< Deuteronomio 32 >

1 «Ascoltate, o cieli: io voglio parlare: oda la terra le parole della mia bocca!
Ibigay ang inyong mga tainga, kayong kalangitan, at hayaan akong magsalita. Hayaan ang mundo na makinig sa mga salita ng aking bibig.
2 Stilli come pioggia la mia dottrina, scenda come rugiada il mio dire; come scroscio sull'erba del prato, come spruzzo sugli steli di grano.
Hayaan ang aking katuruan ay pumatak na parang ulan, hayaan ang aking talumpati ay dumalisay na parang hamog, gaya ng mahinang ulan sa malambot na damo, at gaya ng ulan sa mga halaman.
3 Voglio proclamare il nome del Signore: date gloria al nostro Dio!
Dahil ipapayahag ko ang pangalan ni Yahweh, at ang tungkol ang kadakilaan sa ating Diyos.
4 Egli è la Roccia; perfetta è l'opera sua; tutte le sue vie sono giustizia; è un Dio verace e senza malizia; Egli è giusto e retto.
Ang Batong tanggulan, ang kaniyang ganap na gawa; dahil ang lahat ng kaniyang landas ay husto. Siya ang matapat na Diyos na siyang walang kasamaan. Siya ay makatarungan at matuwid.
5 Peccarono contro di lui i figli degeneri, generazione tortuosa e perversa.
Kumilos sila ng masama laban sa kaniya. Sila ay hindi niya mga anak. Ito ay kanilang kahihiyan. Sila ay isang makasalanan at manlilinlang na salinlahi.
6 Così ripaghi il Signore, o popolo stolto e insipiente? Non è lui il padre che ti ha creato, che ti ha fatto e ti ha costituito?
Gagantimpalaan ba ninyo si Yahweh sa ganitong paraan, kayong mga hangal at walang damdaming mga tao? Hindi ba siya ang inyong ama, ang nag-iisang lumikha sa inyo? Na siyang lumikha sa inyo?
7 Ricorda i giorni del tempo antico, medita gli anni lontani. Interroga tuo padre e te lo farà sapere, i tuoi vecchi e te lo diranno.
Isaisip ang mga araw ng sinaunang panahon, isipin ang tungkol sa maraming taong lumipas. Tanungin ang inyong ama at ipapakita niya sa inyo, ang inyong mga nakakatanda at sasabihin nila sa inyo.
8 Quando l'Altissimo divideva i popoli, quando disperdeva i figli dell'uomo, egli stabilì i confini delle genti secondo il numero degli Israeliti.
Nang ibinigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang pamana—nang hinati niya ang lahat ng sangkatauhan, at itinakda niya ang mga hangganan ng mga tao, itinakda rin niya ang bilang ng kanilang mga diyus-diyosan.
9 Perché porzione del Signore è il suo popolo, Giacobbe è sua eredità.
Dahil ang bahagi ni Yahweh ay ang kaniyang mga tao; si Jacob ang kaniyang bahaging mana.
10 Egli lo trovò in terra deserta, in una landa di ululati solitari. Lo circondò, lo allevò, lo custodì come pupilla del suo occhio.
Siya ay natagpuan niya sa isang disyertong lupain, at sa tigang at humahagulhol na ilang; ipinagtanggol at inalagaan niya, siya ay binantayan niya na tulad ng pag-iingat sa mata.
11 Come un'aquila che veglia la sua nidiata, che vola sopra i suoi nati, egli spiegò le ali e lo prese, lo sollevò sulle sue ali,
Gaya ng isang agila na nagbabantay ng kaniyang pugad at pumapagaspas sa ibabaw ng kaniyang mga inakay, ibinuka ni Yahweh ang kaniyang mga pakpak at kinuha sila, at dinala sila sa kaniyang mga likuran.
12 Il Signore lo guidò da solo, non c'era con lui alcun dio straniero.
Si Yahweh lamang ang pumatnubay sa kaniya; walang dayuhang diyus-diyosan ang kasama niya.
13 Lo fece montare sulle alture della terra e lo nutrì con i prodotti della campagna; gli fece succhiare miele dalla rupe e olio dai ciottoli della roccia;
Hinayaan niya kayong sumakay sa tayog ng lupain, at siya ay pinakain niya ng mga bunga ng bukid; kayo ay pinalusog niya ng pulut na mula sa bato, at langis na mula sa matigas na matarik na bato.
