< Galatákhoz 6 >
1 Atyámfiai, még ha előfogja is az embert valami bűn, ti lelkiek, igazítsátok útba az olyant szelídségnek lelkével, ügyelvén magadra, hogy meg ne kísértessél te magad is.
Mga kapatid, kung ang isang tao ay nahuli sa ilang pagkakasala, kayo na espiritwal ang dapat magpanumbalik sa taong iyon sa espiritu ng kahinahunan. Bantayan ninyo ang inyong sarili, upang hindi kayo matukso.
2 Egymás terhét hordozzátok, és úgy töltsétek be a Krisztus törvényét.
Buhatin ninyo ang pasanin ng bawat isa, at nang sa gayon ay matupad ninyo ang kautusan ni Cristo.
3 Mert ha valaki azt véli, hogy ő valami, holott semmi, önmagát csalja meg.
Sapagkat kung sinuman ang nag-iisip na siya ay mahalaga gayong wala siyang halaga, nililinlang niya ang kaniyang sarili.
4 Minden ember pedig az ő maga cselekedetét vizsgálja meg, és akkor csakis önmagára nézve lesz dicsekedése és nem másra nézve.
Dapat suriin ng bawat isa ang kaniyang sariling gawa. At sa ganun mayroon na siyang maipagmayabang sa kaniyang sarili, na hindi kailangang ihambing pa ang kaniyang sarili sa iba.
5 Mert kiki a maga terhét hordozza.
Sapagkat bubuhatin ng bawat isa ang kaniyang sariling pasanin.
6 A ki pedig az ígére taníttatik, közölje minden javát tanítójával.
Ang taong tinuruan ng salita ay dapat ibahagi ang lahat na mabuting bagay sa guro.
7 Ne tévelyegjetek, Isten nem csúfoltatik meg; mert a mit vet az ember, azt aratándja is.
Huwag magpalinlang. Hindi madadaya ang Diyos. Anuman ang itinanim ng tao, iyon din ang kaniyang aanihin.
8 Mert a ki vet az ő testének, a testből arat veszedelmet; a ki pedig vet a léleknek, a lélekből arat örök életet. (aiōnios )
Sapagkat siya na nagtanim ng butil sa kaniyang likas na kasamaan ay aani din ng kapahamakan, ngunit siya na nagtanim ng butil ng Espiritu, ay aani ng buhay na walang hanggan na galing sa Espiritu. (aiōnios )
9 A jótéteményben pedig meg ne restüljünk, mert a maga idejében aratunk, ha el nem lankadunk.
Hindi tayo dapat mapagod sa paggawa ng mabuti, dahil sa takdang panahon magkakaroon tayo ng ani kung hindi tayo susuko.
10 Annakokáért míg időnk van, cselekedjünk jót mindenekkel, kiváltképen pedig a mi hitünknek cselédeivel.
Kaya nga, kung magroon tayong pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa bawat isa. Magsigawa tayo ng mabuti lalo na sa mga nasa sambahayan ng pananampalataya.
11 Látjátok, mekkora betűkkel írok néktek a saját kezemmel!
Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo sa aking sariling sulat-kamay.
12 A kik testre szépek szeretnének lenni, azok kényszerítenek titeket a körülmetélkedésre; csak azért, hogy a Krisztus keresztjéért ne üldöztessenek.
Silang naghahangad na makapagbigay kaluguran sa laman ang pumipilit sa inyo na magpatuli. Ginagawa lang nila ito upang hindi sila usigin tungkol sa krus ni Cristo.
13 Mert magok a körülmetélkedettek sem tartják meg a törvényt; hanem azért akarják, hogy ti körülmetélkedjetek, hogy a ti testetekkel dicsekedjenek.
Sapagkat maging ang mga tuli ay hindi sinusunod ang kautusan. Sa halip, nais nila kayong matuli upang maipagmalaki nila ang patungkol sa inyong laman.
14 Nékem pedig ne legyen másban dicsekedésem, hanem a mi Urunk Jézus Krisztus keresztjében, a ki által nékem megfeszíttetett a világ, és én is a világnak.
Hindi sana mangyari na ako ay magmalaki maliban lang sa krus ng ating Panginoong Jesu- Cristo. Sa pamamagitan niya ang sanlibutan ay napako sa krus sa akin at ako ay sa sanlibutan.
15 Mert Krisztus Jézusban sem a körülmetélkedés, sem a körülmetéletlenség nem használ semmit, hanem az új teremtés.
Sapagkat hindi mahalaga ang pagtutuli o hindi pagtutuli. Sa halip, ang bagong nilalang ang mahalaga.
16 És a kik e szabály szerint élnek, békesség és irgalmasság azokon, és az Istennek Izráelén.
Sa lahat ng mga nabubuhay sa ganitong patakaran, sumakanila nawa ang biyaya at awa, at ganun din sa Israel ng Diyos.
17 Ennekutána senki nékem bántásomra ne legyen; mert én az Úr Jézusnak bélyegeit hordozom az én testemben.
Mula ngayon wala ng manggugulo sa akin, sapagkat dala-dala ko ang mga marka ni Cristo sa aking katawan.
18 A mi Urunk Jézus Krisztusnak kegyelme legyen a ti lelketekkel atyámfiai! Ámen.
Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo, mga kapatid. Amen.