< Esodo 25 >
1 Il Signore disse a Mosè:
Sinabi ni Yahweh kay Moises,
2 «Ordina agli Israeliti che raccolgano per me un'offerta. La raccoglierete da chiunque sia generoso di cuore.
“Sabihin sa mga Israelita na kumuha ng isang handog para sa akin mula sa bawat tao na hinikayat ng maluwag sa kalooban. Dapat ninyong tanggapin ang mga handog na ito para sa akin.
3 Ed ecco che cosa raccoglierete da loro come contributo: oro, argento e rame,
Ito ang mga handog na dapat ninyong tanggapin mula sa kanila: ginto, pilak, at tanso;
4 tessuti di porpora viola e rossa, di scarlatto, di bisso e di pelo di capra,
asul, lila, at matingkad na pulang lana; pinong lino; mga buhok ng kambing;
5 pelle di montone tinta di rosso, pelle di tasso e legno di acacia,
mga tininang pulang balat ng lalaking tupa at balat ng hayop na nakatira sa dagat; kahoy ng akasya;
6 olio per il candelabro, balsami per unguenti e per l'incenso aromatico,
langis para sa mga ilawan ng santuwaryo; pampalasa para sa langis na pangpahid at ang mahalimuyak na insenso;
7 pietre di ònice e pietre da incastonare nell' efod e nel pettorale.
mga oniks na bato at ibang mga mamahaling bato na ilalagay sa epod at baluti.
8 Essi mi faranno un santuario e io abiterò in mezzo a loro.
Hayaan silang gumawa ng isang santuwaryo para manirahan ako sa gitna nila.
9 Eseguirete ogni cosa secondo quanto ti mostrerò, secondo il modello della Dimora e il modello di tutti i suoi arredi.
Dapat ninyong gawin ito ng ganap habang ipinapakita ko sa iyo ang mga plano para sa tabernakulo at sa lahat nitong kagamitan.
10 Faranno dunque un'arca di legno di acacia: avrà due cubiti e mezzo di lunghezza, un cubito e mezzo di larghezza, un cubito e mezzo di altezza.
Sila ay gagawa ng isang kaban ng kahoy na akasya. Ang haba dapat nito ay dalawa at kalahating mga kubit; ang lapad nito ay magiging isang kubit at kalahati; at ang taas nito ay magiging isang kubit at kalahati.
11 La rivestirai d'oro puro: dentro e fuori la rivestirai e le farai intorno un bordo d'oro.
Dapat mo itong balutin sa loob at labas sa purong ginto, at dapat mo itong gawan ng isang hangganang ginto sa paligid ng ibabaw nito.
12 Fonderai per essa quattro anelli d'oro e li fisserai ai suoi quattro piedi: due anelli su di un lato e due anelli sull'altro.
Dapat kayong magmolde ng apat na gintong argolya para rito, at ilagay sila sa apat na paanan ng kaban, kasama ang dalawang argolya sa isang gilid nito, at dalawang argolya sa ibang gilid.
13 Farai stanghe di legno di acacia e le rivestirai d'oro.
Dapat kayong gumawa ng mga baras ng kahoy na akasya at balutan ito ng ginto.
14 Introdurrai le stanghe negli anelli sui due lati dell'arca per trasportare l'arca con esse.
Dapat ninyong ilagay ang mga baras doon sa mga argolya sa mga gilid ng kaban, para madala ang kaban.
15 Le stanghe dovranno rimanere negli anelli dell'arca: non verranno tolte di lì.
Ang mga baras ay dapat manatili sa mga argolya ng kaban; hindi dapat sila kunin mula rito.
16 Nell'arca collocherai la Testimonianza che io ti darò.
Dapat ninyong ilagay sa kaban ang tipan ng kautusan na ibibigay ko sa inyo.
17 Farai il coperchio, o propiziatorio, d'oro puro; avrà due cubiti e mezzo di lunghezza e un cubito e mezzo di larghezza.
Dapat kayong gumawa ng takip ng isang luklukan ng awa ng purong ginto. Ang haba nito ay dapat dalawa at kalahating mga kubit, at ang lapad nito ay dapat isang kubit at kalahati.
