< Isaia 8 >
1 Il Signore mi disse: «Prenditi una grande tavoletta e scrivici con caratteri ordinari: A Mahèr-salàl-cash-baz ».
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Kumuha ka ng malapad na bato at iukit mo dito ang, 'Maher Shalal Has Baz.'
2 Io mi presi testimoni fidati, il sacerdote Uria e Zaccaria figlio di Iebarachìa.
Tatawag ako ng mga tapat na mga saksi para magpatotoo para sa akin, ang paring si Urias, at Zacarias na anak ni Jeberequias.”
3 Poi mi unii alla profetessa, la quale concepì e partorì un figlio. Il Signore mi disse: «Chiamalo Mahèr-salàl-cash-baz,
Pumunta ako sa babaeng propeta, at siya ay nagbuntis at nagsilang ng anak na lalaki. At sinabi sa akin ni Yahweh, “Pangalanan mo siyang Maher Shalal Has Baz.”
4 poiché, prima che il bambino sappia dire babbo e mamma, le ricchezze di Damasco e le spoglie di Samaria saranno portate davanti al re di Assiria».
Sapagkat bago pa lang matutong sumigaw ang bata ng 'Aking tatay' at 'Aking nanay,' ang kayamanan ng Damasco at ang nasamsam ng Samaria ay dadalhin ng hari ng Asiria.
5 Il Signore mi disse di nuovo:
Nangusap muli si Yahweh sa akin,
6 «Poiché questo popolo ha rigettato le acque di Siloe, che scorrono piano, e trema per Rezìn e per il figlio di Romelia,
“Dahil tinanggihan ng mga tao ang banayad na tubig ng Shiloah, at masaya pa sila kay Rezin at sa anak ni Remalias,
7 per questo, ecco, il Signore gonfierà contro di loro le acque del fiume, impetuose e abbondanti: cioè il re assiro con tutto il suo splendore, irromperà in tutti i suoi canali e strariperà da tutte le sue sponde.
kaya ipapadala sa kanila ng Panginoon ang mga tubig ng Ilog, malakas at marami, ang hari ng Asiria at ang lahat ng kaniyang kaluwalhatian. Dadaloy sa lahat ng mga kanal nito at aapaw sa mga pampang,
8 Penetrerà in Giuda, lo inonderà e lo attraverserà fino a giungere al collo. Le sue ali distese copriranno tutta l'estensione del tuo paese, Emmanuele.
at palulubugin nito ang Juda, babaha at aagos, hanggang sa umabot ito sa inyong mga leeg. Ang kaniyang nakabukang mga pakpak ang tatabon sa buong lupain, Immanuel.”
9 Sappiatelo, popoli: sarete frantumati; ascoltate voi tutte, nazioni lontane, cingete le armi e sarete frantumate.
Madudurog kayong mga tao ng pira-piraso. Makinig, kayong malalayong bansa: maghanda kayo para sa digmaan at kayo ay dudurugin ng pira-piraso. Ihanda ang inyong sarili at kayo ay dudurugin.
10 Preparate un piano, sarà senza effetti; fate un proclama, non si realizzerà, perché Dio è con noi».
Gumawa kayo ng plano, pero hindi ito maisasakatuparan; magbigay kayo ng utos pero hindi ito susundin, dahil ang Diyos ay kasama namin.
11 Poiché così il Signore mi disse, quando mi aveva preso per mano e mi aveva proibito di incamminarmi nella via di questo popolo:
Nangusap sa akin si Yahweh, ang kaniyang makapangyarihang kamay ay nasa akin, at binalaan akong huwag sumunod sa pamumuhay ng mga taong ito.
12 «Non chiamate congiura ciò che questo popolo chiama congiura, non temete ciò che esso teme e non abbiate paura».
Huwag ninyong tawaging pagsasabwatan ang alinmang tinuturing na pagsasabwatan ng mga taong ito; huwag kang matakot sa kinakatakutan nila, at huwag kang magpasindak.
13 Il Signore degli eserciti, lui solo ritenete santo. Egli sia l'oggetto del vostro timore, della vostra paura.
Si Yahweh ng mga hukbo, pararangalan ninyo siya bilang banal, katatakutan ninyo siya, at siya ang dapat ninyong pangambahan.
14 Egli sarà laccio e pietra d'inciampo e scoglio che fa cadere per le due case di Israele, laccio e trabocchetto per chi abita in Gerusalemme.
Siya ay magiging santuaryo; pero siya ay tulad ng isang bato na tatama sa kanila, at isang malaking bato na makakapagpatumba sa dalawang bahay ng Israel. At siya ay magiging patibong at silo sa mamamayan ng Jersusalem.
15 Tra di loro molti inciamperanno, cadranno e si sfracelleranno, saranno presi e catturati.
Marami ang matitisod dito, madadapa at masisira, masisilo at mabibihag.
16 Si chiuda questa testimonianza, si sigilli questa rivelazione nel cuore dei miei discepoli.
Ibalumbon mo ang aking patotoo, selyuhan ang opisyal na tala, at ibigay ito sa aking mga alagad.
17 Io ho fiducia nel Signore, che ha nascosto il volto alla casa di Giacobbe, e spero in lui.
Maghihintay ako kay Yahweh, siya na itinatago ang kaniyang mukha mula sa bahay ni Jacob; maghihintay ako sa kaniya.
18 Ecco, io e i figli che il Signore mi ha dato, siamo segni e presagi per Israele da parte del Signore degli eserciti, che abita sul monte Sion.
Tingnan, ako at ang mga anak na lalaki na binigay sa akin ni Yahweh ang magsisilbing tanda at himala sa Israel mula kay Yahweh ng mga Hukbo, na nananahan sa Bundok ng Sion.
19 Quando vi diranno: «Interrogate gli spiriti e gli indovini che bisbigliano e mormorano formule. Forse un popolo non deve consultare i suoi dei? Per i vivi consultare i morti?»,
Sasabihan ka nila, “Kumunsulta ka sa mga manghuhula at mga salamangkero,” silang mga nagsasambit at bumubulong ng mga dasal. Pero hindi ba dapat sa Diyos kumukunsulta ang mga tao? Mas nararapat bang konsultahin nila ang patay para sa mga nabubuhay?
20 attenetevi alla rivelazione, alla testimonianza. Certo, faranno questo discorso che non offre speranza d'aurora.
Kaya inyong ituon ang inyong atensyon sa batas at patotoo! Kapag hindi nila sinabi ang bagay na ito, ito ay dahil wala silang liwanag ng umaga.
21 Egli si aggirerà nel paese oppresso e affamato, e, quando sarà affamato e preso dall'ira, maledirà il suo re e il suo dio. Guarderà in alto
Sila ay maglalakbay sa lupain na naghihirap at nagugutom. Kapag sila ay nagutom, magagalit sila at susumpain nila ang kanilang hari at ang Diyos, habang sila ay nakatingala.
22 e rivolgerà lo sguardo sulla terra ed ecco angustia e tenebre e oscurità desolante. Ma la caligine sarà dissipata,
Pagmamasdan nila ang lupa at makikita ang paghihirap, kadiliman at mapang-aping kalungkutan. Sila ay itataboy tungo sa lupain ng kadiliman.