< Ézsaiás 63 >
1 Ki ez, aki Edómból jön, piros ruhában Boczrából ez, aki díszes az öltözetében, lépdelve ereje bőségében? Én vagyok, ki igazsággal beszél, ki nagy a segítésben!
Sino itong dumarating mula sa Bozra, nasa Edom, na nakadamit na pula? Sino siyang naka maharlikang kasuotan, nagmamartsa nang may katiyakan dahil sa kanyang dakilang kalakasan? Ako ito na nagsasalita ng katuwiran at may makapangyarihang kakayanan magligtas.
2 Miért vörös a te öltözeted és ruháid olyanok mint a prést tipróé?
Bakit pula ang suot mo na mukhang nagpipisa ka ng mga ubas sa pigaan nito?
3 Sajtót tiportam én egyedül, és a népek közül senki sem volt velem, tiportam őket haragomban és tapostam hevemben; ruháimra freccsent a levük és egész öltözékemet bemocskoltam.
Mag-isa kong tinapakan ang mga ubas sa pigaan, at walang sinuman mula sa mga bansa ang sumama sa akin. Tinapakan ko sila sa aking poot at dinurog ko sila sa aking matinding galit. Tumilamsik ang kanilang dugo at minantsahan ang lahat ng aking kasuotan.
4 Mert bosszú napja volt a szívemben, és megváltottjaim éve eljött.
Dahil inaasam-asam ko ang araw ng paghihiganti, at dumating na ang taon para sa aking pagtubos.
5 Néztem és nincs segítő, bámultam és nincs támogató; akkor segített nekem az én karom és hevem, az támogatott engem.
Naghanap ako pero walang sinuman ang makakatulong. Nagtaka ako na walang makakatulong, pero ang aking sariling bisig ang nagdala sa akin sa katagumpayan at pinalakas ako ng aking matinding galit.
6 És összetiportam népeket haragomban és megrészegítettem hevemmel, és lefolyattam a földre levüket.
Sa aking galit dinurog ko ang mga mamamayan at sa aking poot nilasing ko sila, at isinaboy ko ang kanilang dugo sa lupa.
7 Az Örökkévaló kegyeit emlegetem, az Örökkévaló dicséreteit mind azok szerint, amiket művelt velünk az Örökkévaló, a nagy jóságot Izrael háza iránt, amelyet velük művelt irgalma szerint és kegyeinek bősége szerint.
Sasabihin ko ang mga gawa ng katapatan sa tipan ni Yahweh, ang mga kapuri-puring mga ginawa niya para sa atin at ang kanyang dakilang kabutihan sa bayan ng Israel. Ang kahabagang ito ay naipakita niya sa atin dahil sa kanyang awa at sa maraming mga gawa ng katapatan sa tipan.
8 Azt mondta: bizony népem ők, fiak, akik nem hazudnak – és lett nekik segítőül.
Dahil sinabi niya, “Tiyak na sila ang aking bayan, mga anak na hindi taksil.” Siya ay kanilang naging Tagapagligtas.
9 Minden szorultságukban ő szorult meg, arcának angyala segítette meg őket, szeretetében és könyörületében ő váltotta meg őket; felvette és vitte őket az őskor mindennapjaiban.
Nagdusa rin siya sa lahat ng kanilang pagdurusa at ang anghel mula sa kanyang presensya ang nagligtas sa kanila. Sa kanyang pag-ibig at habag sila ay kanyang iniligtas, sila ay kanyang itinaas at iningatan sa buong sinaunang panahon.
10 De ők engedetlenkedtek és megbúsították szentséges szellemét és ellenséggé változott irántuk, ő harcolt ellenük.
Pero sila ay nagrebelde at pinighati ang kanyang Banal na Espiritu. Kaya siya ay naging kaaway nila at nakipaglaban sa kanila.
11 Ekkor megemlékezett az őskor napjairól, Mózesről, a népe: Hol van, ki felvezette őket a tengerből nyája pásztorával, hol van, aki beletette szentséges szellemét?
Naalala ng kanyang bayan ang tungkol sa sinaunang panahon ni Moises. Sinabi nila, “Nasaan ang Diyos, na naglabas sa kanila sa dagat kasama ang mga pastol ng kanyang kawan? Nasaan ang Diyos na naglagay sa kanila ng kanyang Banal na Espiritu?
12 Aki járatta Mózes jobbján dicsőséges karját, meghasította a vizeket előttük, hogy szerezzen magának örök nevet.
Nasaan ang Diyos, na naglagay ng kanyang dakilang kapangyarihan sa kanang kamay ni Moises, at hinawi ang tubig ng dagat sa kanilang harapan para gumawa ng walang hanggang pangalan para sa kanyang sarili?
13 Járatta őket mélységekben, mint a ló a pusztában nem botlottak meg.
Nasaan ang Diyos na pinangunahan sila sa pagtawid sa malalim na dagat? Tulad ng isang kabayo na tumatakbo sa patag na lupa, sila ay hindi nadapa.
14 Mint állat, mely leszáll a síkságba, nyugodni viszi őt az Örökkévaló szelleme: úgy vezetted népedet, hogy szerezz magadnak dicsőséges nevet.
Gaya ng baka na bumababa papunta sa lambak, ganun din sila binigyan ng kapahingahan ng Espiritu ni Yahweh. Kaya ginabayan mo ang iyong bayan para sa kapurihan ng iyong sariling pangalan.
15 Tekints az égről és láss, szent és dicsőséges hajlékodból! Hol van buzgalmad és hatalmad? Belsőd megindulása és irgalmad türtőztették magukat irántam!
Tumingin ka mula sa langit at magbigay pansin mula sa iyong banal at maluwalhating tahanan. Nasaan ang iyong kasigasigan at makapangyarihang mga gawa? Ipinagkait sa amin ang iyong awa at habag.
16 Mert te vagy atyánk, mert Ábrahám nem tud rólunk és Izrael nem ismer bennünket; te Örökkévaló vagy az atyánk, öröktől való megváltónk a te neved.
Dahil ikaw ay aming ama, kahit hindi kami kilala ni Abraham at hindi kinikilala ng Israel, ikaw, Yahweh, ang aming ama. 'Aming Manunubos' ang naging pangalan mo mula pa noong sinaunang panahon.
17 Miért tévelyegtetsz el bennünket, Örökkévaló, a te utaidról, elkeményíted szívünket a te félelmedtől? Térj vissza a te szolgáid, örökséged törzsei kedvéért!
Yahweh, bakit mo kami hinayaang maligaw mula sa iyong mga landas at tumigas ang aming mga puso kaya hindi ka na namin sinusunod? Bumalik ka para sa kapakanan ng iyong mga lingkod, ang mga lipi ng iyong pamana.
18 Csekély ideig bírta szent néped, szorongatóink összetiporták szentélyedet.
Ang bayan mo ang nagmay-ari ng iyong banal na lugar sa maiksing panahon, pero pagkatapos niyurakan ito ng aming mga kaaway.
19 Olyanok lettünk, mint akiken soha nem uralkodtál, akik fölött nem neveztetett a te neved.
Kami ay naging tulad ng mga hindi mo kailanman pinamahalaan at tinawag sa pamamagitan ng iyong pangalan.”