< Ezsdrás 8 >
1 És ezek atyai házaik fejei és származási rendjük; akik velem Bábelből fölvonultak Artachsaszt király uralma alatt.
Ito nga ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ito ang talaan ng lahi nila na nagsiahong kasama ko mula sa Babilonia, sa paghahari ni Artajerjes na hari.
2 Pínechász fiai közül: Gérsóm; Itámár fiai közül: Dániél; Dávid fiai közül Chattús.
Sa mga anak ni Phinees, si Gerson; sa mga anak ni Ithamar, si Daniel; sa mga anak ni David, si Hattus.
3 Sekhanja fiai közül, Pareós fiai közül: Zekharja és vele együtt származás szerint, férfiak százötvenen.
Sa mga anak ni Sechanias: sa mga anak ni Pharos, si Zacarias; at kasama niya na nabilang ayon sa talaan ng lahi ang mga lalake na isang daan at limang pu.
4 Páchat-Móáb fiai közül: Eljehoénáj, Zerachja fia s vele kétszázan, a férfiak.
Sa mga anak ni Pahath-moab, si Eliehoenai na anak ni Zarahias, at kasama niya'y dalawang daang lalake.
5 Sekhanja fiai közül: Jachaziél fia s vele háromszázan, a férfiak.
Sa mga anak ni Sechanias, ang anak ni Jahaziel; at kasama niya'y tatlong daang lalake.
6 És Ádin fiai közül: Ébed, Jónátán fia, s vele ötvenen, a férfiak.
At sa mga anak ni Adin, si Ebed na anak ni Jonathan; at kasama niya ay limang pung lalake.
7 És Élám fiai közül: Jesája, Atalja fia, s vele hetvenen, a férfiak.
At sa mga anak ni Elam, si Isaia na anak ni Athalias, at kasama niya'y pitong pung lalake.
8 És Sefatja fiai közül: Zebadja, Míkháél fia, s vele nyolczvanan, a férfiak.
At sa mga anak ni Sephatias, si Zebadias na anak ni Michael; at kasama niya'y walong pung lalake.
9 Jóáb fiai közül: Óbadja, Jechíél fia, s vele kétszáztizennyolczan, a férfiak.
Sa mga anak ni Joab, si Obadias na anak ni Jehiel; at kasama niya'y dalawang daan at labing walong lalake.
10 És Selómit fiai közül: Jószifja fia, s vele százhatvanan, a férfiak.
At sa mga anak ni Solomit, ang anak ni Josiphias; at kasama niya'y isang daan at anim na pung lalake.
11 És Bébáj fiai közül: Zekharja, Bébáj fia, s vele huszonnyolczan, a férfiak.
At sa mga anak ni Bebai, si Zacarias na anak ni Bebai; at kasama niya ay dalawang pu't walong lalake.
12 És Azgád fiai közül: Jóchánán, Hákkátán fia, s vele száztízen, a férfiak.
At sa mga anak ni Azgad, si Johanan na anak ni Catan; at kasama niya ay isang daan at sangpung lalake.
13 És Adóníkám fiai közül az utolsók s ezek neveik: Elípélet, Jeíél és Semája s velök hatvanan, a férfiak.
At sa mga anak ni Adonicam, na siyang mga huli: at ang mga ito ang kanilang mga pangalan: Eliphelet, Jeiel, at Semaias, at kasama nila ay anim na pung lalake.
14 És Bigváj fiai közül: Útaj és Zakkúr, s velök hetvenen, a férfiak.
At sa mga anak ni Bigvai, si Utai at si Zabud: at kasama nila ay pitong pung lalake.
15 És összegyűjtöttem őket a folyóhoz, a mely Ahavába megy s ott táboroztunk három napig s én szemügyre vettem a népet és a papokat, de Lévi fiai közül valót nem találtam ott.
At pinisan ko sila sa ilog na umaagos patungo sa Ahava; at doo'y nangagpahinga kaming tatlong araw; at aking minasdan ang bayan at ang mga saserdote, at walang nasumpungan doon sa mga anak ni Levi.
