< Jób 41 >
1 Kihúzod-e a leviátánt horoggal, s kötéllel lenyomod-e nyelvét?
Kaya mo bang palabasin ang leviatan gamit ang kawit sa pangingisda? O igapos ang mga panga niya gamit ang tali?
2 Teszel-e kákagúzst orrába és kampóval átlyukaszthatod-e állkapcsát?
Kaya mo bang maglagay ng lubid sa ilong niya, o butasin ang panga niya gamit ang kawit?
3 Fog-e könyörögni neked, avagy szelíden beszél-e hozzád?
Magsusumamo ba siya sa iyo nang paulit-ulit? Magsasabi ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
4 Köt-e veled szövetséget, veheted-e örökre szolgául?
Gagawa ba siya ng kasunduan sa iyo, na dapat mo siyang gawing alipin magpakailanman?
5 Játszhatsz-e vele mint madárral, s megkötöd-e leányzóid számára?
Makikipaglaro ka ba sa kaniya nang katulad sa ibon? Itatali mo ba siya para sa iyong mga aliping babae?
6 Alkudnak-e rajta kalmártársak, szétosztják-e kereskedők közt?
Tatawad ba ang mga pangkat ng mga mangingisda para sa kaniya? Hahatiin ba nila siya para makipagkalakalan sa mga mangangalakal?
7 Megrakod-e tüskékkel a bőrét és halászszigonnyal fejét?
Kaya mo bang punuin ang tagiliran niya ng mga salapang o ang ulo niya ng mga sibat sa pangingisda?
8 Vesd rá kezedet, gondolj harczra – nem teheted többé.
Ilagay mo ang iyong kamay sa kaniya minsan lamang, at maaalala mo ang labanan at hindi na ito gagawin.
9 Lám, az ember várakozása megcsalatkozott, hisz már láttára is leterül.
Tingnan mo, ang pag-asa ng sinumang ginagawa iyon ay kasinungalingan; hindi ba mapapatirapa sa lupa sa pagtingin lamang sa kaniya?
10 Nincs vakmerő, ki felingerelné: ki az tehát, ki én elémbe áll?
Walang matapang na maglalakas-loob na pukawin ang leviatan; sino ngayon, ang makatatayo sa harap ko?
11 Ki előzött meg valamivel, hogy fizessek? Mi az egész ég alatt van, enyém az.
Sino ang unang nagbigay sa akin ng anumang bagay na dapat ko siyang bayaran pabalik? Anuman ang nasa ilalim ng buong kalangitan ay sa akin.
12 Nem hallgathatom el tagjait, sem hatalmának mivoltát, sem testalkatának kellemét.
Hindi ako mananahimik tungkol sa mga binti ng leviatan, maging ang tungkol sa kaniyang kalakasan, maging ang kaniyang kaaya-ayang anyo.
13 Ki takarta fel ruhájának felszínét, páros fogsora közé ki hatol be?
Sino ang makatatanggal ng kaniyang panlabas na takip? Sino ang makapapasok sa kaniyang dobleng baluti?
14 Arczának ajtait ki nyitotta fel, fogai körül rettenet!
Sino ang makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha— napalilibutan ng kaniyang mga ngipin na kakila-kilabot?
15 Büszkeség pajzsainak csatornái, szoros pecséttel lezárva;
Ang kaniyang likod ay gawa sa mga hanay ng mga kalasag, magkakalapit na katulad ng saradong selyo.
16 egyik éri a másikat, s levegő sem jut közéjök;
Magkalapit sila sa isa't isa na walang hangin na nakapapasok sa gitna nila.
17 egyik tapad a másikhoz, összefogódznak s nem válnak szét.
Magkadugtong sila; magkadikit sila, para hindi sila mapaghihiwalay.
18 Tüsszentése fényt sugároztat és szemei olyanok mint a hajnal szempillái.
Kumikislap ang liwanag mula sa kaniyang pagsinghal; ang kaniyang mga mata ay tulad ng talukap ng bukang-liwayway.
19 Szájából fáklyák csapnak ki, tüzes sziporkák szökkennek el.
Mula sa bibig niya ay mga nag-aapoy na sulo, ang mga kislap ng apoy ay nagtatalsikan.
20 Orrlyukaiból füst megy ki, mint forró üstből kákatörzsön.
Mula sa mga butas ng kaniyang ilong ay usok katulad ng kumukulong palayok sa apoy na pinaypayan para maging sobrang init.
21 Lehelete parazsat lobbant föl, és láng megy ki szájából.
Ang kaniyang hininga ay sinisindihan ng mga uling para lumagablab; apoy ang lumalabas sa bibig niya.
22 Nyakán erő tanyázik, előtte szökik a csüggedés.
Kalakasan ang nasa leeg niya, at sumasayaw ang takot sa harap niya.
23 Húsának lafantyúi feszesek, szilárdak rajta, nem fityegnek.
Magkakadugtong ang mga tupi ng kaniyang laman; nakakapit sila sa kaniya; hindi sila magagalaw.
24 Szíve szilárd mint a kő és szilárd mint az alsó malomkő.
Ang kaniyang puso ay kasing tigas ng bato— sa katunayan, kasing tigas ng batong gilingan.
25 Emelkedésétől hatalmasak félnek, megtöretésétől megzavarodnak.
Kapag tinataas niya ang kaniyang sarili, kahit ang mga diyos ay natatakot; dahil sa takot, umaatras sila.
26 Ha ki karddal éri, ez nem áll meg benne, sem dárda, kopja s nyílvas.
Kung tatamaan siya ng espada, wala itong magagawa— at maging ang sibat, palaso at iba pang matulis na sandata.
27 Szalmának tekinti a vasat, korhadt fának az érczet;
Ang tingin niya sa bakal ay parang dayami, at sa tanso ay parang bulok na kahoy.
28 meg nem szalasztja az íjj fia, tarlóvá változnak át rajta parittyakövek.
Hindi siya mapapatakbo ng palaso; sa kaniya ang mga bato ng tirador ay nagiging ipa.
29 Tarlónak tekinti a buzogányt, s nevet a lándzsának süvítésén.
Ang mga pamalo ay parang dayami; pinagtatawanan niya ang sumusuray na paglipad ng sibat.
30 Alul rajta kiélezett cserepek, cséplőszánt terít az iszapra.
Ang kaniyang mga pambabang bahagi ay tulad ng mga matatalim na piraso ng basag na palayok; iniiwan niya ang malaking bakas sa putik na para siyang karetang giikan.
31 Felforralja, mint a fazekat, a mélységet, olyanná teszi a tengert, mint keverő üstöt.
Pinabubula niya ang kailaliman katulad ng kumukulong tubig sa palayok; ginagawa niya ang dagat na parang palayok ng pamahid.
32 Mögötte világít egy ösvény, őszhajnak lehet gondolni az árt.
Pinakikinang niya ang landas na dinaanan niya; iisipin ng isang tao na ang kailaliman ay puti.
33 Nincs földön párja neki, mely alkotva van rettenthetetlennek.
Sa lupa ay walang makapapantay sa kaniya, na ginawa para mamuhay nang walang takot.
34 Minden magast lenéz, király ő mind a büszke vadak fölött.
Nakikita niya ang lahat ng mayabang; siya ang hari ng lahat ng mga anak ng kayabangan.”