< 1 Mózes 49 >

1 És szólította Jákob az ő fiait és mondta: Gyűljetek egybe, hadd adom tudtotokra, mi ér benneteket a késő jövőben.
Pagkatapos tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi: “Magsama-sama kayo, para sabihin ko kung ano ang mangyayari sa inyo sa hinaharap.
2 Gyülekezzetek és halljátok Jákob fiai, hallgassatok Izraelre, a ti atyátokra.
Magpulong kayo at makinig, kayong mga anak na lalaki ni Jacob. Makinig kayo kay Israel, ang inyong ama.
3 Rúbén, elsőszülöttem vagy te, erőm és tehetségem zsengéje, első méltóságra, első hatalomra!
Ruben, ikaw ang aking panganay, aking lakas, at ang simula ng aking kalakasan, katangi-tangi ang dangal at katangi-tangi ang kapangyarihan.
4 De túláradtál, mint a víz, ne légy első, mert fölszálltál atyád fekvőhelyére, akkor szentségtörő voltál bizony ágyamra szállt föl.
Katulad ng hindi mapipigilan na matuling agos ng tubig, hindi ka magkakaroon ng katanyagan, dahil sumampa ka sa kama ng iyong ama. Dinungisan mo ito; sumampa ka sa aking higaan.
5 Simon és Lévi testvérek, erőszakosság eszközei az ő fegyvereik.
Sina Simeon at Levi ay magkapatid. Mga armas na marahas ang kanilang mga tabak.
6 Tanácsukba ne jusson lelkem, gyülekezetükkel ne egyesüljön becsületem; mert haragjukban embert öltek és önkényükben ökröt bénítottak.
O aking kaluluwa, huwag kayong pumunta sa kanilang konseho, huwag kayong makiisa sa kanilang pagpupulong, dahil labis ang karangalan ng aking puso para dito. Papatay sila ng mga tao dahil sa kanilang galit. Pipilayan nila ang baka para sa kanilang kasiyahan.
7 Átkozott az ő haragjuk, mert hatalmas és fölgerjedésük, mert kegyetlen! Elosztom őket Jákobban és elszórom őket Izraelben.
Nawa sumpain ang kanilang galit, dahil ito ay mabagsik—at ang kanilang matinding galit, dahil ito ay malupit. Hahatiin ko sila kay Jacob at ikakalat ko sila sa Israel.
8 Júda te, téged dicsőítenek testvéreid – kezed ellenségeid nyakán! Előtted leborulnak atyád fiai.
Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid na lalaki. Ang iyong kamay ay nasa leeg ng iyong mga kaaway. Yuyuko sa iyo ang mga anak na lalaki ng iyong ama.
9 Fiatal oroszlán Júda; zsákmánylásból jöttél fel fiam! Lehever, leterül, mint oroszlán és nőstény-oroszlán, ki kelti föl őt!
Si Juda ay isang batang leon. Anak ko, tapos ka na sa iyong mga biktima. Yumuko siya, yumukod siya katulad ng leon, katulad ng leona. Sino ang hahamon na gisingin siya?
10 Nem távozik a jogar Júdából és a törvény pálca lábai közül, míg nem eljön Silóba és az övé a népek hódolata.
Hindi mawawala ang setro sa Juda, kahit ang tungkod ng pinuno mula sa pagitan ng kanyang mga paa, hanggang dumating ang Silo. Susunod ang mga bansa sa kanya.
11 Odaköti a szőlőtőhöz csikaját, a venyigéhez szamarának vemhét; borban mossa öltözetét és szőlővérben ruháját.
Pagkatali ng kanyang batang kabayo sa puno ng ubas at ng batang asno sa piling puno ng ubas, nilabhan niya ang kanyang mga kasuotan ng alak at ang kanyang balabal sa dugo ng mga ubas.
12 Piros szemű a bortól, fehér fogú a tejtől.
Ang mata niya ay magiging kasing itim ng alak, at ang kanyang ngipin ay kasing puti ng gatas.
13 Zebúlun tengerek partján lakik, ő a hajók vénénél és oldala Cidónnál.
Titira si Zebulon sa tabing-dagat. Magiging daungan siya ng mga barko at aabot ang kanyang hangganan sa Sidon.
14 Isszáchár csontos szamár, hever a cserények; között;
Malakas na asno si Isacar na nakahiga sa gitna ng tupahan.
15 látta a nyugalmat, hogy jó és a földet, hogy kellemes, vállát hajtotta a teherhordásra és lett adófizető szolgává.
Nakakakita siya ng mabuting lugar na pagpahingahan at kaaya-ayang lupain. Iyuyukod niya ang kanyang balikat para pumasan at naging isang alipin para sa tungkulin.
16 Dán ítél majd népe fölött, mint bármelyike Izrael törzseinek.
Hahatulan ni Dan ang kanyang mga tao bilang isa sa mga lipi ng Israel.
