< Náhum 1 >
1 Beszéd Ninivéről. Az elkósi Náchúm látomásának könyve.
Ang pahayag tungkol sa Ninive. Ang Aklat ng Pangitain ni Nahum, ang Elkoshita.
2 Buzgó és bosszuló Isten az Örökkévaló, bosszuló az Örökkévaló és hévvel teli; bosszuló az Örökkévaló ellenei iránt és haragot tartó ő az ellenségei iránt.
Si Yahweh ay mapanibughuing Diyos at mapaghiganti; si Yahweh ay mapaghiganti at puno ng poot; naghihiganti si Yahweh sa kaniyang mga kalaban, at ipinagpapatuloy ang galit niya sa kaniyang mga kaaway.
3 Az Örökkévaló hosszantűrő és nagy erejű, de megtolatlanul nem hagy; az Örökkévaló, szélvészben és viharban van az útja, és felhő lábainak a pora.
Banayad si Yahweh sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan; hindi niya ipahahayag na walang sala ang kaniyang mga kaaway. Si Yahweh ay gumagawa ng kaniyang daan sa ipu-ipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay mga alabok ng kaniyang mga paa.
4 Megdorgálja a tengert és szárazzá teszi, és mind a folyamokat kiapasztja; elhervadt Básán és Karmel, s a Libánon virágja elhervadt.
Sinasaway niya ang dagat at ginagawa itong tuyo; tinutuyo niya ang lahat ng ilog. Mahina ang Bashan, at gayon din ang Carmel; nanlulupaypay rin ang mga bulaklak sa Lebanon.
5 Hegyek rendültek meg előle, s a halmok olvadoztak, emelkedett a föld őelőtte, a világ és mind a benne lakók.
Nayayanig ang mga bundok sa kaniyang presensiya at natutunaw ang mga burol; nagsisiguho ang lupa sa kaniyang presensiya, sa katunayan, ang sanlibutan at ang lahat ng taong nabubuhay dito.
6 Haragvása előtt ki állhat meg, és ki maradhat meg föllobbanó haragja mellett? Heve kiomlott mint a tűz, és a sziklák szétrobbantak előle.
Sino ang makakaharap sa kaniyang poot? Sino ang makakapigil sa bagsik ng kaniyang galit? Ibinubuhos na tulad ng apoy ang kaniyang poot, at nahahati ang mga bato sa pamamagitan niya.
7 Jó az Örökkévaló, ótalom ő a szorongatás napján, és ismeri a hozzá menekvőket.
Si Yahweh ay mabuti, isang tanggulan sa panahon ng kaguluhan at tapat siya sa mga naglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya.
8 És átcsapó árral végpusztítást tesz annak helyével, ellenségeit pedig sötétségbe üldözi.
Ngunit gagawa siya ng isang lubos na pagwawakas sa kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng isang malaking baha, at hahabulin niya sila hanggang sa kadiliman.
9 Mit gondoltok ki az Örökkévaló ellen? Végpusztítást tesz ő! Nem támad kétszer a szorongatás.
Ano ang masamang binabalak ninyong mga tao laban kay Yahweh? Wawakasan niya ito nang lubusan at hindi na magkakaroon ng kaguluhan sa ikalawang pagkakataon.
10 Mert ha bozótképen bogzódtak is és mint boruk átázottak, megemésztetnek, mint száradt tarló, teljesen.
Sapagkat magiging sala-salabat silang tulad ng matinik na mga halaman; malulunod sila sa kanilang sariling inumin; lubos silang lalamunin sa pamamagitan ng apoy tulad ng tuyong pinaggapasan.
11 Belőled származott az, ki rosszat gondolt ki az Örökkévaló ellen, alávalóságot tanácsoló!
May isang titindig mula sa iyo, Ninive, ang siyang nagbalak ng masama laban kay Yahweh, isang taong nagtaguyod ng kasamaan.
12 Így szól az Örökkévaló: Bár teljesek, s még számosak is: mégis eltűntek s elmúltak, s téged ha megsanyargattalak, nem sanyargatlak meg többé.
Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Kahit na napakalakas at napakarami ang bilang nila, gayon pa man, sila ay gugupitin; mawawala ang kanilang mga tao. Ngunit ikaw, Juda: Kahit na pinahirapan kita, hindi na kita pahihirapang muli.
13 És most letöröm jármát terólad, és köteleidet szétszakítom.
Ngayon aking babaliin ang pamatok ng mga taong iyon paalis sa iyo; sisirain ko ang iyong mga tanikala.”
14 Rólad pedig elrendeli az Örökkévaló: Nem lesz magzat többé nevedről; istened házából kiírtok faragott és öntött képet: megcsináltam sírodat, mert könnyű voltál!
At nagbigay si Yahweh ng isang utos tungkol sa iyo, Ninive: “Wala nang kaapu-apuhan ang magdadala ng iyong pangalan. Aking ihihiwalay ang inukit na mga larawan at ang minoldeng mga larawang gawa sa metal mula sa mga tahanan ng iyong mga diyos. Huhukayin ko ang iyong mga libingan, sapagkat napakasama mo.”
15 Íme a hegyeken a hírhozónak lábai, ki békét hirdet: Ünnepeld, Jehúda, ünnepeidet, fizesd meg fogadásaidat, – mert már nem fog többé rajtad átvonulni az alávaló, egészen kiírtatott.
Tingnan mo, nasa mga kabundukan ang mga paa ng isang taong nagdadala ng magandang balita, na siyang naghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Juda, at tuparin ang iyong mga pangako, sapagkat hindi ka na sasalakayin pa ng masasama, siya ay lubos na naihiwalay.