< Példabeszédek 18 >

1 Kívánságát keresi a különváló, minden ellen, a mi üdvös, kitör.
Sinumang ihinihiwalay ang kaniyang sarili ay naghahangad ng sariling kagustuhan at siya ay nakikipagtalo sa lahat ng kaisipang may katuturan.
2 Nem talál kedvet a balga az értelemben, hanem abban, hogy feltáruljon a szíve.
Hindi nakasusumpong ng kasiyahan sa pag-unawa ang isang hangal maliban sa paghahayag ng laman ng kaniyang puso.
3 A gonosz jöttével jön a gúny is, a szégyennel együtt a gyalázat.
Sa pagdating ng masama, kasama niya ay paghamak, kahihiyan at kasiraan.
4 Mélységes vizek a férfi szájának szavai, bugyogó patak, bölcsesség forrása.
Ang mga salitang mula sa bibig ng tao ay malalim na katubigan, ang bukal na pinagdadaluyan ng karunungan.
5 Tekintettel lenni a gonoszra nem jó, elhajítani az igazat az ítéletben.
Hindi mabuti na pumanig sa masama o ang ipagkait ang katarungan sa mga matuwid.
6 A balgáknak ajkai pörbe kerülnek, és szája az ütlegeket híja.
Ang labi ng mangmang ay nagdadala ng alitan at ang kaniyang bibig ay nag-aanyaya ng kaguluhan.
7 A balgának szája rettegés neki, és ajkai lelkének a tőre.
Ang bibig ng mangmang ay ang kaniyang pagkasira, at ang kaniyang sarili ay nalilinlang ng kaniyang mga labi.
8 A suttogónak szavai akár a csemege, s azok leszálltak a testnek kamaráiba.
Ang mga salitang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain, bumababa ito sa kaloob-looban ng katawan.
9 Az is, ki munkájában henyélkedik, testvére a rontó embernek.
Sinumang tamad sa gawain ay kapatid sa taong mapanira.
10 Erős torony az Örökkévaló neve; abba fut az igaz és mentve van.
Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tore; ang matuwid na tumatakbo patungo rito ay ligtas.
11 A gazdagnak vagyona az ő erős vára és mint magas fal – képzeletében.
Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang tanggulang-lungsod, at sa kaniyang imahinasyon ito ay tulad ng isang mataas na pader.
12 Romlás előtt büszkélkedik az ember szíve, de a tiszteletnek előtte alázatosság van.
Bago ang kaniyang pagbagsak, ang puso ng tao ay mapagmataas, pero ang kababaang-loob ay nauuna bago ang karangalan.
13 A ki feleletet ad mielőtt hallaná, oktalanság az rá nézve és szégyen.
Sinumang sumasagot bago pa man makinig ay mangmang at kahiya-hiya.
14 A férfi lelke elbírja betegségét; de a levert lelket ki viseli el?
Ang espiritu ng tao ay mananaig sa karamdaman, ngunit ang espiritung mahina, sino ang makatitiis?
15 Az értelmesnek szíve tudást szerez, s a bölcseknek füle tudást keres.
Ang puso ng matalino ay nagkakamit ng kaalaman at ang pandinig ng marunong ay naghahangad nito.
16 Az ember ajándéka tág tért ad neki, és a nagyok elé vezeti őt.
Ang kaloob ng tao ay maaaring magbukas ng daan para dalhin siya patungo sa isang mahalagang tao.
17 Igaza van az elsőnek a pörében, de jön majd a társa és kikutatja.
Ang unang magsumamo ng kaniyang kaso ay mukhang tama hangga't ang kaniyang kalaban ay dumating at tanungin siya.
18 Viszályokat megszüntet a sorsvetés és erőseket szétválaszt.
Ang palabunutan ay nag-aayos ng gulo at naghihiwalay ng malalakas na katunggali.
19 A megsértett testvér keményebb az erős várnál, és viszályok akár a kastély retesze.
Ang kapatid na nasaktan ang damdamin ay mas mahirap na amuin kaysa isang matatag na lungsod, at ang pakikipagtalo ay tulad ng mga harang ng isang kastilyo.
20 A férfi szájának gyümölcséből jól lakik teste, ajkai terméséből lakik jól.
Mula sa bunga ng kaniyang bibig, ang kaniyang tiyan ay napupuno; sa ani ng kaniyang mga labi, siya ay nasisiyahan.
21 Halál és élet a nyelv kezében, s a ki szereti, élvezi gyümölcsét.
Ang kamatayan at ang buhay ay nasa kapangyarihan ng dila, at ang mga nagmamahal dito ay kakain ng bunga nito.
22 Asszonyt talált, jót talált és kegyet nyert az Örökkévalótól.
Ang sinumang nakatatagpo ng asawang babae ay nakahahanap ng mabuting bagay at tatanggap ng pagpapala mula kay Yahweh.
23 Könyörögve beszél a szegény, de a gazdag keményen felel.
Ang mahirap ay nanlilimos ng awa, pero ang sagot ng mayaman ay magaspang.
24 Vannak társak arra, hogy rosszul járjunk, s van barát, ki ragaszkodóbb testvérnél.
Sinumang umaangkin ng maraming kaibigan ay nadadala sa pagkasira ng mga kaibigang iyon, pero mayroong isang kaibigan na mas malapit pa sa isang kapatid.

< Példabeszédek 18 >