< Példabeszédek 17 >

1 Jobb száraz darab kenyér és nyugalom mellette, mint ház tele háborúságos áldozatokkal.
Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.
2 Eszes szolga uralkodni fog a szégyenletes fiún, és a testvérek közt osztozkodni fog az örökségen.
Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya, at siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid.
3 Tégely az ezüstnek s kohó az aranynak, de a szívek vizsgálója az Örökkévaló.
Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto: nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.
4 A gonosztevő figyel a jogtalanság ajkára, a hazug hallgat a veszedelem nyelvére.
Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.
5 A ki gúnyolódik a szegényen, káromolta alkotóját, a ki őrvend szerencsétlenségen, nem marad büntetlenül.
Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya: at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.
6 Az öregek koronája gyermekeik gyermekei és a gyermekek dísze a szüleik.
Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.
7 Nem illő az aljashoz fennhéjázó beszéd, hát még a nemeshez hazug beszéd.
Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.
8 Bűvös kő a megvesztegetés gazdája szemeiben: bármerre fordul, boldogul.
Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo: saan man pumihit ay gumiginhawa.
9 A ki eltakarja a bűntettet, szeretetet keres, de a ki ismételgeti a dolgot, barátot választ el.
Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig: nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
10 Mélyen hat a dorgálás az értelmesre, inkább mint mikor százszor ütik a balgát.
Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa, kay sa isang daang hampas sa mangmang.
11 Csak bajt keres az engedetlen, a kegyetlen követ bocsáttatik ellene.
Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik; kaya't isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya.
12 Találjon rá az emberre kölykétől megfosztott medve, és ne a balga az ő oktalanságában.
Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak, maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan.
13 A ki rosszat fizet jóért, nem mozdul el házából a baj.
Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti, kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.
14 Víznek kieresztése a viszály kezdete: mielőtt kitörne, hagyd abba a pört.
Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.
15 A ki fölmenti a bűnöst és elítéli az igazat: az Örökkévaló utálata mindkettejük.
Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid, kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon.
16 Minek is a vételár balgának kezében, hogy bölcsességet vegyen, s nincsen ész!
Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan, gayong wala siyang pagkaunawa?
17 Minden időben szeret a barát, de testvér szorongatás idejére születik.
Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.
18 Esztelen ember kézbe csap, kezességet vállal felebarátja előtt.
Ang taong walang unawa ay nakikikamay, at nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa.
19 A ki a bűntettet szereti, szereti a czívódást; a ki magasra teszi bejáratát, romlást keres.
Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit: ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan.
20 Álnok szívű nem talál jót, s a ki nyelvével ferde, bajba esik.
Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti: at siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan.
21 A ki balgának szülője, az neki bánatára van, és nem örül az aljasnak atyja.
Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan: at ang ama ng mangmang ay walang kagalakan.
22 Örvendő szív jó gyógyítást ad, de a levert lélek kiszárítja a csontot.
Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
23 Megvesztegetést vesz ki öléből a gonosz, hogy elhajlítsa a jog ösvényeit.
Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan, upang ipahamak ang daan ng kahatulan.
24 Az értelmesnek arcza előtt van a bölcsesség, de a balgának szemei föld végén járnak.
Karunungan ay nasa harap ng mukha ng naguunawa: nguni't ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa.
25 Bosszúsága atyjának a balga fiú, és keserűsége szülőanyjának.
Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, at kapaitan sa nanganak sa kaniya.
26 Még bírságolni az igazat sem jó, megverni a nemeseket a méltányosság ellenére.
Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran.
27 Visszatartja beszédét a ki tudást ismer, tartózkodó lelkű az értelmes ember,
Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa.
28 Az oktalan is, midőn hallgat, bölcsnek tekintetik, a ki becsukja ajkait, értelmesnek.
Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.

< Példabeszédek 17 >