Solomon sa Jerusalem.
11 アザリヤ、アマリヤを生み アマリヤ、アヒトブを生み
Si Azarias ang ama ni Amarias, at si Amarias ang ama ni Ahitob.
12 アヒトブ、ザドクを生み ザドク、シヤルムを生み
Si Ahitob ang ama ni Zadok na ama ni Sallum.
13 シヤルム、ヒルキヤを生み ヒルキヤ、アザリヤを生み
Si Sallum ang ama ni Hilkias, at si Hilkias ang ama ni Azarias.
14 アザリヤ、セラヤを生み セラヤ、ヨザダクを生む
Si Azarias ang ama ni Seraya, at si Seraya ang ama ni Jehozadak.
15 ヨザダグはヱホバ、ネブカデネザルの手をもてユダおよびヱルサレムの人を擄へうつしたまひし時に擄へられて往り
Nabihag si Jehozadak nang ipinatapon ni Yahweh ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nebucadnezar.
16 レビの子等はゲルシヨン、コハテおよびメラリ
Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
17 ゲルシヨンの子等の名は左のごとしリブニおよびシメイ
Ang mga anak na lalaki ni Gerson ay sina Libni at Simei.
18 コハテの子等はアムラム、イヅハル、ヘブロン、ウジエル
Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
19 メラリの子等はマヘリおよびムシ、レビ人の宗族はその宗家によれば是のごとし
Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Musi. Sila ang mga naging angkan ng mga Levita ayon sa pamilya ng kanilang ama.
20 ゲシヨンの子はリブニ その子はヤハテ その子はジンマ
Ang mga kaapu-apuhan ni Gerson ay nagmula sa kaniyang anak na si Libni. Ang anak ni Libni ay si Jahat. Ang anak ni Jahat ay si Zima.
21 その子はヨア その子はイド その子はゼラ その子はヤテライ
Ang anak ni Zima ay si Joah. Ang anak ni Joah ay si Iddo. Ang anak ni Iddo ay si Zara. Ang anak ni Zara ay si Jeatrai.
22 コハテの子はアミナダブ その子はコラ その子はアシル
Nagmula ang kaapu-apuhan ni Kohat sa kaniyang anak na lalaki na si Aminadab. Ang kaniyang anak ay si Korah. Ang anak ni Korah ay si Asir.
23 その子はエルカナ その子はエビアサフ その子はアシル
Ang anak ni Asir ay si Elkana. Ang anak ni Elkana ay si Ebiasaf.
24 その子はタハテ その子はウリエル その子はウジヤ その子はシヤウル
Ang anak ni Asir ay si Tahat. Ang anak ni Tahat ay si Uriel. Ang anak ni Uriel ay si Uzias. Ang anak ni Uzias ay si Shaul.
25 エルカナの子等はアマサイおよびアヒモテ
Ang mga anak na lalaki ni Elkana ay sina Amasai, Ahimot at Elkana.
26 エルカナについてはエルカナの子はゾバイ その子はナハテ
Ang anak na lalaki ng ikalawang Elkana na ito ay si Zofar. Ang kaniyang anak ay si Nahat.
27 その子はエリアブ その子はヱロハム その子はエルカナ
Ang anak ni Nahat ay si Eliab. Ang anak ni Eliab ay si Jeroham. Ang anak ni Jehoram ay si Elkana.
28 サムエルの子等は長子はヨエル 次はアビヤ
Ang mga anak na lalaki ni Samuel ay si Joel na panganay at si Abija ang pangalawa.
29 メラリの子はマヘリ その子はリブニ その子はシメイ その子はウザ
Ang anak na lalaki ni Merari ay si Mahli. Ang kaniyang anak ay si Libni. Ang anak ni Libni ay si Simei. Ang anak ni Simei ay si Uza.
30 その子はシメア その子はハギヤ その子はアサヤなり
Ang anak ni Uza ay si Simea. Ang anak ni Simea ay si ni Hagia. Ang anak ni Hagia ay si Asaya.
31 契約の櫃を安置せし後ダビデ左の人々を立てヱホバの家にて謳歌事を司どらせたり
Ang mga sumusunod ay mga pangalan ng mga lalaking itinalaga ni David na mamahala sa musika sa tahanan ni Yahweh, matapos na ilagay doon ang kaban ng tipan.
