< Filippesi 3 >
1 Del resto, fratelli miei, rallegratevi nel Signore. A me certo non è grave lo scrivervi le medesime cose, e per voi è sicuro.
Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Para sa akin, hindi kaabalahan ang isulat muli ang parehong mga bagay na ito sa inyo. Pananatilihin kayong ligtas ng mga bagay na ito.
2 Guardatevi dai cani, guardatevi dai cattivi operai, guardatevi da quei della mutilazione;
Mag-ingat kayo sa mga asal aso. Mag-ingat kayo sa mga gumagawa ng masama. Mag-ingat kayo sa mga paninira.
3 poiché i veri circoncisi siamo noi, che offriamo il nostro culto per mezzo dello Spirito di Dio, che ci gloriamo in Cristo Gesù, e non ci confidiamo nella carne;
Sapagkat tayo ang pagtutuli. Tayo na sumasamba sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Tayo na ipinagmamalaki si Cristo Jesus at walang anumang pagtitiwala sa laman.
4 benché anche nella carne io avessi di che confidarmi. Se qualcun altro pensa aver di che confidarsi nella carne, io posso farlo molto di più;
Gayunpaman, ako sa aking sarili ay maaaring magkaroon ng pagtitiwala sa laman. Kung iniisip ninuman na siya ay may pagtitiwala sa laman, maaari akong magkaroon ng higit pa.
5 io, circonciso l’ottavo giorno, della razza d’Israele, della tribù di Beniamino, ebreo d’ebrei; quanto alla legge, Fariseo;
Tinuli ako noong ika-walong araw. Ipinanganak ako sa lahi ng Israel, sa lipi ni Benjamin. Ipinanganak akong isang Hebreo ng mga Hebreo. Bilang paggalang sa kautusan, ipinanganak akong isang Pariseo.
6 quanto allo zelo, persecutore della chiesa; quanto alla giustizia che è nella legge, irreprensibile.
Masigasig kong inusig ang iglesiya. Bilang paggalang sa katuwiran ng batas, wala akong sala.
7 Ma le cose che m’eran guadagni, io le ho reputate danno a cagion di Cristo.
Ngunit anumang mga bagay na nagbigay karangalan sa akin, itinuring kong gaya ng mga basura dahil kay Cristo.
8 Anzi, a dir vero, io reputo anche ogni cosa essere un danno di fronte alla eccellenza della conoscenza do Cristo Gesù, mio Signore, per il quale rinunziai a tutte codeste cose e le reputo tanta spazzatura affin di guadagnare Cristo,
Sa katunayan, ngayon ay itinuring ko ang lahat ng bagay na walang kabuluhan dahil sa kahusayan ng kaalaman ni Cristo Jesus na aking Panginoon. Binalewala ko ang lahat ng bagay para sa kaniya. Itinuring kong gaya ng mga basura ang mga ito upang makamtan ko si Cristo
9 e d’esser trovato in lui avendo non una giustizia mia, derivante dalla legge, ma quella che si ha mediante la fede in Cristo; la giustizia che vien da Dio, basata sulla fede;
at matagpuan ako sa kaniya. Wala akong katuwiran sa aking sarili mula sa kautusan. Sa halip, mayroon akong katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwirang mula sa Diyos ayon sa pananampalataya.
10 in guisa ch’io possa conoscere esso Cristo, e la potenza della sua risurrezione, e la comunione delle sue sofferenze, essendo reso conforme a lui nella sua morte,
Kaya ngayon, nais kong makilala siya at ang kapangyarihan ng kaniyang muling pagkabuhay at maging kabahagi sa kaniyang mga pagdurusa. Nais kong mabago sa pamamagitan ni Cristo tungo sa larawan ng kaniyang kamatayan,
11 per giungere in qualche modo alla risurrezione dei morti.
upang kahit papaano maaari kong maranasan ang muling pagkabuhay sa mga patay.
12 Non ch’io abbia già ottenuto il premio o che sia già arrivato alla perfezione; ma proseguo il corso se mai io possa afferrare il premio; poiché anch’io sono stato afferrato da Cristo Gesù.
Hindi totoo na natanggap ko na ang mga bagay na ito, o ako ay naging isang ganap. Ngunit nagsumikap ako upang aking matanggap ang anumang natanggap ko sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
13 Fratelli, io non reputo d’avere ancora ottenuto il premio; ma una cosa fo: dimenticando le cose che stanno dietro e protendendomi verso quelle che stanno dinanzi,
Mga kapatid, hindi ko iniisip na natanggap ko na ito. Ngunit mayroong isang bagay, kinakalimutan ko kung ano ang nakalipas at pinagsisikapan ko kung ano ang nasa hinaharap.
14 proseguo il corso verso la mèta per ottenere il premio della superna vocazione di Dio in Cristo Gesù.
Nagpatuloy ako sa layunin upang makamit ang gantimpala ng pagkatawag ng Diyos, kay Cristo Jesus.
15 Sia questo dunque il sentimento di quanti siamo maturi; e se in alcuna cosa voi sentite altrimenti, Iddio vi rivelerà anche quella.
Lahat tayong mga matatag na, mag-isip tayo sa ganitong paraan. At kung iba ang paraan ng inyong pag-iisip tungkol sa anumang bagay, ipahahayag din iyon ng Diyos sa inyo.
16 Soltanto, dal punto al quale siamo arrivati, continuiamo a camminare per la stessa via.
Gayunpaman, anuman ang ating nakamit, lumakad tayo sa maayos na paraang naaayon dito.
17 Siate miei imitatori, fratelli, e riguardate a coloro che camminano secondo l’esempio che avete in noi.
Tularan ninyo ako, mga kapatid. Tingnan ninyong mabuti ang mga lumalakad sa pamamagitan ng mga halimbawang mayroon kayo sa amin.
18 Perché molti camminano (ve l’ho detto spesso e ve lo dico anche ora piangendo), da nemici della croce di Cristo;
Marami ang lumalakad, sila ang mga madalas kong sinasabi sa inyo, at ngayon sinasabi ko sa inyo na may kasamang pagluha—marami ang lumalakad bilang mga kaaway ng krus ni Cristo.
19 la fine de’ quali è la perdizione, il cui dio è il ventre, e la cui gloria è in quel che torna a loro vergogna; gente che ha l’animo alle cose della terra.
Kapahamakan ang kanilang patutunguhan. Sapagkat ang diyos nila ay ang kanilang sikmura, at ang kanilang pagmamalaki ay nasa kanilang kahihiyan. Iniisip nila ang tungkol sa mga makamundong bagay.
20 Quanto a noi, la nostra cittadinanza è ne’ cieli, d’onde anche aspettiamo come Salvatore il Signor Gesù Cristo,
Ngunit ang ating pagkamamamayan ay sa langit, kung saan naghihintay rin tayo sa isang tagapagligtas na ang Panginoong Jesu-Cristo.
21 il quale trasformerà il corpo della nostra umiliazione rendendolo conforme al corpo della sua gloria, in virtù della potenza per la quale egli può anche sottoporsi ogni cosa.
Babaguhin niya ang ating mga katawang lupa upang maging mga katawang binuo gaya ng kaniyang maluwalhating katawan, binuo sa pamamagitan ng lakas ng kaniyang kapangyarihan upang mapasailalim sa kaniya ang lahat ng bagay.