< Zakariás 3 >
1 Azután megmutatá nékem Jósuát, a főpapot, a ki az Úr angyala előtt álla, és a Sátánt, a ki jobb keze felől álla, hogy vádolja őt.
Pagkatapos, ipinakita sa akin ni Yahweh si Josue na punong pari na nakatayo sa harapan ng anghel ni Yahweh at nakatayo sa kaniyang kanang kamay si Satanas upang paratangan siya ng kasalanan.
2 És mondá az Úr a Sátánnak: Dorgáljon meg téged az Úr, te Sátán; dorgáljon meg az Úr, a ki magáévá fogadja Jeruzsálemet. Avagy nem tűzből kikapott üszög-é ez?
Sinabi ng anghel ni Yahweh kay Satanas, “Sawayin ka nawa ni Yahweh, Satanas: Sawayin ka nawa ni Yahweh, na siyang pumili sa Jerusalem! Hindi ba ito isang gatong na hinila mula sa apoy?
3 Jósua pedig szennyes ruhába vala öltöztetve, és áll vala az angyal előtt.
Nakasuot si Josue ng maruming kasuotan habang nakatayo siya sa harapan ng anghel,
4 És szóla és monda az előtte állóknak, mondván: Vegyétek le róla a szennyes ruhákat! És monda néki: Lásd! Levettem rólad a te álnokságodat, és ünnepi ruhákba öltöztetlek téged!
kaya nagsalita ang anghel at sinabi sa mga nakatayo sa harapan niya, “Alisin ang maruming kasuotan mula sa kaniya.” At sinabi niya kay Josue, “Tingnan mo! Pinalampas ko ang mabigat mong kasalanan at bibihisan kita ng magandang damit.”
5 Azután mondám: Tegyenek fejére tiszta süveget! Feltevék azért fejére a tiszta süveget, és ruhákba öltözteték őt, az Úrnak angyala pedig ott áll vala.
Sinabi niya, “Suotan ninyo siya ng malinis na turbante sa kaniyang ulo!” Kaya sinuotan nila si Josue ng isang malinis na turbante sa kaniyang ulo at binihisan siya ng malinis na kasuotan habang nakatayo sa tabi ang anghel ni Yahweh.
6 És bizonyságot tőn az Úrnak angyala Jósuának, mondván:
Pagkatapos nito, taimtim na inutusan si Josue ng anghel ni Yahweh at sinabi,
7 Ezt mondja a Seregeknek Ura: Ha az én útaimban jársz, és ha parancsolataimat magtartod: te is ítélője leszel az én házamnak, sőt őrizni fogod az én pitvaraimat, és ki- s bejárást engedek néked ez itt állók között.
“Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Kung ikaw ay lalakad sa aking pamamaraan at kung pananatilihin mo ang aking mga kautusan, pamumunuan mo ang aking tahanan at babantayan mo ang aking mga hukuman, sapagkat pahihintulutan kita na pumunta at bumalik kasama nitong mga nakatayo sa aking harapan.
8 Halld meg Jósua, te főpap; te és barátaid, a kik előtted ülnek, mert jelképes férfiak ezek: Ímé, bizony előhozom az én szolgámat, Csemetét!
Makinig ka, Josue na punong pari, ikaw at ang iyong mga kasamahan na naninirahan sa iyo! Sapagkat ang mga taong ito ay isang katibayan, sapagkat ako mismo ang maglalabas sa aking lingkod, ang Sanga.
9 Mert ímé e kő az, a melyet Jósua elé helyezek; egy kövön hét szem; ímé, én faragom annak faragványait, így szól a Seregeknek Ura, és eltörlöm e földnek álnokságait egy napon.
Ngayon tingnan ninyo ang bato na inilagay ko sa harapan ni Josue. Mayroong pitong tapyas sa isang batong ito, at uukitan ko ng isang tatak — ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo—at aalisin ko ang kasalanan ng lupaing ito sa loob ng isang araw.
10 Azon a napon, így szól a Seregeknek Ura, kiki hívja majd a maga felebarátját a szőlőtő alá és a fügefa alá.
Sa araw na iyon, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, 'aanyayahan ng bawat tao ang kaniyang kapwa upang mamahinga sa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at ilalim ng kaniyang puno ng igos.”'