32 彼等は集會の幕屋の住所の前にて謳歌事をおこなひ來りしがソロモン、ヱルサレムにヱホバの室を建るにおよびその次序に循ひてその職をつとめたり
Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit sa harap ng tabernakulo, ang toldang tipanan, hanggang sa maipatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh sa Jerusalem. Tinupad nila ang kanilang mga tungkulin na sinusunod ang mga panuntunang ibinigay sa kanila.
33 立て奉事をなせるものおよびその子等は左のごとしコハテの子等の中ヘマンは謳歌師長たり ヘマンはヨルの子 ヨエルはサムエルの子
Ito ang mga naglingkod kasama ang kanilang mga anak na lalaki. Mula sa angkan ng mga Kohat ay si Heman na manunugtog. Kung babalikan ang nakaraang panahon, ito ang kaniyang mga lalaking ninuno: si Heman ay anak ni Joel na anak ni Samuel.
34 サムエルはエルカナの子 エルカナはヱロハムの子 ヱロハムはエリエルの子 エリエルはトアの子
Si Samuel ay anak ni Elkana na anak ni Jeroham na anak ni Eliel na anak ni Toah.
35 トアはヅフの子 ヅフはエルカナの子 エルカナはマハテの子 マハテはアマサイの子
Si Toah ay anak ni Zuf na anak ni Elkana na anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai na anak ni Elkana.
36 アマサイはヱルカナの子 エルカナはヨエルの子 ヨエルはアザリヤの子 アザリヤはゼパニヤの子
Si Elkana ay anak ni Joel na anak ni Azarias na anak ni Zefanias.
37 ゼパニヤはタハテの子 タハテはアシルの子 アシルはエビアサフの子 エビアサフはコラの子
Si Zefanias ay anak ni Tahat na anak ni Asir na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah
38 コラはイヅハルの子 イヅハルはコハテの子 コハテはレビの子 レビはイスラエルの子なり
Si Korah ay anak ni Izar na anak ni Kohat na anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel.
39 ヘマンの兄弟アサフ、ヘマンの右に立り アサフはベレキヤの子 ベレキヤはシメアの子
Ang kasamahan ni Heman ay si Asaf na nakatayo sa kaniyang kanan. Si Asaf ay anak na lalaki ni Berequias na anak na lalaki ni Simea.
40 シメアはミカエルの子 ミカエルはバアセヤの子 バアセヤはマルキヤの子
Si Simea ay anak na lalaki ni Micael na anak na lalaki ni Baaseias na anak na lalaki ni Malquias.
41 マルキヤはエテニの子 エテニはゼラの子 ゼラはアダヤの子
Si Malquias ay anak na lalaki ni Etni na anak na lalaki ni Zera na anak na lalaki ni Adaias.
42 アダヤはエタンの子 エタンはジンマの子 ジンマはシメイの子
Si Adaias ay anak na lalaki ni Etan na anak na lalaki ni Zima na anak na lalaki ni Simei.
43 シメイはヤハテの子 ヤハテはゲルシヨンの子 ゲルシヨンはレビの子なり
Si Simei ay anak na lalaki ni Jahat na anak na lalaki ni Gerson na anak na lalaki ni Levi.
44 また彼らの兄弟なるメラリ人等その左に立り 其中のエタンはキシの子なり キシはアブデの子 アブデはマルクの子
Sa gawing kaliwa ni Heman ay ang kaniyang mga kasamahan na mga anak na lalaki ni Merari. Isinama nila si Etan na anak na lalaki ni Quisi na anak na lalaki ni Abdi na anak na lalaki ni Malluc.
45 マルクはハシヤビヤの子 ハシヤビヤはアマジヤの子 アマジヤはヒルキヤの子
Si Malluc ay anak na lalaki ni Hashabias na anak na lalaki ni Amazias na anak na lalaki ni Hilkias.
46 ヒルキヤはアムジの子 アムジはバニの子 バニはセメルの子
Si Hilkias ay anak na lalaki ni Amzi na anak na lalaki ni Bani na anak na lalaki ni Semer.
47 セメルはマヘリの子 マヘリはムシの子 ムシはメラリの子 メラリはレビの子なり
Si Semer ay anak na lalaki ni Mahli na anak na lalaki ni Musi. Si Musi ay anak na lalaki ni Merari na anak na lalaki ni Levi.
48 彼らの兄弟なるレビ人等は神の室の幕屋の諸の職に任ぜられたり
Ang kanilang mga kasamahang Levita ay itinalaga upang gawin ang lahat ng mga gawain sa tabernakulo na tahanan ng Diyos.