16 Ekkor kiküldtem Elíézert, Aríélt, Semáját, Elnátánt, Járibot, Elnátánt, Nátánt, Zekharját és Mesullámot, mint főembereket s Jójáribot s Elnátánt, mint oktatókat;
Nang magkagayo'y ipinasundo ko si Eliezer, si Ariel, si Semaias, at si Elnathan, at si Jarib, at si Elnathan, at si Nathan, at si Zacarias, at si Mesullam, na mga pangulong lalake; gayon din si Joiarib, at si Elnathan, na mga tagapagturo.
17 s kirendeltem őket Iddóhoz, a főemberhez Kászifja helységben és szavakat adtam szájukba, hogy beszéljenek Iddóhoz és testvéréhez, a szentélyszolgákhoz Kászifja helységében, hogy hozzanak nekünk, szolgálattevőket Istenünk háza számára.
At aking sinugo sila kay Iddo na pangulo sa dako ng Casipia; at aking sinaysay sa kanila kung ano ang kanilang nararapat sabihin kay Iddo, at sa kaniyang mga kapatid na mga Nethineo, sa dako ng Casipia, upang sila'y mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios.
18 S hoztak nekünk, a mint rajtunk volt Istenünknek jóságos keze, egy értelmes embert Machlínak, Izraél fia Lévi fiának fiai közül, és Sérébját meg fiait és testvéreit, tizennyolczat;
At ayon sa mabuting kamay ng ating Dios na sumasa atin ay nagdala sila sa atin ng isang lalake na matalino, sa mga anak ni Mahali, na anak ni Levi, na anak ni Israel; at si Serebias, pati ng kaniyang mga anak na lalake at mga kapatid, labing walo:
19 és Chasabját a vele Jesáját, Merári fiai közül, testvéreit s fiaikat, húszat.
At si Hasabias, at kasama niya'y si Isaia sa mga anak ni Merari, ang kaniyang mga kapatid at kaniyang mga anak na lalake, dalawang pu;
20 A szentélyszolgák közül pedig, a kiket Dávid és a nagyok ajándékoztak a leviták szolgálatára: szentélyszolgák kétszázhuszan, mindannyiok névvel jelöltettek.
At sa mga Nethineo, na ibinigay ni David at ng mga pangulo sa paglilingkod sa mga Levita, dalawang daan at dalawang pung Nethineo; silang lahat ay nasasaysay ayon sa pangalan.
21 És hirdettem ott bőjtöt az Ahava folyó mellett, hogy sanyargassuk magunkat Istenünk előtt, kérve tőle egyenes utat magunk, gyermekeink és minden jószágunk részére.
Nang magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari.
22 Mert szégyeltem kérni a királytól hadi csapatot s lovasokat, hogy segítenének minket ellenségtől az uton, mert szóltunk a királynak, mondván: Istenünk keze mindazokon van jóra, a kik őt keresik, s hatalma meg haragja mindazok ellen, kik őt elhagyják.
Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya.
23 Bőjtöltünk tehát s megkértük Istenünket ez iránt; s ő engedett kérésünknek.
Sa gayo'y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig niya tayo.
24 Ekkor elkülönítettem a papok nagyjai közül tizenkettőt; meg Sérébját, Chasabját, s velük testvéreik közül tízet.
Nang magkagayo'y inihiwalay ko ang labing dalawa sa mga puno ng mga saserdote, sa makatuwid baga'y si Serebias, si Hasabias, at sangpu sa kanilang mga kapatid na kasama nila.
25 És lemértem nekik az ezüstöt és az aranyat meg az edényeket, az Istenünk házának való adományt, a melyet adományoztak a király és tanácsosai és nagyjai meg mindaz ottlevő izraeliták.
At tinimbang sa kanila ang pilak, at ang ginto, at ang mga sisidlan, sa makatuwid baga'y ang handog sa bahay ng ating Dios, na pinaghandugan ng hari, at ng kaniyang mga kasangguni, at ng kaniyang mga prinsipe, at ng buong Israel na nakaharap doon:
26 És lemértem kezükre ezüstöt hatszázötven kikkárt s ezüst edényeket száz kikkárnyit, aranyat száz kikkárt;
Akin ngang tinimbang sa kanilang kamay ay anim na raan at limang pung talentong pilak, at mga pilak na sisidlan ay isang daang talento: sa ginto ay isang daang talento;
27 és arany serleget huszat, ezer adarkónnyit, és finom fényesített rézből való edényt kettőt, becseseket, mint az arany.
