< 4 Mózes 6 >
1 És szóla az Úr Mózesnek, mondván:
Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
2 Szólj Izráel fiainak, és mondd meg nékik: Mikor férfi vagy asszony külön fogadást tesz, nazireusi fogadást, hogy így az Úrnak szentelje magát:
“Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Sabihin mo sa kanila, “Kapag ang isang lalaki o isang babae ay ibinukod niya ang kaniyang sarili kay Yahweh kasama ang isang natatanging panata ng isang Nazareo,
3 Bortól és részegítő italtól szakassza el magát; boreczetet és részegítő italból való eczetet ne igyék, és semmi szőlőből csinált italt se igyék, se új, se asszú szőlőt ne egyék.
dapat niyang ilayo ang kaniyang sarili mula sa alak at matapang na inumin. Dapat hindi siya iinom ng suka na gawa mula sa alak o mula sa matapang na inumin. Dapat hindi siya iinom ng anumang katas ng ubas o kakain ng sariwang mga ubas o mga pasas.
4 Az ő nazireusságának egész idején át semmit a félét ne igyék, a mi a szőlőtőről kerül, a szőlő magvától fogva a szőlő héjáig.
Sa lahat ng araw na siya ay ibinukod sa akin, dapat wala siyang kakaining anumang bagay na gawa mula sa mga ubas, kabilang ang lahat ng bagay na gawa mula sa mga buto hanggang sa kanilang mga balat.
5 Az ő nazireusi fogadásának egész idején, beretva az ő fejét ne járja; míg be nem teljesednek a napok, a melyekre az Úrnak szentelte magát, szent legyen, hagyja növekedni az ő fejének hajfürteit.
Sa buong panahon ng kaniyang panata ng pagbubukod, walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo hanggang sa mga araw ng kaniyang pagbubukod kay Yahweh ay matupad. Dapat siyang ihandog kay Yahweh. Dapat niyang hayaang humaba ang buhok sa kaniyang ulo.
6 Az egész időn át, a melyre az Úrnak szentelte magát, megholtnak testéhez be ne menjen.
Sa buong panahon na ibubukod niya ang kaniyang sarili kay Yahweh, dapat hindi siya lalapit sa isang patay na katawan.
7 Se atyjának, se anyjának, se fiú- se leánytestvéreinek holttestével meg ne fertőztesse magát, mikor meghalnak, mert az ő Istenének nazireussága van az ő fején.
Dapat hindi niya dudumihan ang kaniyang sarili kahit na para sa kaniyang ama, ina, kapatid na lalaki, o sa kapatid na babae, kung sila ay namatay. Ito ay dahil ibinukod siya para sa Diyos, gaya ng maaaring makita ng lahat sa pamamagitan ng kaniyang mahabang buhok.
8 Az ő nazireusságának egész idejében szent legyen az Úrnak.
Sa buong panahon ng kaniyang pagbubukod siya ay banal, nakalaan para kay Yahweh.
9 Ha pedig meghal valaki ő nála hirtelenséggel, és megfertőzteti az ő nazireus fejét: nyírja meg a fejét az ő tisztulásának napján, a hetedik napon nyírja meg azt.
Kung biglang namatay ang isang tao sa tabi niya at dudungisan ang kaniyang naibukod na pagkatao, sa gayon, dapat niyang ahitan ang kaniyang ulo sa araw ng kaniyang paglilinis na kung saan dapat pagkatapos ng pitong araw. Sa araw na iyon, dapat niyang ahitan ang kaniyang ulo.
10 A nyolczadik napon pedig vigyen két gerliczét vagy két galambfiat a papnak a gyülekezet sátorának nyílásához.
Sa ikawalong araw, dapat niyang dalhin ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati sa pari sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
11 És készítse el a pap egyiket bűnért való áldozatul, a másikat pedig egészen égőáldozatul, és szerezzen néki engesztelést, a miért vétkezett a holttest miatt; és szentelje meg annak fejét azon napon.
Ang pari ay dapat maghandog ng isang ibon bilang handog sa kasalanan at ang isang ibon bilang handog na susunugin. Ito ay pambayad para sa kaniya dahil nagkasala siya sa pamamagitan ng pagiging malapit sa patay na katawan. Dapat muli niyang ihandog ang kaniyang sarili kay Yahweh sa araw ding iyon.
12 És az ő nazireusságának napjait szentelje újra az Úrnak, és vigyen az ő vétkéért való áldozatul egy esztendős bárányt; az elébbi napok pedig essenek el, mert megfertőztette az ő nazireusságát.
Dapat muli niyang ihandog ang kaniyang sarili kay Yahweh sa panahon ng kaniyang pagbubukod. Dapat niyang dalhin ang isang lalaking tupa na isang taong gulang bilang isang pag-aalay sa pagkakasala. Hindi dapat ibilang ang mga araw bago niya nadungisan ang kanyiang sarili, dahil nadungisan siya habang siya ay ibinukod para sa Diyos.
13 Ez pedig a nazireus törvénye: A mely napon betelik az ő nazireusságának ideje, vigyék őt a gyülekezet sátorának nyílásához.
Ito ang batas tungkol sa Nazareo para kapag natapos na ang panahon ng kaniyang pagbubukod. Dapat siyang dalhin sa pasukan sa tolda ng pagpupulong.
