< Abdiás 1 >

1 Abdiás látása. Így szól az Úr Isten Edomról: Hírt hallottunk az Úrtól! És hírnök küldetett a népekhez: keljetek fel és támadjunk reá haddal!
Ang Pangitain ni Obadias. Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh tungkol sa Edom: Nakarinig kami ng ulat na mula kay Yahweh, at isang kinatawan ang ipinadala sa mga bansa, na nagsasabi, “Tumindig kayo! Tayo ay tumindig laban sa kaniya para sa digmaan!”
2 Ímé, kicsinynyé tettelek a népek között; felettébb útálatos vagy.
Tingnan mo, gagawin kitang maliit sa lahat ng mga bansa, ikaw ay labis na hahamakin.
3 Szíved kevélysége csalt meg téged, ki szikla-hasadékokban lakozol, kinek lakóhelye magasan van, a ki mondja az ő szívében: Ki vonhatna le engem a síkra?!
Nilinlang ka ng pagmamataas ng iyong puso, ikaw na naninirahan sa mga siwang ng bato, sa iyong matayog na tahanan, sinasabi mo sa iyong puso, “Sino ang makapagpapabagsak sa akin sa lupa?
4 Ha oly magasra szállnál is, mint a sas, és ha a csillagok közé raknád is fészkedet: onnan is levonnálak, ezt mondja az Úr.
Kahit na ang iyong tore ay mataas ka gaya ng paglipad ng agila, at kahit na nakalagay na ang iyong pugad kasama ng mga bituin, ibababa kita mula roon sabi ni Yahweh.
5 Ha tolvajok törnének reád, avagy éjjeli rablók, (hogy elpusztíttattál!), nem annyit lopnának-é, a mennyi elegendő?! Ha szőlőszedők jönnének reád, nem hagynának-é gerezdeket?!
Kung pumunta sa iyo ang mga magnanakaw, kung dumating sa gabi ang mga magnanakaw (paano ka nahiwalay!), hindi ba nanakawin lamang nila ang sapat para sa kanilang mga sarili? Kung pumunta sa iyo ang mga mag-aani ng ubas, hindi ba iiwan nila ang mga nalaglag?
6 Mennyire kifosztogatták Ézsaut; felkutatták rejtett kincseit!
Paano nawasak si Esau at nakita ang kaniyang mga nakatagong kayamanan!
7 A határig űznek ki összes frigytársaid; megcsalnak, levernek szövetségeseid; kenyeredet tőrül vetik alád. Nincsen benne okosság!
Ang lahat ng kalalakihan na iyong kaanib ay ipadadala ka sa hangganan ng daraanan. Nilinlang ka ng mga taong kasundo mo, at nanaig sila laban sa iyo. Ang mga kumain ng iyong tinapay ang naglagay ng bitag sa ilalim mo. Walang pang-unawa sa kaniya.
8 Azon a napon, ezt mondja az Úr, nem vesztem-é ki a bölcseket Edomból, és az értelmet az Ézsau hegyéről?!
Sabi ni Yahweh, hindi ba wawasakin ko sa araw na iyon ang mga matatalinong lalaki ng Edom, at aalisin ang kaalaman sa bundok ni Esau?
9 És megrémülnek a te vitézeid, oh Témán! hogy kiirtassék mindenki az Ézsau hegyéről az öldöklés által.
At panghinaan ng loob ang iyong mga malalakas na kalalakihan, Teman, upang maihiwalay ang bawat lalaki sa bundok ni Esau sa pamamagitan ng malupit na pagpatay.
10 A Jákób öcséd ellen elkövetett erőszakért szégyen borul reád, és kivágatol mindörökre!
Dahil sa karahasang ginawa sa iyong kapatid na si Jacob, ikaw ay matatakpan ng kahihiyan at mahihiwalay magpakailanman.
11 A mikor vele szembeálltál; a mikor serege idegenek rabjává lett, és idegenek törtek be kapuján és Jeruzsálemre sorsot vetettek: olyan voltál te is, mint bármelyik közülök.
Nang araw na tumayo ka sa malayo, nang araw na kinuha ng mga dayuhan ang kaniyang kayamanan at pinasok ng mga dayuhan ang kaniyang mga tarangkahan, at nagsapalaran sila sa Jerusalem, para ka na ring katulad nila.
