< Zsoltárok 74 >
1 Aszáf tanítása. Miért vetettél el, oh Isten, teljesen? Miért füstölög haragod a te legelődnek juhai ellen?
O Diyos, bakit mo kami laging tinatanggihan? Bakit ang iyong galit ay nag-aalab laban sa mga tupa ng iyong pastulan?
2 Emlékezzél meg a te gyülekezetedről, a melyet régen szerzettél és a melyet megváltottál: a te örökségednek részéről, a Sion hegyéről, a melyen lakozol!
Alalahanin mo ang iyong bayan, na iyong tinubos noong sinaunang panahon, na iyong binili para maging sarili mong pamana, at sa Bundok ng Sion, kung saan ka nananahan.
3 Lépj fel a teljes pusztaságba; mindent tönkre tett az ellenség a szent helyen!
Halika, tingnan mo ang mga lubos na pagkawasak, lahat ng pininsala na ginawa ng kaaway sa banal na lugar.
4 Támadóid a te gyülekezeted hajlékában ordítanak: jeleiket tűzték fel jelekké.
Ang iyong mga kalaban ay umatungal sa gitna ng iyong itinakdang lugar; inilagay nila ang kanilang mga bandila.
5 Úgy tünnek fel, mint mikor valaki fejszéjét emelgeti az erdőnek sűrű fáira.
Sinibak nila gamit ang mga palakol gaya ng sa makapal na gubat.
6 Faragványait már mind összetördelték: fejszékkel és pőrölyökkel.
Dinurog at sinira nila ang lahat ng mga inukit; sinira nila iyon gamit ang mga palakol at maso.
7 Szent helyedet lángba borították; neved hajlékát földig megfertőztették.
Sinunog nila ang iyong santuwaryo; nilapastangan nila kung saan ka naninirahan, at giniba ito.
8 Ezt mondották szívökben: Dúljuk fel őket mindenestől! Felgyújtották Istennek minden hajlékát az országban.
Sinabi nila sa kanilang mga puso, “Wawasakin namin silang lahat. “Sinunog nila ang lahat ng iyong mga tagpuang lugar sa lupain.
9 Jeleinket nem látjuk, próféta nincs többé, és nincs közöttünk, a ki tudná: meddig tart ez?
Hindi na kami nakakikita ng anumang mga himala mula sa Diyos; wala ng propeta, at walang sinuman sa atin ang nakakaalam kung gaano ito tatagal.
10 Meddig szidalmaz, oh Isten, a sanyargató? Örökké gyalázza-é az ellenség a te nevedet?
O Diyos, gaano katagal ka lalaitin ng mga kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan habang panahon?
11 Miért húzod vissza kezedet, jobbodat? Vond ki kebeledből: végezz!
Bakit mo pinipigilan ang iyong kamay, ang iyong kanang kamay? Gamitin mo ang iyong kanang kamay mula sa iyong kasuotan at wasakin (sila)
12 Pedig Isten az én királyom eleitől fogva, a ki szabadításokat mível e föld közepette.
Gayumpaman, ang Diyos ang aking naging hari mula pa noong sinaunang panahon, na nagdadala ng kaligtasan sa daigdig.
13 Te hasítottad ketté a tengert erőddel; te törted össze a czethalak fejeit a vizekben.
Hinati mo ang dagat sa pamamagitan ng iyong lakas; dinurog mo ang mga ulo ng halimaw na nasa dagat.
14 Te rontottad meg a leviathánnak fejét, s adtad azt eledelül a pusztai népnek.
Dinurog mo ang mga ulo ng leviatan; pinakain mo siya sa mga naninirahan sa ilang.
15 Te fakasztottad fel a forrást és patakot, te száraztottad meg az örök folyókat.
Binuksan mo ang mga bukal at batis; tinuyo mo ang mga dumadaloy na ilog.
16 Tiéd a nappal, az éjszaka is tiéd; te formáltad a világosságot és a napot.
Ang araw ay sa iyo, at ang gabi ay sa iyo rin; nilagay mo ang araw at buwan.
17 Te szabtad meg a földnek minden határát: a nyarat és a telet te formáltad.
Inilagay mo ang lahat ng mga hangganan sa daigdig; ginawa mo ang tag-araw at taglamig.
18 Emlékezzél meg erről: ellenség szidalmazta az Urat, s bolond nép káromolta a te nevedet.
Alalahanin mo, Yahweh, kung paano ka binato ng kaaway ng mga panlalait, at nilapastangan ng mga hangal ang iyong pangalan.
19 Ne adjad a fenevadnak a te gerliczédnek lelkét; szegényeidnek gyülekezetéről ne feledkezzél meg végképen!
Huwag mong ibigay ang buhay ng iyong kalapati sa isang mabangis na hayop. Huwag mong tuluyang kalimutan ang buhay ng iyong inaping bayan magpakailanman.
20 Tekints a szövetségre; mert telve vannak e földnek rejtekhelyei zsaroló tanyákkal.
Alalahanin mo ang iyong tipan, dahil ang madidilim na mga rehiyon sa daigdig ay puno ng mga lugar ng karahasan.
21 A megrontott ne térjen szégyenvallással vissza; a nyomorult és szűkölködő dicsérje a te nevedet.
Huwag mong hayaang maibalik ang mga inapi sa kahihiyan; nawa purihin ng mahirap at inaapi ang iyong pangalan.
22 Kelj fel, oh Isten, és védd a te ügyedet; emlékezzél meg a te gyaláztatásodról, a melylyel naponként illet téged a bolond!
Tumindig ka, O Diyos; ipagtanggol mo ang iyong sariling karangalan; alalahanin mo kung paano ka nilait ng mga hangal buong araw.
23 Ne felejtkezzél el ellenségeidnek szaváról, és az ellened támadók háborgatásáról, a mely szüntelen nevekedik!
Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kalaban o sigaw ng mga patuloy na sumasalungat sa iyo.