17 Dán kígyó lesz az úton, vipera az ösvényen, megmarja a ló sarkát, hogy hátrabukik lovasa.
Magiging tulad ng ahas si Dan sa gilid ng daan, isang nakalalasong ahas sa daan na nanunuklaw ng mga sakong ng kabayo, upang mahulog ng patalikod ang kanyang sakay.
18 Segítségedet remélem; Örökkévaló.
Maghihintay ako sa iyong pagliligtas, Yahweh.
19 Gád csapat csődül ellene, de ő sarkába csap.
Si Gad—lulusubin siya ng mga mananalakay, pero sasalakay siya sa kanilang mga sakong.
20 Asérnek kövér a kenyere és ő ad királyi csemegéket.
Magiging masagana ang pagkain ni Aser, at magbibigay siya ng mga pagkain sa maharlika.
21 Náftáli szabadjára eresztett szarvasünő; ő ad szép szózatokat.
Si Nephtali ay isang malayang babaeng usa; magkakaroon siya ng magandang mumunting mga usa.
22 Termő sarjadék József, termő sarjadék a forrás mellett; sarjai felkúsztak a falra.
Si Jose ay magiging mabungang sanga, isang mabungang sanga malapit sa batis at aakyat sa pader ang mga sanga.
23 Azért keserítették, lövöldözték és gyűlölték a nyilasok,
Lulusubin siya, papanain at guguluhin ng mga namamana.
24 de megmaradt mereven az íjja, megizmosodtak kezeinek karjai, Jákob hatalmasának kezétől, onnan, Izrael pásztorától, szirtjétől;
Pero mananatili ang kanyang pana, at magiging dalubhasa ang kanilang mga kamay dahil sa mga kamay ng Makapangyarihan kay Jacob, dahil sa pangalan ng Pastol, at ang Bato ng Israel.
25 atyád Istenétől, aki megsegít téged, a Mindenhatótól, aki megáld téged, az egek áldásával felülről, a mélység áldásával, mely alant honol, az emlők és az anyaméh áldásával.
Dahil ang Diyos ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo, at dahil sa makapangyarihang Diyos na siyang magbabasbas sa iyo ng pagpapala sa kalangitan, mga pagpapala sa kailaliman na nasa ibaba, mga pagpapala sa mga dibdib at sinapupunan.
26 Atyád áldásai meghaladták az én szüleim áldásait, egész az örök halmok határáig, szálljanak József fejére, feje tetejére testvérei koszorúzottjának.
Mas malaki pa ang mga pagpapala ng iyong ama kaysa sa mga sinaunang bundok o kanais-nais na mga bagay ng walang hanggang mga burol. Sila ay nasa ulo ni Jose, pagpapala na kokorona sa ulo ng isang prinsipe na nakakataas sa kanyang mga kapatid.
27 Benjámin farkas, mely széjjelszaggat; reggel fölemészti a ragadmányt és este oszt zsákmányt.
Gutom na lobo si Benjamin. Lalamunin niya ang kanyang nahuli sa umaga, at hahatiin niya ang mga nakaw sa gabi.”
28 Mindezek Izrael törzsei, tizenkettő és ez az, amit szólt hozzájuk atyjuk, midőn megáldotta őket; mindegyiket a maga áldása szerint áldotta meg.
Ito ang mga labindalawang lipi ng Israel. Ito ang sinabi ng kanilang ama nang sila ay pinagpala niya. Bawat isa ay pinagpala niya ng nararapat na pagpapala.
29 És megparancsolta nekik és mondta nekik: Én eltakaríttatom népemhez, temessetek el engem atyáim mellé a barlangba, mely Efrónnak, a chittinek mezejében van;
Tinuruan niya sila at sinabihang, “Ako nga ay pupunta na sa aking mga tao. Ilibing ninyo ako kasama ng aking mga ninuno sa kuweba na nasa bukid ni Efron ang Heteo,
30 a barlangba, – mely Máchpéla mezejében, mely Mámré előtt van Kánaán országában – a melyet megvett Ábrahám mezőstül Efróntól, a chittitől sírnak való birtokul.
sa kuweba na nasa bukid ng Macpela, na malapit sa Mamre sa lupain ng Canaan, ang bukid na binili ni Abraham kay sa Efron ang Heteo para maging libingan.
31 Ott temették el Ábrahámot és Sárát, az ő feleségét, ott temették el Izsákot és Rebekát, az ő feleségét és oda temettem el Léát.
Doon inilibing si Abraham at Sara na kanyang asawa; inilibing nila roon si Isaac at Rebeca na kanyang asawa; at inilibing ko roon si Lea.
32 Megvett birtok a mező és a barlang, mely benne van, Chész fiaitól.
Binili ang bukid at ang kuweba rito mula sa mga Heth.”
33 Midőn végzett Jákob azzal, hogy parancsot adjon fiainak, fölszedte lábait az ágyra; kimúlt és eltakaríttatott népéhez.
Nang matapos ni Jacob ang kanyang mga tagubilin sa kanyang mga anak na lalaki, iniunat niya ang kanyang mga paa sa kama at inihinga ang huling hininga, at pumunta sa kanyang mga tao.

< 1 Mózes 49 >