< Zsoltárok 88 >
1 Ének, zsoltár. Kórach fiaitól. A karmesternek, Máchalát szerint, éneklésre. Oktató dal az ezráchi Hémántól. Örökkévaló, segítségem Istene, nappal kiáltok, meg éjjel teelőtted;
Yahweh, Diyos ng aking kaligtasan, araw at gabi akong umiiyak sa iyo.
2 jusson eléd imádságom, hajlítsd füledet fohászkodásomra.
Pakinggan mo ang aking panalangin; pansinin mo ang aking pag-iyak.
3 Mert jóllakott lelkem bajokkal és életem az alvilághoz ért. (Sheol )
Dahil puno ako ng mga kaguluhan, at umabot na ang buhay ko sa Sheol. (Sheol )
4 Azokhoz számíttattam, kik a gödörbe szállnak, olyan lettem mint erő nélkül levő férfi
Tinuturing ako ng mga tao na gaya ng mga bumababa sa hukay; ako ay isang taong walang lakas.
5 a holtak között, odavetve, miként megölöttek, sírban fekvők, kikről nem emlékezel többé, hisz ők elszakíttattak kezedtől.
Iniwan ako sa gitna ng mga patay; katulad ako ng mga patay na nakahimlay sa libingan, na wala ka nang pakialam dahil naalis na (sila) mula sa iyong kapangyarihan.
6 Helyeztél engem a legal só gödörbe, sötétségbe, mélységbe.
Inilagak mo ako sa pinakamalalim na bahagi ng hukay, sa madilim at malalim na mga lugar.
7 Haragod reám eresztette súlyát, és mind a hullámaiddal sújtottál. Széla.
Nakadagan sa akin ang bigat ng iyong poot, at lahat ng iyong mga alon ay humahampas sa akin. (Selah)
8 Eltávolítottad ismerőseimet tőlem, utálattá tettél engem nekik, elzárva vagyok, nem juthatok ki.
Dahil sa iyo, iniiwasan ako ng mga kasama ko. Ginawa mo akong katakot-takot na tanawin sa kanila. Nakagapos ako at hindi ako makatakas.
9 Szemem elepedt a nyomortól, hívtalak téged, Örökkévaló, mindennap, kiterjesztettem hozzád kezeimet.
Namamaga ang mga mata ko dahil sa pighati; Buong araw akong tumatawag sa iyo, Yahweh; inuunat ko ang aking mga kamay sa iyo.
10 A holtaknak teszel-e csodát, avagy árnyak kelnek-e föl, magasztalnak-e téged? Széla.
Gagawa ka ba ng mga himala para sa patay? Babangon ba ulit silang mga namatay para papurihan ka? (Selah)
11 Elbeszélik-e a sírban szeretetedet, hűségedet az enyészetben?
Maihahayag ba sa libingan ang iyong katapatan sa tipan, ang iyong pagiging tapat sa lugar ng mga patay?
12 Ismerik-e a sötétségben csodádat, és igazságodat a feledés országában?
Malalaman ba ang kamangha-mangha mong mga ginawa sa kadiliman, o ang iyong katuwiran sa lugar ng pagkamakalimutin?
13 Én pedig hozzád, oh Örökkévaló, fohászkodtam és reggel elédbe jut imádságom.
Pero dumadaing ako sa iyo, Yahweh; sa umaga ay idinudulog ko sa iyong harapan ang aking mga panalangin.
14 Miért, oh Örökkévaló, veted el lelkemet, rejted el arczodat előlem?
Yahweh, bakit mo ako tinatanggihan? Bakit mo tinatago ang iyong mukha mula sa akin?
15 Szegény vagyok én és sínylődő ifjuságtól fogva, viselem ijedelmeidet, oda vagyok.
Matagal na akong naghihirap at nasa bingit na ng kamatayan simula pa nang aking kabataan. Nagdusa na ako sa labis mong galit; wala na akong magagawa.
16 Elvonulnak fölöttem föllobbanásaid, rettentéseid megsemmisítettek engem.
Dinaanan na ako ng iyong galit, at pinuksa ako ng katakot-takot mong mga gawain.
17 Körülvettek mint a víz egész nap, közrefogtak engem egyaránt.
Buong araw nila akong pinaligiran katulad ng tubig; pinalibutan nila ako.
18 Eltávolítottál tőlem barátot és társat, ismerőseim – csupa sötétség.
Tinanggal mo ang bawat kaibigan at kasama mula sa akin. Ang tanging kasama ko lang ay ang kadiliman.