14 crema di mucca e latte di pecora insieme con grasso di agnelli, arieti di Basan e capri, fior di farina di frumento e sangue di uva, che bevevi spumeggiante.
Kumain kayo ng mantikilya na mula sa grupo ng mga hayop at uminom ng gatas na mula sa kawan, kasama ng taba ng mga tupa, mga lalaking tupa ng Bashan, at mga kambing, kasama ng pinakamainam ng trigo— at ininum ninyo ang bumubulang alak na gawa mula sa katas ng mga ubas.
15 Giacobbe ha mangiato e si è saziato, - sì, ti sei ingrassato, impinguato, rimpinzato - e ha respinto il Dio che lo aveva fatto, ha disprezzato la Roccia, sua salvezza.
Pero lumaki si Jeshurun na mataba at sumisipa, puno ng taba, matipuno, at makinis. Tinalikuran nila ang Diyos na gumawa sa kanila, at itinanggi nila ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
16 Lo hanno fatto ingelosire con dei stranieri e provocato con abomini all'ira.
Pinagselos nila si Yahweh sa pamamagitan ng kanilang mga kakaibang diyus-diyosan; at ginalit siya ng kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan.
17 Hanno sacrificato a demoni che non sono Dio, a divinità che non conoscevano, novità, venute da poco, che i vostri padri non avevano temuto.
Nagsakripisyo sila sa mga demonyo, na hindi Diyos—mga diyos na hindi nila kilala, mga diyos na bago pa lang lumitaw, mga diyos na hindi kinakatakutan ng inyong mga ama.
18 La Roccia, che ti ha generato, tu hai trascurato; hai dimenticato il Dio che ti ha procreato!
Pinabayaan ninyo ang Bato, na naging ama ninyo, at inyong kinalimutan ang Diyos na nagsilang sa inyo.
19 Ma il Signore ha visto e ha disdegnato con ira i suoi figli e le sue figlie.
Nakita ito ni Yahweh at sila ay tinanggihan niya, dahil lubha siyang ginalit ng kaniyang mga anak na lalaki at kaniyang mga anak na babae.
20 Ha detto: Io nasconderò loro il mio volto: vedrò quale sarà la loro fine. Sono una generazione perfida, sono figli infedeli.
“Itatago ko ang aking mukha mula sa kanila,” sinabi niya, “at makikita ko kung ano ang kanilang magiging katapusan; dahil sila ay isang napakasamang salinlahi, mga anak na hindi tapat.
21 Mi resero geloso con ciò che non è Dio, mi irritarono con i loro idoli vani; io li renderò gelosi con uno che non è popolo, li irriterò con una nazione stolta.
Pinagselos nila ako sa pamamagitan diyos na hindi totoo at ginalit ako ng kanilang mga walang halagang diyus-diyosan. Papainggitin ko sila sa pamamagitan ng hindi ko bayan, gagalitin ko sila sa pamamagitan ng isang bansa na walang pang-unawa.
22 Un fuoco si è acceso nella mia collera e brucerà fino nella profondità degl'inferi; divorerà la terra e il suo prodotto e incendierà le radici dei monti. (Sheol h7585)
Dahil isang apoy ang nag-aalab sa pamamagitan ng aking galit at sumusunog hanggang sa pinakamalalim na lugar ng mga patay; kinakain nito ang mundo at ang ani nito; sinusunog nito ang mga pundasyon ng mga bundok. (Sheol h7585)
23 Accumulerò sopra di loro i malanni; le mie frecce esaurirò contro di loro.
Bubuntunan ko sila ng kapahamakan; ipapatama ko sa kanila ang lahat ng aking mga palaso;
24 Saranno estenuati dalla fame, divorati dalla febbre e da peste dolorosa. Il dente delle belve manderò contro di essi, con il veleno dei rettili che strisciano nella polvere.
Mamamatay sila sa gutom at lalamunin ng nag-aapoy na init at mapait na pagkawasak; ipapadala ko sa kanila ang mga ngipin ng mga mababangis na hayop, gamit ang lason ng mga bagay na gumagapang sa alikabok.
25 Di fuori la spada li priverà dei figli, dentro le case li ucciderà lo spavento. Periranno insieme il giovane e la vergine, il lattante e l'uomo canuto.
Sa labas ng espada ay mamimighati, at kilabot ay ganoon din sa mga silid-tulugan. lilipol ito sa parehong binata at dalaga, ang sumususong bata, at ang lalaking may kulay-abong mga buhok.