14 Ő pedig vigye fel az ő áldozatját az Úrnak: egy esztendős, ép hím bárányt egészen égőáldozatul, és egy esztendős, ép nőstény bárányt bűnért való áldozatul, és egy ép kost hálaáldozatul.
Dapat niyang idulog ang kaniyang handog kay Yahweh. Dapat niyang ialay bilang isang handog na susunugin ang isang lalaking tupa na isang taong gulang at walang kapintasan. Dapat magdala siya ng isang babaeng tupa bilang handog para sa kasalanan na isang taong gulang at walang kapintasan. Dapat magdala siya ng isang lalaking tupa na walang dungis bilang handog para sa pagtitipon-tipon.
15 Továbbá egy kosár kovásztalan kenyeret, olajjal elegyített lánglisztből való lepényeket, és olajjal megkent kovásztalan pogácsákat, a hozzájok való étel- és italáldozatokkal.
Dapat magdala rin siya ng isang buslo ng tinapay na ginawa na walang pampaalsa, mga tinapay ng pinong harina na hinaluan ng langis, mga wafer na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis, kasama ang kanilang handog na butil at mga handog na inumin.
16 És vigye azokat a pap az Úr elé, és készítse el annak bűnéért való áldozatát és egészen égőáldozatát.
Dapat idulog ng pari ang mga ito sa harap ni Yahweh. Dapat niyang ialay ang kaniyang handog para sa kasalanan at handog na susunugin.
17 A kost is készítse el hálaadó áldozatul az Úrnak, a kosárban lévő kovásztalan kenyerekkel egybe, és készítse el a pap az ahhoz való étel- és italáldozatot is.
Kasama ang buslo ng tinapay na walang lebadura, dapat niyang idulog ang isang lalaking tupa bilang isang alay, ang handog sa pagtitipon-tipon kay Yahweh. Dapat idulog din ng pari ang handog na butil at ang handog na inumin.
18 A nazireus pedig nyírja meg az ő nazireus fejét a gyülekezet sátorának nyílásánál, és vegye az ő nazireus fejének haját, és tegye azt a tűzre, a mely van a hálaadó áldozat alatt.
Dapat ahitan ng Nazareo ang kaniyang ulo na nagpapahiwatig ng kaniyang pagkabukod sa Diyos sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong. Dapat niyang kunin ang buhok mula sa kaniyang ulo at ilagay ito sa apoy sa ilalim ng paghahandog ng mga handog sa pagtitipon-tipon.
19 Vegye azután a pap a kosnak megfőtt lapoczkáját, és egy kovásztalan lepényt a kosárból, és egy kovásztalan pogácsát, és tegye a nazireus tenyerére, minekutána megnyirta az ő nazireus fejét.
Dapat kunin ng pari ang pinakuluang balikat ng lalaking tupa, isang tinapay na walang pampaalsa mula sa buslo, at isang wafer na tinapay na walang pampaalsa. Dapat niyang ilagay ang mga ito sa kamay ng Nazareo pagkatapos niyang ahitan ang kaniyang ulo na nagpapahiwatig ng pagkabukod.
20 És lóbálja meg a pap azokat áldozatul az Úr előtt; a papnak szenteltetett ez, a meglóbált szegyen és a felemelt lapoczkán felül. Azután igyék bort a nazireus.
Dapat itaas ng pari ang mga ito bilang isang handog sa harap ni Yahweh at idulog ang mga ito sa kaniya. Ito ay banal na pagkain na nakalaan para sa pari, kasama ang dibdib na itinaas at ang hita na inihandog. Pagkatapos nito, maaari nang uminom ng alak ang Nazareo.
21 Ez a nazireus törvénye, a ki fogadást tett, és az ő áldozata az ő nazireusságáért az Úrnak, azonkivül, a mihez módja van. Az ő fogadása szerint, a melyet fogadott, a képen cselekedjék, az ő nazireusságának törvénye szerint.
Ito ang batas para sa Nazareo na nagpapanata ng kaniyang alay kay Yahweh para sa kaniyang pagkabukod. Kahit ano pa ang maaari niyang ibigay, dapat niyang panatilihin ang kaniyang tungkulin ng panata na kaniyang kinuha, upang panatilihin ang pangakong nakalakip sa pamamagitan ng batas para sa Nazareo.'”
22 És szóla az Úr Mózesnek, mondván:
Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
23 Szólj Áronnak és az ő fiainak, mondván: Így áldjátok meg Izráel fiait, mondván nékik:
“Kausapin mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki. Sabihin mo, 'Dapat ninyong pagpalain ang mga tao ng Israel sa ganitong paraan. Dapat ninyong sabihin sa kaniya,
24 Áldjon meg tégedet az Úr, és őrizzen meg tégedet.
“Pagpalain ka nawa ni Yahweh at ingatan.
25 Világosítsa meg az Úr az ő orczáját te rajtad, és könyörüljön te rajtad.
Pasisikatin nawa ni Yahweh ang kaniyang liwanag sa iyo, titingin sa iyo, at mahabag sa iyo.
26 Fordítsa az Úr az ő orczáját te reád, és adjon békességet néked.
Tingnan ka nawa si Yahweh nang may kabutihang loob at bigyan ka ng kapayapaan.'”
27 Így tegyék az én nevemet Izráel fiaira, hogy én megáldjam őket.
Sa ganitong paraan dapat nilang ibigay ang aking pangalan sa mga tao ng Israel. At pagpapalain ko sila.”