< Ézsaiás 24 >
1 Íme az Örökkévaló megüresíti és pusztává teszi a földet, felforgatja a színét és szétszórja lakóit
Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon.
2 És olyan lesz a nép mint a pap, a szolga mint az úr, a szolgáló mint az úrnője, a vevő mint az eladó, a kölcsönadó mint a kölcsönvevő, a hitelező mint akinek hitelez.
At mangyayari, na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.
3 Megüresedve megüresedik a föld és kifosztódva kifosztódik, mert az Örökkévaló mondta ki ezt az igét.
Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman; sapagka't sinalita ng Panginoon ang salitang ito.
4 Gyászol, hervad; a föld, elfonnyad, elhervad a világ, elfonnyadnak a föld népének magasai.
Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina.
5 És a föld fertőzötté; lett a lakói alatt, mert megszegtek tanokat, megtörtek törvényt, megbontották az örök szövetséget.
Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang tipan.
6 Ezért átok emésztette a földet és bűnhődtek a rajta lakók; ezért megégtek a föld lakói és csekély számban maradt ember.
Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao.
7 Gyászolt a must, fonnyadt a szőlő, sóhajtoznak a vígszívűek.
Ang bagong alak ay pinabayaan, ang puno ng ubas ay nalanta, lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga.
8 Megszűnt a dobok vigassága, elmaradt az ujjongók zaja, megszűnt a hárfa vigassága.
Ang saya ng mga pandereta ay naglikat, ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas, ang galak ng alpa ay naglikat.
9 Dal mellett nem isznak majd bort, keserű lesz ivóinak a részegítő ital.
Sila'y hindi magsisiinom ng alak na may awitan; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon.
10 Megtöretett a semmiség városa, elzáratott minden ház, nincs bemenés.
Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak: bawa't bahay ay nasarhan, upang walang taong makapasok doon.
11 Kiáltás van a borért az utcákon, lealkonyodott minden öröm, elköltözött a föld vigassága.
May daing sa mga lansangan dahil sa alak; lahat ng kagalakan ay naparam, ang kasayahan sa lupa ay nawala.
12 Maradt a városban pusztulás és rommá zúzatik szét a kapu.
Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak.
13 Mert így lesz az a földön, a népek közepette, mint mikor leverik az olajfát, mint böngészéskor, ha vége van a szüretnek.
Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani.
14 Amazok fölemelik hangjukat, ujjonganak, az Örökkévaló fensége miatt vigadnak a tenger felől.
Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.
15 Ezért a fénytájakon tiszteljétek az Örökkévalót, a tenger szigetéin az Örökkévalónak, Izrael Istenének nevét.
Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.
16 A föld széléről dalokat hallottunk: Díszt az igaznak. Én meg mondtam: végem van, végem van, jaj nekem; hűtlenek hűtlenkedtek és hűtlenséggel hűtlenkedtek a hűtlenek.
Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.
17 Rettegés, örvény és tőr ellened, lakója a földnek!
Takot, at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.
18 És lesz, aki futamodik a rettegés hangjától, beleesik az örvénybe, és aki feljön az örvényből, megfogatik a tőrben. Mert ablakrácsok a magasból megnyíltak és megrendültek a föld alapjai.
At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga.
19 Zúzva szétzúzódott a föld, morzsolva elmorzsolódott a föld, tántorodva megtántorodott a föld.
Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.
20 Inogva inog a föld, mint a részeges és megrázkódik mint a kaliba; rá nehezedik bűne, elesik és többé föl nem kel.
Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.
21 És lesz azon napon, megbünteti az Örökkévaló a magasság seregét a magasságban és a föld királyait a földön.
At mangyayari, sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.
22 És összegyűjtetnek, mint foglyokat gyűjtenek a börtönbe és elzáratnak zárt helyre; de sok nap után gondolnak rájuk.
At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.
23 És elpirul a hold és megszégyenül a nap, mert király lett az Örökkévaló, a seregek ura Czión hegyén és Jeruzsálemben, és vénei előtt dicsőség van.
Kung magkagayo'y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.