49 アロンおよびその子等は燔祭の壇と香壇の上に物を献ぐることを司どりまた至聖所の諸の工をなし且イスラエルのために贖をなすことを司どれり凡て神の僕モーセの命じたるごとし
Si Aaron at ang kaniyang mga anak ang gumagawa ng lahat ng gawain na may kinalaman sa kabanal-banalang lugar. Ginagawa nila ang mga paghahandog sa altar para sa mga alay na susunugin. Ginagawa nila ang paghahandog sa altar ng insenso. Ang lahat ng ito ay upang mabayaran ang mga kasalanan ng Israel. Sinunod nila ang lahat ng mga iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos.
50 アロンの子孫は左のごとし アロンの子はエレアザル その子はピネハス その子はアビシユア
Ang mga sumusunod ay kaapu-apuhan ni Aaron. Anak ni Aaron si Eleazar na ama ni Finehas na ama ni Abisua.
51 その子はブツキ その子はウジ その子はゼラヒヤ
Anak ni Abisua si Buki na ama ni Uzi na ama ni Zerahias.
52 その子はメラヨテ その子はアマリヤ その子はアヒトブ
Anak ni Zerahias si Meraiot na ama ni Amarias na ama ni Ahitob.
53 その子はザドク その子はアヒマアズ
Anak ni Ahitob si Zadok na ama ni Ahimaaz.
54 アロンの子孫の住處は四方の境の内にありその閭里に循ひていはば左の如し先コハテ人の宗族が籤によりて得たるところは是なり
Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na itinalaga sa mga kaapu-apuhan ni Aaron. Sa mga angkan ni Kohat (sila ang unang itinalaga sa pamamagitan ng palabunutan).
55 すなはちユダの地の中よりはヘブロンとその周圍の郊地を得たり
Itinalaga sila sa Hebron sa lupain ng Juda at sa mga pastulan nito.
56 但しその邑の田野と村々はヱフンネの子カレブに歸せり
Ngunit ang mga bukirin ng lungsod at ang mga nayon na nakapalibot dito ay ibinigay kay Caleb na anak na lalaki ni Jefune.
57 すなはちアロンの子孫の得たる邑は逃遁邑なるヘブロン、リブナとその郊地 ヤツテルおよびエシテモアとそれらの郊地
Ibinigay sa mga kaapu-apuhan na ito ni Aaron ang Hebron na siyang lungsod-kanlungan, ang Libna kasama ang mga pastulan nito, Jatir, Estemoa kasama ang mga pastulan ng mga ito.
58 ホロンとその郊地 デビルとその郊地
Ang Hilen at Debir kasama ang mga pastulan ng mga ito.
59 アシヤンとその郊地 ベテシメシとその郊地なり
Ibinigay din sa mga kaapu-apuhan na ito ni Aaron ang Asan at Beth-semes kasama ang mga pastulan ng mga ito.
60 またベニヤミンの支派の中よりはゲバとその郊地 アレメテとその郊地 アナトテとその郊地を得たり 彼らの邑はその宗族の中に都合十三ありき
Mula sa tribu ni Benjamin, ibinigay sa kanila ang Geba, Alemet, Anatot kasama ang mga pastulan ng mga ito. Labintatlong lungsod ang lahat ng natanggap ng mga angkan ni Kohat.
61 またコハテの子孫の支派の中此他なる者はかの半支派の中即ちマナセの半支派の中より籤によりて十の邑を得たり
Sa pamamagitan ng palabunutan, ibinigay ang sampung lungsod sa mga natitirang kaapu-apuhan ni Kohat mula sa kalahating tribu ni Manases.
62 またゲルシヨンの子孫の宗族はイツサカルの支派アセルの支派ナフタリの支派及びバシヤンなるマナセの支派の中より十三の邑を得たり
Ibinigay sa mga kaapu-apuhan ni Gerson ayon sa iba't iba nilang angkan ang labintatlong lungsod mula sa mga tribu ni Isacar, Asher, Neftali at ang kalahating tribu ni Manases sa Bashan.
63 またメラリの子孫の宗族はルベンの支派ガドの支派およびゼブルンの支派の中より籤によりて十二の邑を得たり
Ibinigay sa mga kaapu-apuhan ni Merari ang labindalawang lungsod sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa iba't iba nilang angkan mula sa mga tribu ni Ruben, Gad at Zebulun.
