< Ezechiele 47 >
1 Mi condusse poi all'ingresso del tempio e vidi che sotto la soglia del tempio usciva acqua verso oriente, poiché la facciata del tempio era verso oriente. Quell'acqua scendeva sotto il lato destro del tempio, dalla parte meridionale dell'altare.
At dinala ako ng lalaki pabalik sa pasukan ng templo at masdan ninyo! Umaagos ang tubig mula sa ilalim ng bungad ng tahanan ng templo sa gawing silangan, sapagkat nakaharap sa silangan ang harapan ng templo at umaagos ang tubig sa gawing timog ng templo, sa may kanan ng altar.
2 Mi condusse fuori dalla porta settentrionale e mi fece girare all'esterno fino alla porta esterna che guarda a oriente, e vidi che l'acqua scaturiva dal lato destro.
Kaya dinala niya ako palabas sa hilagang tarangkahan at hinatid sa palibot ng tarangkahan na nakaharap sa silangan. Masdan ninyo, umaagos ang tubig mula sa tarangkahang ito sa gawing timog nito.
3 Quell'uomo avanzò verso oriente e con una cordicella in mano misurò mille cubiti, poi mi fece attraversare quell'acqua: mi giungeva alla caviglia.
Habang naglalakad ang lalaki patungong silangan, mayroong isang panukat na lubid sa kaniyang kamay, sumukat siya ng isang libong siko at dinala ako sa tubig na hanggang bukung-bukong ang lalim.
4 Misurò altri mille cubiti, poi mi fece attraversare quell'acqua: mi giungeva al ginocchio. Misurò altri mille cubiti, poi mi fece attraversare l'acqua: mi giungeva ai fianchi.
At sumukat siyang muli ng isang libong siko at dinala ako sa tubig na hanggang tuhod ang lalim at sumukat siya muli ng isang libong siko at dinala ako sa tubig na hanggang balakang ang lalim.
5 Ne misurò altri mille: era un fiume che non potevo attraversare, perché le acque erano cresciute, erano acque navigabili, un fiume da non potersi passare a guado.
Pagkatapos sumukat pa siya ng isang libong siko ng mas malayo, dito isa na itong ilog na hindi ko kayang tawirin, napakalalim nito. Kailangan lamang itong languyin ng sinuman.
6 Allora egli mi disse: «Hai visto, figlio dell'uomo?». Poi mi fece ritornare sulla sponda del fiume;
Sinabi sa akin ng lalaki: “Anak ng tao, nakikita mo ba ito?” at dinala niya ako palabas at sinamahan ako sa paglalakad pabalik sa tabing-ilog.
7 voltandomi, vidi che sulla sponda del fiume vi era un grandissima quantità di alberi da una parte e dall'altra.
Habang naglalakad ako pabalik, masdan ninyo, mayroon ng maraming puno sa bahaging ito ng tabing-ilog at pati na rin sa kabilang bahagi.
8 Mi disse: «Queste acque escono di nuovo nella regione orientale, scendono nell'Araba ed entrano nel mare: sboccate in mare, ne risanano le acque.
Sinabi ng lalaki sa akin: “Ang tubig na ito ay lalabas sa lupaing sakop ng silangan at bababa sa Araba, dadaloy ang tubig na ito sa Dagat na Maalat at maibabalik ang kasariwaan nito.
9 Ogni essere vivente che si muove dovunque arriva il fiume, vivrà: il pesce vi sarà abbondantissimo, perché quelle acque dove giungono, risanano e là dove giungerà il torrente tutto rivivrà.
Nag-uumpukan ang bawat nabubuhay na nilalang kung saan pumupunta ang tubig, magkakaroon ng maraming isda sapagkat dumadaloy roon ang mga tubig na ito. Gagawin nitong sariwa ang tubig alat. Mabubuhay ang lahat kung saan dumadaloy ang ilog.
10 Sulle sue rive vi saranno pescatori: da Engàddi a En-Eglàim vi sarà una distesa di reti. I pesci, secondo le loro specie, saranno abbondanti come i pesci del Mar Mediterraneo.
At mangyayari na tatayo sa tabi ng tubig ang mga mangingisda ng En-gedi at magkakaroon ng isang lugar na patuyuan ng mga lambat sa En-eglaim. Magkakaroon ng maraming uri ng isda sa Dagat na Maalat, tulad ng isda sa Malaking Dagat para sa kanilang kasaganaan.
11 Però le sue paludi e le sue lagune non saranno risanate: saranno abbandonate al sale.
Ngunit hindi magiging sariwa ang mga latian at mga ilat ng Dagat na Maalat, ito ang mga magiging tagapagbigay ng asin.