12 De ne gyönyörködjél öcsédnek napján, az ő szerencsétlenségének napján; és ne örvendj a Júda fiain az ő veszedelmök napján, és ne kérkedjél a szorongattatás napján.
Ngunit huwag mong ikalugod ang araw ng iyong kapatid, ang araw ng kaniyang kasawian, at huwag mong ikagalak ang mga tao ng Juda sa araw ng kanilang pagkawasak; huwag magyabang sa araw ng kanilang paghihirap.
13 Ne törj be népem kapuján nyomorúságuk napján; ne gyönyörködjél te is a baján nyomorúsága napján; és ne nyúlj az ő jószágához nyomorúsága napján;
Huwag kang pumasok sa tarangkahan ng aking bayan sa araw ng kanilang kapahamakan; huwag mong ikalugod ang kanilang paghihirap sa araw ng kanilang sakuna, huwag mong nakawin ang kanilang kayamanan sa araw ng kanilang pagkawasak.
14 A résre se állj fel menekülőit elveszíteni; és ne áruld el az ő megmaradottait a szorongattatás napján!
At huwag kang tumayo sa sangang daan, upang pigilan ang kaniyang mga tumatakas; at huwag mong ibigay ang mga nakaligtas sa araw ng kanilang pagkabalisa.
15 Mert közel van az Úrnak napja minden népek ellen. A mint cselekedtél, úgy cselekesznek veled; a mit te fizettél, visszaszáll fejedre.
Sapagkat ang araw ni Yahweh ay malapit na sa lahat ng mga bansa. Anuman ang iyong ginawa, ay gagawin din sa iyo; at lahat ng iyong mga ginawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
16 Mert a mint ti ittatok szent hegyemen, úgy isznak szüntelen az összes népek; bizony isznak és hörpengetnek, és olyanok lesznek, mintha nem lettek volna.
Sapagkat kung paano kayo uminom sa aking banal na bundok, ganoon patuloy na iinom ang lahat ng bansa. Iinom sila, at lulunok, at para bang hindi sila kailanman nabuhay.
17 De a Sion hegyén szabadulás lészen, és szentté lészen az, és a Jákób háza birtokba veszi az ő örökségét.
Ngunit sa Bundok n Sion mayroong mga nakatakas, magiging banal ito; aariin muli ng sambahayan ni Jacob ang sarili nilang mga ari-arian.
18 És a Jákób háza tűz lészen, és a József háza láng; az Ézsau háza pedig pozdorja; és meggyújtják és megemésztik őket, és nem marad meg senki Ézsau házából, mert az Úr szólott.
Magiging isang apoy ang sambahayan ni Jacob, at isang liyab ang sambahayan ni Jose, at ang magiging pinaggapasan ang sambahayan ni Esau, at susunugin nila sila, at sila ay tutupukin. Walang makaliligtas sa sambahayan ni Esau, sapagkat sinabi ito ni Yahweh.
19 A déliek örökség szerint bírják az Ézsau hegyét, a síkon lakók pedig a Filiszteusokat. És örökség szerint bírják az Efraim mezőit és Samaria mezőit; Benjámin pedig a Gileádot.
At aariin ng mula sa Negeb ang bundok ni Esau, at aariin ang mga nasa Shepelah ang lupain ng mga Filisteo; at aariin nila ang lupain ng Efraim, at ang lupain ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Gilead.
20 Izráel fiainak ez a száműzött serege azokat, a melyek a Kananeusoké, mind Sarfátig; a jeruzsálemi száműzöttek pedig, a kik Szefarádban vannak, elfoglalják majd a déli városokat.
Aariin ng mga ipinatapon na mga Israelita ang lupain ng Canaan hanggang sa Zarefat. Aariin ng mga ipinatapon na taga-Jerusalem na nasa Sardis ay aariin ng Negeb.
21 És a Sion hegyére szabadítók mennek fel, hogy megítéljék az Ézsau hegyét; és az Úré lesz a királyság.
Pupunta ang mga magliligtas sa bundok ng Zion upang hatulan ang bundok ni Esau, at ang kaharian ay magiging kay Yahweh.

< Abdiás 1 >