64 イスラエルの子孫は邑とその郊地とをレビ人に與へたり
Kaya ibinigay ng mga Israelita ang mga lungsod na ito kasama ang mga pastulan ng mga ito sa mga Levita.
65 即ちユダの子孫の支派とシメオンの子孫の支派とベニヤミンの子孫の支派の中よりして此に名を擧たる是等の邑を籤によりて之に與へたり
Itinalaga nila sa pamamagitan ng palabunutan ang mga bayang unang nabanggit mula sa mga tribu ni Juda, Simeon at Benjamin.
66 コハテの子孫の宗族はまたエフライムの支派の中よりも邑を得てその領地となせり
Ibinigay sa ilang mga angkan ni Kohat ang mga lungsod mula sa tribu ni Efraim.
67 即ちその得たる逃遁邑はエフライム山のシケムとその郊地およびゲゼルとその郊地
Ibinigay sa kanila ang Shekem (isang lungsod-kanlungan) kasama ang mga pastulan nito sa kaburulan ng bansang Efraim, Gezer kasama ang mga pastulan nito,
68 ヨクメアムとその郊地 ベテホロンとその郊地
Jocmeam, Beth-horon kasama ang mga pastulan ng mga ito,
69 アヤロンとその郊地 ガテリンモンとその郊地なり
Ayalon at Gat-rimon kasama ang mga pastulan ng mga ito.
70 またマナセの半支派の中よりはアネルとその郊地 ビレアムとその郊地是みなコハテの子孫の遺れる宗族に歸せり
Ibinigay sa mga mula sa kalahating tribu ni Manases ang Aner at Bilean kasama ang mga pastulan ng mga ito. Naging pag-aari ito ng mga natitirang angkan ni Kohat.
71 ゲルシヨンの子孫に歸せし者はマナセの半支派の宗族の中よりはバシヤンのゴランとその郊地 アシタロテとその郊地
Ibinigay sa mga kaapu-apuhan ni Gerson, mula sa mga angkan ng kalahating tribu ni Manases ang Golan sa Bashan at Astarot kasama ang mga pastulan ng mga ito.
72 イツサカルの支派の中よりはゲデシとその郊地 ダベラテとその郊地
Mula sa tribu ni Isacar, natanggap ng mga kaapu-apuhan ni Gerson ang Kades, Daberat kasama ang mga pastulan ng mga ito,
73 ラモテとその郊地 アネムとその郊地
pati na rin ang Ramot at Anem kasama ang mga pastulan ng mga ito.
74 アセル支派の中よりはミシアルとその郊地 アブドンとその郊地
Mula sa tribu ni Asher, natanggap nila ang Masal, Abdon kasama ang mga pastulan ng mga ito,
75 ホコクとその郊地レホブとその郊地
ang Hucoc at Rehob kasama ang mga pastulan ng mga ito.
76 ナフタリの支派の中よりはガリラヤのゲデシとその郊地 ハンモンとその郊地 キリアタイムとその郊地
Mula sa tribu ni Neftali natanggap nila ang Kades sa Galilea, Hamon kasama ang mga pastulan nito, at Kiryataim kasama ang mga pastulan nito.
77 比外の者すなはちメラリの子孫に歸せし者はゼブルンの支派の中よりはリンモンとその郊地 タボルとその郊地
Ibinigay sa mga natitirang Levita na kaapu-apuhan ni Merari ang Rimono at Tabor kasama ang mga pastulan ng mga ito mula sa tribu ni Zebulun.
78 ヱリコに對するヨルダンの彼旁すなはちヨルダンの東においてルベンの支派の中よりは曠野のベゼルとその郊地 ヤザとその郊地
Ibinigay din sa kanila ang kabilang bahagi ng Jordan at Jerico, sa gawing silangan ng ilog, ang Bezer na nasa ilang kasama ang mga pastulan nito, ang Jaza,
79 ケデモテとその郊地 メバアテとその郊地
Kedemot, Mefaat kasama ang mga pastulan ng mga ito. Ibinigay ang mga ito mula sa tribu ni Ruben.
80 ガドの支派の中よりはギレアデのラモテとその郊地 マハナイムとその郊地
Mula sa tribu ni Gad, ibinigay sa kanila ang Ramot sa Gilead, ang Mahanaim kasama ang mga pastulan ng mga ito,
81 ヘシボンとその郊地 ヤゼルとその郊地
ang Hesbon at Hazer kasama ang mga pastulan ng mga ito.

< 歴代誌Ⅰ 6 >