< 1 Krónika 17 >
1 Volt pedig, midőn Dávid lakott a házában, szólt Dávid Nátán prófétához: Íme én cédrusházban lakom, az Örökkévaló szövetségének ládája pedig szőnyegek alatt van.
At nangyari, nang si David ay tumahan sa kaniyang bahay, na sinabi ni David kay Nathan na propeta, Narito, ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sa ilalim ng mga kubong.
2 Erre szólt Nátán Dávidhoz: Mindazt, ami szívedben van, tedd meg, mert az Isten veled van.
At sinabi ni Nathan kay David, Gawin mo ang buong nasa iyong kalooban; sapagka't ang Dios ay sumasaiyo.
3 És volt azon éjjel, lett az Isten igéje Nátánhoz, mondván:
At nangyari, nang gabing yaon, na ang salita ng Dios ay dumating kay Nathan na sinasabi,
4 Menj és szólj szolgámhoz Dávidhoz, így szól az Örökkévaló: Nem te fogod nekem a házat építeni lakásul.
Ikaw ay yumaon at saysayin mo kay David na aking lingkod, Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag mo akong ipagtatayo ng bahay na matatahanan:
5 Bizony nem laktam házban, azon nap óta, hogy felhoztam Izraelt mind a mai napig, hanem jártam sátorból sátorba és hajlékból hajlékba.
Sapagka't hindi ako tumahan sa bahay mula nang araw na aking iahon ang Israel, hanggang sa araw na ito; kundi ako'y yumaon sa tolda at tolda, at sa tabernakulo, at tabernakulo.
6 Valamerre jártam egész Izrael közt, vajon szóval szóltam-e Izrael bíráinak egyikéhez, ahhoz, akit rendeltem, hogy legeltesse népemet, mondván: miért nem építettetek nekem cédrusházat?
Sa lahat ng mga dako na aking nilakaran na kasama ang buong Israel, ako ba'y nagsalita ng isang salita sa sinoman sa mga hukom ng Israel, na siyang aking inutusang maging pastor sa aking bayan, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng bahay na sedro?
7 Most pedig így szólj szolgámhoz Dávidhoz: Így szól az Örökkévaló, a seregek ura: én vettelek téged a rétről, a juhok mögül, hogy fejedelem legyél népem, Izrael felett.
Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kita'y kinuha sa pasabsaban, sa pagsunod sa mga tupa upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayang Israel:
8 És veled voltam, valamerre mentél, kiirtottam mind az ellenségeidet előled és szereztem neked nevet, amilyen a legnagyobbak neve a földön;
At ako'y sumaiyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat na iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang pangalan, na gaya ng pangalan ng mga dakila na nangasa lupa.
9 hogy helyet rendeljek népemnek Izraelnek és elplántáljam, hogy lakjék a maga helyén és ne reszkessen többé és ne enyésztessék őt továbbra a gazság fiai, mint annak előtte,
At aking ipagtataan ng isang dako ang aking bayang Israel, at itatatag sila, upang sila'y mangakatahan sa kanilang sariling dako, at huwag nang mabago pa; ni sisirain pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una,
10 ama napoktól fogva, hogy bírákat rendeltem népem Izrael fölé és megaláztam mind az ellenségeidet. Tudtodra adtam tehát, hogy házat fog építeni neked majd az Örökkévaló:
At gaya ng araw na maghalal ako ng mga hukom upang malagay sa aking bayang Israel; at aking pasusukuin ang lahat mong mga kaaway. Bukod dito'y isinaysay ko sa iyo na ipagtatayo ka ng Panginoon ng isang bahay.
11 s lesz, midőn beteltek napjaid, hogy elmenj őseid mellé, akkor fenntartom utánad magzatodat, azt aki lesz fiaid közül és megszilárdítom királyságát.
At mangyayari, pagka ang iyong mga araw ay nalubos na ikaw ay marapat yumaon na makasama ng iyong mga magulang, na aking patatatagin ang iyong binhi pagkamatay mo, na magiging sa iyong mga anak; at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
12 Ő épít majd házat nekem és én megszilárdítom trónját örökre.
Kaniyang ipagtatayo ako ng isang bahay, at aking itatatag ang kaniyang luklukan magpakailan man.
13 Én leszek neki atyjául és ő lesz nekem fiamul és szeretetemet nem távoztatom el tőle, amint eltávoztattam attól, aki előtted volt.
Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: at hindi ko na aalisin ang aking kaawaan sa kaniya, gaya ng aking pagkakuha roon sa nauna sa iyo:
14 S fennmaradni engedem őt az én házamban s az én királyságomban mindörökre s trónja szilárd lesz örökre.
Kundi siya'y aking ilalagay sa aking bahay at sa aking kaharian magpakailan man: at ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.