18 Farai due cherubini d'oro: li farai lavorati a martello sulle due estremità del coperchio.
Dapat kayong gumawa ng dalawang kerubin ng gintong pinanday para sa dalawang mga dulo ng takip ng luklukan ng awa.
19 Fà un cherubino ad una estremità e un cherubino all'altra estremità. Farete i cherubini tutti di un pezzo con il coperchio alle sue due estremità.
Gumawa ng isang kerubin para sa isang dulo ng takip ng luklukan ng awa, at ang ibang kerubin para sa kabilang dulo. Sila ay dapat maging gawa bilang isang baluti kasama ang takip ng luklukan ng awa.
20 I cherubini avranno le due ali stese di sopra, proteggendo con le ali il coperchio; saranno rivolti l'uno verso l'altro e le facce dei cherubini saranno rivolte verso il coperchio.
Nakabuka dapat ang mga pakpak ng kerubin pataas at nilukuban ang takip ng luklukan ng awa sa pagitan nila. Ang kerubin ay dapat nakaharap sa isat-isa at nakatingin patungo sa gitna ng takip ng luklukan ng awa.
21 Porrai il coperchio sulla parte superiore dell'arca e collocherai nell'arca la Testimonianza che io ti darò.
Dapat ninyong ilagay ang takip ng luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban, at dapat ninyong ilagay sa kaban ang tipan ng kautusan na ibibigay ko sa iyo.
22 Io ti darò convegno appunto in quel luogo: parlerò con te da sopra il propiziatorio, in mezzo ai due cherubini che saranno sull'arca della Testimonianza, ti darò i miei ordini riguardo agli Israeliti.
Ito ang kaban na kung saan ako ay makikipagkita sa iyo. Makikipag-usap ako sa iyo mula sa aking kinalalagyan sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa. Ito ay magmula sa pagitan ng dalawang kerubin sa ibabaw ng kaban ng patunay na ako ay makikipag-usap sa iyo tungkol sa lahat ng mga utos na ibibigay ko sa iyo para sa mga Israelita.
23 Farai una tavola di legno di acacia: avrà due cubiti di lunghezza, un cubito di larghezza, un cubito e mezzo di altezza.
Dapat kayong gumawa ng isang mesa ng kahoy na akasya. Ang haba nito ay dapat dalawang kubit; ang lapad nito ay dapat isang kubit, at ang taas nito ay dapat isang kubit at kalahati.
24 La rivestirai d'oro puro e le farai intorno un bordo d'oro.
Dapat balutan ninyo ito ng purong ginto at lagyan ng gintong dulo sa paligid ng ibabaw.
25 Le farai attorno una cornice di un palmo e farai un bordo d'oro per la cornice.
Dapat kayong gumawa ng isang kalakip na balangkas para dito na may isang dangkal ang lapad, kasama ng kalakip na hangganan na ginto para sa balangkas.
26 Le farai quattro anelli d'oro e li fisserai ai quattro angoli che costituiranno i suoi quattro piedi.
Dapat gumawa kayo para dito ng apat na argolya na ginto at ikabit ang mga argolya sa apat na kanto, na kung saan ang apat na paa ay naroon.
27 Gli anelli saranno contigui alla cornice e serviranno a inserire le stanghe destinate a trasportare la tavola.
Ang mga argolya ay dapat nakakabit sa gilid para magbigay ng mga lugar para sa mga baras, nang sa gayon ay mabubuhat ang mesa.
28 Farai le stanghe di legno di acacia e le rivestirai d'oro; con esse si trasporterà la tavola.
Dapat kayong gumawa ng mga baras galing sa kahoy na akasya at balutan sila ng ginto para ang mesa ay maaaring buhatin nila.
29 Farai anche i suoi accessori, piatti, coppe, anfore e tazze per le libazioni: li farai d'oro puro.
Dapat kayong gumawa ng mga pinggan, mga kutsara, mga pitsel, at mga mangkok para gamitin sa pagbuhos ng inuming mga handog. Dapat gawin ninyo sila ng purong ginto.