26 Io ho detto: Li voglio disperdere, cancellarne tra gli uomini il ricordo!
Sinabi ko na ikakalat ko sila ng malayo, para mapawi ang kanilang alaala mula sa sangkatauhan.
27 se non temessi l'arroganza del nemico, l'abbaglio dei loro avversari; non dicano: La nostra mano ha vinto, non è il Signore che ha operato tutto questo!
Kung hindi lang sa pagmamayabang ng kaaway, at baka ang kanilang kaaway ay magkamali, at kanilang sasabihin, 'Itaas ang ating kamay,' Nagawa ko na sana ang lahat ng mga ito.
28 Sono un popolo insensato e in essi non c'è intelligenza:
Dahil ang Israel ay isang bansa na walang karunungan, at walang pang-uunawa sa kanila.
29 se fossero saggi, capirebbero, rifletterebbero sulla loro fine:
O, na sila ay matatalino, na naunawaan nila ito, na isaalang-alang nila ang kanilang parating na kapalaran!
30 Come può un uomo solo inseguirne mille o due soli metterne in fuga diecimila? Non è forse perché la loro Roccia li ha venduti, il Signore li ha consegnati?
Paano ba hahabulin ng isa ang isang libo, at papaliparin ng dalawa ang sampung libo, maliban kung ipinagbili sila ng kanilang Bato, at isinuko sila ni Yahweh?
31 Perché la loro roccia non è come la nostra e i nostri nemici ne sono testimoni.
Dahil ang bato ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating Bato, gaya ng pag-amin ng ating mga kaaway.
32 La loro vite è dal ceppo di Sòdoma, dalle piantagioni di Gomorra. La loro uva è velenosa, ha grappoli amari.
Dahil ang kanilang mga puno ng ubas ay nagmula sa puno ng ubas ng Sodoma, at mula sa mga bukid ng Gomorra; ang kanilang mga ubas ay mga ubas ng lason; ang kanilang mga kumpol ay mapait.
33 Tossico di serpenti è il loro vino, micidiale veleno di vipere.
Ang kanilang alak ay ang lason ng mga ahas at ang mabagsik na kamandag ng mga maliliit na ahas.
34 Non è questo nascosto presso di me, sigillato nei miei forzieri?
Hindi ba ito binalak ng palihim na aking tinago, na natatakan kabilang ng aking mga kayamanan?
35 Mia sarà la vendetta e il castigo, quando vacillerà il loro piede! Sì, vicino è il giorno della loro rovina e il loro destino si affretta a venire.
Ako ang magbibigay ng paghihiganti, at kabayaran, sa panahon na madudulas ang kanilang paa; dahil ang araw ng kapahamakan para sa kanila ay nalalapit, at ang mga bagay na darating sa kanila ay mabilis na mangyayari.”
36 Perché il Signore farà giustizia al suo popolo e dei suoi servi avrà compassione; quando vedrà che ogni forza è svanita e non è rimasto né schiavo, né libero.
Dahil si Yahweh ang magpapasya para sa kaniyang mga tao, at kakaawaan niya ang kaniyang mga lingkod. Makikita niya na ang kanilang kapangyarihan ay nawala, at wala ni isang matitira, kahit mga alipin o malayang mga tao.
37 Allora dirà: Dove sono i loro dei, la roccia in cui cercavano rifugio;
Pagkatapos sasabihin niya, “Nasaan ang kanilang mga diyos, ang bato na siyang kanilang kanlungan? —
38 quelli che mangiavano il grasso dei loro sacrifici, che bevevano il vino delle loro libazioni? Sorgano ora e vi soccorrano, siano il riparo per voi!
Ang mga diyos na kumain ng mga taba ng kanilang mga sakripisyo at uminom ng alak na kanilang mga handog na inumin? Hayaan silang bumangon at tulungan kayo; hayaan sila ang mag-ingat ninyo.
39 Ora vedete che io, io lo sono e nessun altro è dio accanto a me. Sono io che dò la morte e faccio vivere; io percuoto e io guarisco e nessuno può liberare dalla mia mano.
Tingnan ninyo ngayon ako, kahit ako, ang Diyos, at walang nang diyos maliban sa akin; ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling, at walang ni isa na makakapagligtas sa inyo mula sa aking lakas.
40 Alzo la mano verso il cielo e dico: Per la mia vita, per sempre:
Dahil itinaas ko ang aking kamay sa langit at sinabing, 'Habang ako ay nabubuhay magpakailanman, ako ay kikilos.