15 Mind a szavak szerint és mind e látomás szerint, aszerint beszélt Nátán Dávidhoz.
Ayon sa lahat na salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito, ay gayon sinalita ni Nathan kay David.
16 Ekkor bement Dávid király és leült az Örökkévaló színe elé és mondta: Ki vagyok én, Örökkévaló, Isten, s mi az én házam, hogy eljuttattál engem idáig.
Nang magkagayo'y yumaon ang haring David at naupo sa harap ng Panginoon; at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking bahay na ako'y dinala mo sa ganyang kalayo?
17 És csekély volt az a szemeidben, oh Isten, és beszéltél szolgád háza felől messze időre és tekintettél engem, mint aki az emberek sorában magasan áll, Örökkévaló, oh Isten!
At ito'y munting bagay sa harap ng iyong mga mata, Oh Dios; nguni't iyong sinalita tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod ang hanggang sa malaong panahong darating, at ako'y iyong nilingap na ayon sa kalagayan ng isang tao na may mataas na kalagayan, Oh Panginoong Dios.
18 Mit beszéljen Dávid még továbbra hozzád a dicsőségről, mely szolgádat érte, hiszen te ismered szolgádat!
Ano pa ang masasabi ni David sa iyo, tungkol sa karangalang ginawa sa iyong lingkod? sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod.
19 Örökkévaló, a te szolgád kedvéért s a te szíved szerint cselekedted mind e nagy dolgot, tudatván mind a nagy dolgokat.
Oh Panginoon, dahil sa iyong lingkod, at ayon sa iyong sariling puso, ay iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang ipakilala ang lahat na dakilang bagay na ito.
20 Örökkévaló, nincs olyan, mint te, s nincs Isten rajtad kívül, mind annál fogva, amit hallottunk füleinkkel.
Oh Panginoon, walang gaya mo, ni mayroon mang sinomang Dios liban sa iyo, ayon sa lahat naming narinig ng aming mga pakinig.
21 És ki olyan, mint néped Izrael, egyetlen nemzet a földön, amelyet Isten ment magának megváltani népül, hogy szerezzél magadnak nevet, nagy és félelmetes tettek által, kiűzvén néped elől, amelyet Egyiptomból kiváltottál, nemzeteket.
At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayang Israel, na tinubos ng Dios upang maging kaniyang sariling bayan, upang gawin kang pangalan sa pamamagitan ng malaki at kakilakilabot na mga bagay, sa pagpapalayas ng mga bansa sa harap ng iyong bayan, na iyong tinubos sa Egipto?
22 És megtetted a te népedet Izraelt magadnak néppé mindörökre és te, Örökkévaló, lettél nekik Istenül.
Sapagka't ang iyong bayang Israel ay iyong ginawang iyong sariling bayan magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios.
23 Most tehát, Örökkévaló, azon szó, melyet szóltál a te szolgád és háza felől, valósuljon meg mindörökre és tegyél úgy, amint szóltál.
At ngayon, Oh Panginoon, matatag nawa ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan magpakailan man, at gawin mo nawa na gaya ng iyong sinalita.
24 Megvalósul, és nagy lesz a te neved mindörökre, midőn mondják: az Örökkévaló a seregek ura, Izrael Istene, Isten Izrael fölött; a te szolgád Dávid háza pedig szilárd lesz előtted.
At ang iyong pangalan ay mamalagi nawa, at dakilain magpakailan man, na sabihin, Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios ng Israel, sa makatuwid baga'y Dios sa Israel: at ang sangbahayan ni David na iyong lingkod ay natatag sa harap mo.
25 Mivel te, Istenem, kinyilatkoztattad a te szolgád fülébe, hogy építesz neki házat; azért merészelt imádkozni a te szolgád előtted.
Sapagka't ikaw, Oh aking Dios, napakilala sa iyong lingkod na iyong ipagtatayo siya ng bahay: kaya't pinangahasan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na dumalangin sa harap mo.
26 És most, Örökkévaló, te vagy az Isten és kimondtad szolgád felől ezt a jót.
At ngayon, Oh Panginoon, ikaw ang Dios, at iyong ipinangako ang dakilang bagay na ito sa iyong lingkod:
27 És most úgy akartad, hogy megáldjad szolgád házát, hogy örökre előtted legyen; mert te, Örökkévaló, áldottál és áldva van örökre.
At ngayo'y kinalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't iyong pinagpala, Oh Panginoon, at yao'y magiging mapalad magpakailan man.