30 Sulla tavola collocherai i pani dell'offerta: saranno sempre alla mia presenza.
Dapat palagi ninyong ilagay ang tinapay ng presensya sa mesa na nasa harapan ko.
31 Farai anche un candelabro d'oro puro. Il candelabro sarà lavorato a martello, il suo fusto e i suoi bracci; i suoi calici, i suoi bulbi e le sue corolle saranno tutti di un pezzo.
Dapat kayong gumawa ng isang ilawan ng purong gintong pinanday. Ang ilawan ay gagawin na may paanan at poste. Ang mga tasa nito, ang mga madahong paanan, at ang mga bulaklak nito ay gawa lahat sa isang pirasong kalakip nito.
32 Sei bracci usciranno dai suoi lati: tre bracci del candelabro da un lato e tre bracci del candelabro dall'altro lato.
Anim na mga sanga na dapat pahabain palabas mula sa mga gilid nito-tatlong mga sanga na dapat pahabain mula sa isang gilid, at tatlong mga sanga ng ilawan ay dapat pahabain mula sa kabilang gilid.
33 Vi saranno su di un braccio tre calici in forma di fiore di mandorlo, con bulbo e corolla e così anche sull'altro braccio tre calici in forma di fiore di mandorlo, con bulbo e corolla. Così sarà per i sei bracci che usciranno dal candelabro.
Ang unang sanga ay dapat may tatlong mga tasa na ginawa katulad ng almendro na mga bulaklak, kasama ang isang madahong paanan at isang bulaklak, at tatlong mga tasa ginawa na katulad ng almendro na mga bulaklak na nasa ibang sanga, kasama ang isang madahong paanan at isang bulaklak. Dapat kapareho ito sa lahat ng anim na sanga na hahaba palabas mula sa ilawan.
34 Il fusto del candelabro avrà quattro calici in forma di fiore di mandorlo, con i loro bulbi e le loro corolle:
Sa sariling ilawan, ang gitnang katawan ng poste, apat dapat ang mga tasang gawa tulad ng almendro na mga bulaklak, kasama ng kanilang madahong paanan at ang mga bulaklak.
35 un bulbo sotto i due bracci che si dipartano da esso e un bulbo sotto gli altri due bracci e un bulbo sotto i due altri bracci che si dipartano da esso; così per tutti i sei bracci che escono dal candelabro.
Dapat may isang madahong paanan sa unang pares ng mga sanga—gawa bilang isang piraso na kasama nito, at ang isang madahong paanan sa ilalim ng pangalawang pares ng mga sanga—ginawa rin bilang isang piraso kasama nito. Sa parehong paraan dapat mayroong isang madahong paanan sa ilalim ng pangatlong pares ng mga sanga, ginawa bilang isang piraso na kasama nito. Ito ay dapat kapareho ng lahat ng anim na sanga na palabas mula sa ilawan.
36 I bulbi e i relativi bracci saranno tutti di un pezzo: il tutto sarà formato da una sola massa d'oro puro lavorata a martello.
Ang kanilang mga madahong paanan at mga sanga ay dapat maging isang piraso kasama nito, isang piraso ng pinalong yari sa purong ginto.
37 Farai le sue sette lampade: vi si collocheranno sopra in modo da illuminare lo spazio davanti ad esso.
Dapat kayong gumawa ng ilawan at ang pitong ilaw nito, at ilagay ang mga ilaw nito para sila ay magbigay ng liwanag mula dito.
38 I suoi smoccolatoi e i suoi portacenere saranno d'oro puro.
Ang mga sipit at ang kanilang mga bandeha ay dapat ginawa sa purong ginto.
39 Lo si farà con un talento di oro puro, esso con tutti i suoi accessori.
Gumamit ng isang talentong purong ginto na ang timbang ay 34 kilo sa paggawa ng ilawan at mga kagamitan nito.
40 Guarda ed eseguisci secondo il modello che ti è stato mostrato sul monte.
Siguraduhin na gagawin sila mula sa modelo na ipinapakita sa inyo sa ibabaw ng bundok.