At dalawang pung mangkok na ginto, na may isang libong dariko; at dalawang sisidlan na pinong makinang na tanso, na halagang gaya ng ginto.
28 És szóltam hozzájuk: Ti szentek vagytok az Örökkévalónak s az edények szentek, az ezüst meg az arany pedig felajánlás az Örökkévaló őseitek Istene részére.
At sinabi ko sa kanila, Kayo'y banal sa Panginoon, at ang mga sisidlan ay natatalaga; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang.
29 Õrködjetek és vigyázzatok, mígnem leméritek a papok s leviták nagyjai és Izraél atyai házainak nagyjai előtt Jeruzsálemben, az Örökkévaló házának kamaráiban.
Magsipagbantay kayo, at ingatan ninyo, hanggang sa inyong matimbang sa harap ng mga puno ng mga saserdote, at ng mga Levita, at ng mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, sa Jerusalem, sa mga silid ng bahay ng Panginoon.
30 És átvették a papok és a leviták súly szerint az ezüstöt s az aranyat s az edényeket, hogy elvigyék Jeruzsálembe, Istenünk házába.
Sa gayo'y tinanggap ng mga saserdote at ng mga Levita ang timbang ng pilak at ginto, at ng mga sisidlan, upang dalhin sa Jerusalem, sa bahay ng ating Dios.
31 És elindultunk Ahava folyótól az első hónap tizenkettedikén, hogy menjünk Jeruzsálembe; Istenünk keze pedig rajtunk volt s megmentett minket ellenségnek s az úton leselkedőnek kezéből.
Nang magkagayo'y nagsiyaon tayo mula sa ilog ng Ahava, nang ikalabing dalawang araw ng unang buwan, upang pumaroon sa Jerusalem: at ang kamay ng ating Dios ay sumaatin, at iniligtas niya tayo sa kamay ng kaaway at sa bumabakay sa daan.
32 És eljöttünk Jeruzsálembe s ott maradtunk három napig;
At tayo ay nagsidating sa Jerusalem, at nagsitahan doon na tatlong araw.
33 a negyedik napon pedig leméretett az ezüst és az arany, meg az edények Istenünk házában Merémótnak, Urija fiának a papnak kezébe, s vele volt Eleázár, Pínechász fia, s velök voltak Józábád, Jésúa fia, s Nóadja Binnúj fia, a leviták;
At nang ikaapat na araw, ang pilak at ang ginto at ang mga sisidlan ay natimbang sa bahay ng ating Dios sa kamay ni Meremoth na anak ni Urias na saserdote (at kasama niya si Eleazar na anak ni Phinees; at kasama nila si Jozabad na anak ni Jesua, at si Noadias na anak ni Binnui, na mga Levita)
34 számszerint, súly szerint minden, és feliratott az egész súly, abban az időben.
Ang kabuoan sa pamamagitan ng bilang, at ng timbang: at ang buong timbang ay nasulat nang panahong yaon.
35 A kik megjöttek a fogságból, a számkivetés fiai, bemutattak égőáldozatokat Izraél Istenének: tulkot tizenkettőt egész Izraélért, kost kilenczvenhatot, juhot hetvenhetet, kecskebakot vétekáldozatra tizenkettőt, mindet égő áldozatul az Örökkévalónak.
Ang mga anak sa pagkabihag, na nagsipanggaling sa pagkatapon, ay nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel, labing dalawang toro sa ganang buong Israel, siyam na pu't anim na lalaking tupa, pitong pu't pitong kordero, labing dalawang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: lahat ng ito'y handog na susunugin sa Panginoon.
36 És átadták a királynak rendeleteit, a király satrapáinak és a Folyamontúl helytartóinak; és megajándékozták a népet és Isten házát.
At kanilang ibinigay ang mga bilin ng hari sa mga satrapa ng hari, at sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog: at kanilang pinasulong ang bayan at ang bahay ng Dios.