< 2 Krónika 27 >

1 Huszonöt éves volt Jótám, midőn király lett, s tizenhat évig uralkodott Jeruzsálemben; anyjának neve pedig Jerúsa, Czádók leánya.
Si Jotam ay dalawampu't limang taong gulang nang magsimula siyang maghari at naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa; siya ang anak na babae ni Zadok.
2 És tette azt, ami helyes az Örökkévaló szemeiben mind aszerint, amint tett atyja, Uzzijáhú; csakhogy nem ment be az Örökkévaló templomába, de a nép még mindig romlott volt.
Ginawa niya ang tama sa mga mata ni Yahweh, sinusunod ang lahat ng halimbawa ng kaniyang amang si Uzias. Pinigilan din niyang pumunta sa loob ng templo ni Yahweh. Ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa kanilang mga masasamang gawain.
3 Ő építette az Örökkévaló házának felső kapuját s az Ófel falán sokat épített.
Itinayo niya ang mataas na tarangkahan sa tahanan ni Yahweh, at sa burol ng Ofel ay nagtayo pa siya ng marami.
4 És városokat épített Jehúda hegységében és az erdőkben épített várakat és tornyokat.
Bukod pa roon, nagtayo siya ng mga lungsod sa maburol na bahagi ng Juda, at nagtayo siya ng mga kastilyo at mga tore sa kagubatan.
5 És ő harcolt Ammón fiai királyával s győzött fölöttük, s adtak neki Ammón fiai abban az évben száz kikkár ezüstöt, meg tízezer kór búzát, s árpát tízezret. Ezt fizették neki Ammón fiai a második s harmadik évben is.
Lumaban din siya sa hari ng Ammon at tinalo sila. Sa taon ding iyon, nagbigay sa kaniya ng isandaang talento ng pilak ang mga Ammonita, sampung libong sukat ng trigo, sampung libong sukat ng sebada. Patuloy na nagbigay sa kaniya ang mga Ammonita sa ikalawa at ikatlong taon.
6 És megerősödött Jótám, mert az Örökkévaló, az ő Istene előtt szilárdította útjait.
Kaya naging makapangyarihan si Jotam dahil lumakad siya ng may katatagan kay Yahweh na kaniyang Diyos.
7 Jótámnak egyéb dolgai pedig s mind a háborúi s útjai, íme meg vannak írva Izrael s Jehúda királyainak könyvében.
At sa iba pang mga bagay tungkol kay Jotam, lahat ng kaniyang pakikipagdigma at pamumuhay, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Israel at Juda.
8 Huszonöt éves volt, midőn király lett, s tizenhat évig uralkodott Jeruzsálemben.
Siya ay dalawampu't limang taong gulang nang magsimulang maghari at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon.
9 És feküdt Jótám ősei mellé, s eltemették őt Dávid városában; s király lett helyette fia Ácház.
Si Jotam ay namatay at siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David. Si Ahaz, na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

< 2 Krónika 27 >