12 Lungo il fiume, su una riva e sull'altra, crescerà ogni sorta di alberi da frutto, le cui fronde non appassiranno: i loro frutti non cesseranno e ogni mese matureranno, perché le loro acque sgorgano dal santuario. I loro frutti serviranno come cibo e le foglie come medicina».
Sa tabi ng ilog sa mga pampang nito, sa magkabilang dako, tutubo ang lahat ng uri ng puno na nakakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito at hindi kailanman titigil sa pamumunga ang mga ito. Mamumunga ang mga puno sa bawat buwan, yamang nanggaling sa Santuwaryo ang tubig ng mga ito. Magiging pagkain ang mga bunga nito at magiging gamot ang mga dahon nito.
13 Dice il Signore Dio: «Questi saranno i confini della terra che spartirete fra le dodici tribù d'Israele, dando a Giuseppe due parti.
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ito ang magiging paraan ng paghati ninyo sa lupain para sa labin-dalawang tribo ng Israel: Magkakaroon ng dalawang bahagi si Jose.
14 Ognuno di voi possederà come l'altro la parte di territorio che io alzando la mano ho giurato di dare ai vostri padri: questa terra sarà in vostra eredità.
At ikaw, bawat tao at kapatid na lalaki sa inyo ang magmamana nito. Gaya ng pagtaas ko ng aking kamay upang sumumpang ibigay ito sa inyong mga ama, sa parehong paraan na itong lupain ang naging inyong mana.
15 Ecco dunque quali saranno i confini del paese. A settentrione, dal Mar Mediterraneo lungo la via di Chetlòn fino a Zedàd;
Ito ang magiging hangganan ng lupain sa hilagang bahagi mula sa Malaking Dagat papuntang Hetlon at sa Lebo Hamat hanggang Sedad.
16 il territorio di Amat, Berotà, Sibràim, che è fra il territorio di Damasco e quello di Amat, Cazer-Ticòn, che è sulla frontiera di Hauràn.
At ang hangganan ay aabot sa Berota hanggang Sibraim na nasa pagitan ng Damasco at Hamat, hanggang Haser-hatticon na malapit sa hangganan ng Hauran.
17 Quindi la frontiera si estenderà dal mare fino a Cazer-Enòn, con il territorio di Damasco e quello di Amat a settentrione. Questo il lato settentrionale.
Kaya ang hangganan ay aabot mula sa dagat hanggang Hazar-enon sa hangganan ng Damasco at Hamat hanggang sa hilaga. Ito ang magiging hilagang bahagi.
18 A oriente, fra l'Hauràn, Damasco e Gàlaad e il paese d'Israele, sarà di confine il Giordano, fino al mare orientale, e verso Tamàr. Questo il lato orientale.
Sa silangang bahagi, sa pagitan ng Hauran at Damasco at sa pagitan ng Gilead at sa lupain ng Israel ang magiging Ilog Jordan. Aabot hanggang sa Tamar ang hangganang ito.
19 A mezzogiorno, da Tamàr fino alle acque di Meriba-Kadès, fino al torrente verso il Mar Mediterraneo. Questo il lato meridionale verso il Negheb.
At ang bahaging timog: sa timog ng Tamar hanggang sa katubigan ng Meriba-kades, ang batis sa Egipto hanggang sa Malaking Dagat at sa katimugang bahagi patungo sa timog.
20 A occidente, il Mar Mediterraneo, dal confine sino davanti all'ingresso di Amat. Questo il lato occidentale.
At ang hangganan ng kanluranin ay ang Malaking Dagat hanggang sa kung saan pumupunta ito sa kabila ng Hamat. Ito ang magiging kanluraning bahagi.
21 Vi spartirete questo territorio secondo le tribù d'Israele.
Sa ganitong paraan ninyo hahatiin ang lupaing ito para sa inyong mga sarili, para sa mga tribo ng Israel.
22 Lo dividerete in eredità fra voi e i forestieri che abitano con voi, i quali hanno generato figli in mezzo a voi; questi saranno per voi come indigeni fra gli Israeliti e tireranno a sorte con voi la loro parte in mezzo alle tribù d'Israele.
At mangyayari na magpapalabunutan kayo para sa mga mana para sa inyong mga sarili at para sa mga dayuhan na nasa inyong kalagitnaan, ang mga nagsilang ng mga bata sa inyong kalagitnaan at nakasama ninyo, tulad ng mga katutubong naipanganak na mga tao ng Israel. Magpapalabunutan kayo para sa mga mana sa mga tribo ng Israel.
23 Nella tribù in cui lo straniero è stabilito, là gli darete la sua parte». Parola del Signore Dio.
At mangyayari na makakasama ng dayuhan ang tribo kung saan siya nakikitira. Dapat ninyo siyang bigyan ng mana. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”