41 quando avrò affilato la folgore della mia spada e la mia mano inizierà il giudizio, farò vendetta dei miei avversari, ripagherò i miei nemici.
Kapag hinahasa ko ang aking makintab na espada, at kapag nagsimula na ang aking kamay na magdala ng katarungan, maghihiganti ako sa aking mga kaaway, at gagantihan ko yaong mga napopoot sa akin.
42 Inebrierò di sangue le mie frecce, si pascerà di carne la mia spada, del sangue dei cadaveri e dei prigionieri, delle teste dei condottieri nemici!
Lalasingin ko ang aking mga palaso ng dugo, at ang aking espada ay lalamunin ang laman kasama ng dugo ng mga pinatay at ng mga bihag, at mula sa mga ulo ng mga pinuno ng kaaway.'”
43 Esultate, o nazioni, per il suo popolo, perché Egli vendicherà il sangue dei suoi servi; volgerà la vendetta contro i suoi avversari e purificherà la sua terra e il suo popolo».
Magdiwang, kayong mga bansa, kasama ng mga tao ng Diyos, dahil ipaghihiganti niya ang dugo ng kaniyang mga lingkod; Maghihiganti siya sa kaniyang mga kaaway, at gagawa siya ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniyang lupain, para sa kaniyang mga tao.
44 Mosè venne con Giosuè, figlio di Nun, e pronunziò agli orecchi del popolo tutte le parole di questo canto.
Dumating si Moises at inawit ang lahat ng mga salita ng awiting ito sa tainga ng mga tao, siya, at si Josue na anak na lalaki ni Nun.
45 Quando Mosè ebbe finito di pronunziare tutte queste parole davanti a tutto Israele, disse loro:
At natapos ni Moises na awitin ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel.
46 «Ponete nella vostra mente tutte le parole che io oggi uso come testimonianza contro di voi. Le prescriverete ai vostri figli, perché cerchino di eseguire tutte le parole di questa legge.
Sinabi niya sa kanila, “Ituon ang inyong mga isipan sa lahat ng mga salita na aking pinatunayan sa inyo ngayon, para mautusan ninyo ang inyong mga anak na sundin ang mga ito, ang lahat ng mga salita ng batas na ito.
47 Essa infatti non è una parola senza valore per voi; anzi è la vostra vita; per questa parola passerete lunghi giorni sulla terra di cui state per prendere possesso, passando il Giordano».
Dahil ito ay hindi balewalang bagay para sa inyo, dahil ito ang inyong buhay, at sa pamamagitan ng bagay na ito ay papahabain ninyo ang inyong mga araw sa lupain na inyong pupuntahan sa ibayo ng Jordan para angkinin.”
48 In quello stesso giorno il Signore disse a Mosè:
Nagsalita si Yahweh kay Moises sa parehong araw at sinabing,
49 «Sali su questo monte degli Abarim, sul monte Nebo, che è nel paese di Moab, di fronte a Gerico, e mira il paese di Canaan, che io dò in possesso agli Israeliti.
“Umakyat ka sa bandang ito ng mga bundok ng Abarim, itaas ng Bundok Nebo, na nasa lupain ng Moab, kabila ng Jerico. Mapagmamasdan mo ang lupain ng Canaan, na ibibigay ko sa bayan ng Israel bilang kanilang pag-aari.
50 Tu morirai sul monte sul quale stai per salire e sarai riunito ai tuoi antenati, come Aronne tuo fratello è morto sul monte Or ed è stato riunito ai suoi antenati,
Mamamatay ka sa bundok na pupuntahan mo at Matitipon kasama ng iyong mga tao, gaya ni Aaron na kapwa mong Israelita na namatay sa Bundok Hor at tinipon ng kaniyang mga tao.
51 perché siete stati infedeli verso di me in mezzo agli Israeliti alle acque di Mèriba di Kades nel deserto di Sin, perché non avete manifestato la mia santità.
Ito ay mangyayari dahil hindi ka tapat sa akin kabilang sa bayan ng Israel sa tubigan ng Meriba sa Kades, sa ilang ng Sin;
52 Tu vedrai il paese davanti a te, ma là, nel paese che io sto per dare agli Israeliti, tu non entrerai!».
dahil hindi mo ako pinakitunguhan ng may dangal at Dahil makikita mo ang lupain sa harapan mo, pero hindi ka makakapunta roon, sa lupain na ibibigay ko sa bayan ng Israel.”

< Deuteronomio 32 >