< Geremia 28 >
1 In quell'anno, all'inizio del regno di Sedecìa re di Giuda, nell'anno quarto, quinto mese, Anania figlio di Azzùr, il profeta di Gàbaon, mi riferì nel tempio del Signore sotto gli occhi dei sacerdoti e di tutto il popolo queste parole:
Nangyari ito sa taong iyon, sa simula ng paghahari ni Zedekias na hari ng Juda, sa ika-apat na taon at sa ika-limang buwan, si Ananias na anak ni Azur na propeta, na mula sa Gibeon ay nagsalita sa akin sa tahanan ni Yahweh sa harap ng mga pari at sa lahat ng mga tao. Sinabi niya,
2 «Dice il Signore degli eserciti, Dio di Israele: Io romperò il giogo del re di Babilonia!
Si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito: Binali ko ang pamatok na ipinataw ng hari ng Babilonia.
3 Entro due anni farò ritornare in questo luogo tutti gli arredi del tempio del Signore che Nabucodònosor, re di Babilonia, prese da questo luogo e portò in Babilonia.
Sa loob ng dalawang taon ibabalik ko sa lugar na ito ang lahat ng mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh na kinuha ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia mula sa lugar na ito at dinala sa Babilonia.
4 Farò ritornare in questo luogo - dice il Signore - Ieconia figlio di Ioiakìm, re di Giuda, con tutti i deportati di Giuda che andarono a Babilonia, poiché romperò il giogo del re di Babilonia».
At ibabalik ko sa lugar na ito si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda at lahat ng mga bihag ng Juda na ipinadala sa Babilonia, sapagkat sisirain ko ang pamatok ng hari ng Babilonia.” Ito ang pahayag ni Yahweh.
5 Il profeta Geremia rispose al profeta Anania, sotto gli occhi dei sacerdoti e di tutto il popolo che stavano nel tempio del Signore.
Kaya nagsalita si Jeremias na propeta kay Ananias na propeta sa harap ng mga pari at sa lahat ng mga taong nakatayo sa tahanan ni Yahweh.
6 Il profeta Geremia disse: «Così sia! Così faccia il Signore! Voglia il Signore realizzare le cose che hai predette, facendo ritornare gli arredi nel tempio e tutti i deportati da Babilonia in questo luogo!
Sinabi ni Jeremias na propeta, “Gawin nawa ito ni Yahweh! Patunayan nawa ni Yahweh ang mga salita na iyong ipinahayag at ibalik sa lugar na ito ang mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh at ang lahat ng mga bihag mula sa Babilonia.
7 Tuttavia ascolta ora la parola che sto per dire ai tuoi orecchi e agli orecchi di tutto il popolo.
Gayunpaman, makinig sa mga salita na aking ipapahayag sa inyong pandinig at sa pandinig ng lahat ng mga tao.
8 I profeti che furono prima di me e di te dai tempi antichissimi predissero contro molti paesi, contro regni potenti, guerra, fame e peste.
Ang mga propeta na nauna sa akin at sa inyo matagal ng panahon ang lumipas ay nagpahayag din tungkol sa maraming bansa at laban sa mga dakilang kaharian, tungkol sa digmaan, tag-gutom at salot.
9 Quanto al profeta che predice la pace, egli sarà riconosciuto come profeta mandato veramente dal Signore soltanto quando la sua parola si realizzerà».
Kaya ang propetang nagpapahayag na magkakaroon ng kapayapaan, kung magkakatotoo ang kaniyang sinabi, kung gayon malalaman na tunay siyang propeta na isinugo ni Yahweh.”
10 Allora il profeta Anania strappò il giogo dal collo del profeta Geremia e lo ruppe;
Ngunit kinuha ni Ananias na propeta ang pamatok sa leeg ni Jeremias na propeta at binali ito.
11 Anania riferì a tutto il popolo: «Dice il Signore: A questo modo io romperò il giogo di Nabucodònosor re di Babilonia, entro due anni, sul collo di tutte le nazioni». Il profeta Geremia se ne andò per la sua strada.
At nagsalita si Ananias sa harap ng lahat ng tao at sinabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh, Katulad lamang nito, sa loob ng dalawang taon babaliin ko mula sa leeg ng bawat bansa ang pamatok na ipinataw ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia.” At nagpatuloy sa kaniyang daan si Jeremias na propeta.
12 Ora, dopo che il profeta Anania ebbe rotto il giogo sul collo del profeta Geremia, la parola del Signore fu rivolta a Geremia:
Pagkatapos baliin ni Ananias na propeta ang pamatok mula sa leeg ni Jeremias na propeta, ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jeremias at sinabi,
13 «Và e riferisci ad Anania: Così dice il Signore: Tu hai rotto un giogo di legno ma io, al suo posto, ne farò uno di ferro.
“Pumunta ka at magsalita kay Ananias at sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: binali mo ang pamatok na kahoy, ngunit, sa halip gagawa ako ng pamatok na bakal.”
14 Infatti, dice il Signore degli eserciti, Dio di Israele: Io porrò un giogo di ferro sul collo di tutte queste nazioni perché siano soggette a Nabucodònosor, re di Babilonia».
Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito: Inilagay ko ang pamatok na bakal sa leeg ng lahat ng mga bansang ito upang paglingkuran si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at maglilingkod sila sa kaniya. Ibinigay ko rin sa kaniya ang mababangis na hayop sa mga parang upang pamunuan.”
15 Allora il profeta Geremia disse al profeta Anania: «Ascolta, Anania! Il Signore non ti ha mandato e tu induci questo popolo a confidare nella menzogna;
Sumunod na sinabi ni Jeremias na propeta kay Ananias na propeta, “Makinig ka Ananias! hindi ka sinugo ni Yahweh, ngunit ikaw mismo ang naging dahilan upang maniwala sa kasinungalingan ang mga taong ito.
16 perciò dice il Signore: Ecco, ti mando via dal paese; quest'anno tu morirai, perché hai predicato la ribellione contro il Signore».
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo palalayasin na kita sa mundong ito. Mamamatay ka sa taon na ito, yamang ipinahayag mo ang paghihimagsik laban kay Yahweh.”
17 Il profeta Anania morì in quello stesso anno, nel settimo mese.
At namatay si Ananias na propeta sa ika-pitong buwan sa taong iyon.