< Mikeás 1 >
1 Az Úr igéje, a mely lőn a moreseti Mikeáshoz, Jótám, Akház és Ezékiásnak, Júda királyainak idejében, a melyet látott Samária és Jeruzsálem felől.
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Mikas na Morastita sa mga araw nina Jotam, Ahaz at Hezekias na mga hari ng Juda, ang salita na kaniyang nakita tungkol sa Samaria at Jerusalem.
2 Halljátok meg minden népek, figyelmezz föld és annak teljessége. És az Úr Isten legyen bizonyság ellenetek; az Úr az ő szent templomából!
Makinig, lahat kayong mga tao. Makinig ka lupa at ang lahat ng nasa iyo. Hayaan na ang Panginoong si Yahweh ang maging saksi laban sa iyo, ang Panginoon na mula sa kaniyang banal na templo.
3 Mert ímé, kijő az Úr az ő helyéről, és leszáll és lépdel a földnek magaslatain.
Tingnan ninyo, lalabas si Yahweh sa kaniyang lugar; bababa siya at tatapakan ang mga dambana ng pagano sa lupa.
4 És szétmállanak alatta a hegyek, a völgyek pedig szétszakadoznak, mint a viasz a tűz előtt, mint a meredekről leszakadó vizek.
Matutunaw ang mga bundok sa ilalalim niya; mahahati ang mga lambak gaya ng pagkit sa harap ng apoy, gaya ng mga tubig na bumuhos sa isang matarik na lugar.
5 A Jákób vétkéért lészen mindez, és az Izráel házának bűnei miatt! Micsoda a Jákób vétke? Avagy nem Samária-é? És mik a Júda magaslatai? Avagy nem Jeruzsálem-é?
Ang lahat ng ito ay dahil sa paghihimagsik ni Jacob at dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ng Israel. Ano ang dahilan ng paghihimagsik ni Jacob? Hindi ba ang Samaria? Ano ang dahilan ng mga dambana ni Juda? Hindi ba ang Jerusalem?
6 De olyanná teszem Samáriát, mint a mezőben való kőrakás, szőlő-plánták helyévé; és lezúdítom a völgybe az ő köveit, és még fundamentomit is kimutatom.
“Gagawin ko ang Samaria na isang bunton ng pagkawasak sa parang, gaya ng isang lugar para sa taniman ng mga ubas. Hihilahin ko ang mga bato ng kaniyang gusali sa lambak; Bubuksan ko ang kaniyang mga pundasyon.
7 Faragott képei mind összetöretnek és minden ajándékát tűz égeti meg. Minden bálványait semmivé teszem; mert paráznaság béréből gyűjtögette azokat, azért ismét paráznaság bérévé legyenek.
Ang lahat ng kaniyang mga larawang inukit ay magkakadurog-durog at lahat ng kaloob sa kaniya ay masusunog. Ang lahat ng kaniyang mga diyus-diyosan ay aking wawasakin. Sapagkat sa mga kaloob sa kaniyang prostitusyon ay tinipon niya ang mga ito at babalik ang mga ito bilang kabayaran sa babaeng nagbebenta ng aliw.”
8 E miatt kesergek és jajgatok; ruhátalan és mezítelen járok. Üvöltök, mint a sakálok, és sikongok, mint a struczmadarak.
Sa kadahilanang ito, mananaghoy ako at tatangis; Pupunta akong nakapaa at nakahubad; Tatangis ako na gaya ng asong gubat at magdadalamhati na gaya ng mga kuwago.
9 Mert halálosak az ő sebei. Bizony Júdáig ér; népem kapujáig hatol, Jeruzsálemig.
Sapagkat walang lunas ang kaniyang mga sugat, sapagkat dumating sila sa Juda. Narating nila ang tarangkahan ng aking mga tao sa Jerusalem.
10 Gáthban hírül ne adjátok; sírván ne sírjatok; Beth-le-Afrában porba heveredtem.
Huwag mong sabihin sa Gat ang tungkol dito; huwag na huwag kang iiyak. Sa Bet Leafra, pagugulungin ko ang aking sarili sa alikabok.
11 Költözzetek el, Safirnak lakója gyalázatos meztelenül! Nem vonult ki Saanán lakosa; Beth-Eselnek siralma nem enged tartózkodni.
Dumaan kayo sa kahubaran at kahihiyan, mga taga-Safir. Huwag kayong lumabas mga taga-Zaanan. Nagdadalamhati ang Bethezel, sapagkat kinuha sa kanila ang proteksiyon.
12 Mert beteg lett Marótnak lakosa az ő javai miatt; mert veszedelem szállt le az Úrtól Jeruzsálemnek kapujára.
Sapagkat balisang naghihintay sa magandang balita ang mga taga-Marot, dahil dumating ang sakuna mula kay Yahweh hanggang sa mga tarangkahan ng Jerusalem.
13 Gyors paripához kösd a szekeret, Lákisnak lakója! ki a bűnnek kezdője valál a Sion leányánál. Bizony te benned találtatnak Izráel vétkei!
Isingkaw ang karwahe sa pangkat ng mga kabayo, mga taga-Laquis. Ikaw Laquis, ang pinagsimulan ng kasalanan para sa anak na babae ng Zion, sapagkat nasumpungan sa iyo ang mga pagsuway ng Israel.
14 Azért adj válólevelet Moreset-Gátnak! Akzib házai megcsalják Izráel királyait.
Kaya magbibigay ka ng isang kaloob ng pamamaalam sa Moreset-Gat, bibiguin ng bayan ng Aczib ang mga hari ng Israel.
15 Még hozok én te néked örököst, Marésa lakosa; Adullámig hat el Izráel dicsősége!
Mga taga-Maresa, dadalhin ko sa iyo ang kukuha ng mga pag-aari mo. Pupunta sa kuweba ng Adullam ang mga pinuno ng Israel.
16 Nyírd le, kopaszítsd meg magadat a te gyönyörűséges fiaidért! Szélesítsd meg kopaszságodat, mint a keselyű; mert rabságra vitettek el tőled!
Ahitan mo ang iyong ulo at gupitan ang iyong buhok para sa kinalulugdan mong mga anak. Kalbuhin mo ang iyong sarili gaya ng mga agila, sapagkat patuloy na dadalhin ng sapilitan ang iyong mga anak mula sa iyo.