< אֶל־הָרוֹמִיִּים 10 >
אחי חפץ לבבי ותפלתי לאלהים בעד ישראל אשר יושעו׃ | 1 |
Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang hiling ko sa Diyos ay para sa kanila, para sa kanilang kaligtasan.
כי מעיד אני עליהם שיש להם קנאה לאלהים אך לא בדעת׃ | 2 |
Sapagkat sila ay pinatotohanan ko na mayroon silang pagsisikap para sa Diyos, ngunit hindi ayon sa kaalaman.
כי את צדקת אלהים לא ידעו ויבקשו להקים את צדקתם ובעבור זאת לצדקת אלהים לא נכנעו׃ | 3 |
Sapagkat hindi nila nalalaman ang katuwiran ng Diyos, at pinagsisikapan nilang itatag ang kanilang sariling katuwiran. Hindi sila nagpasakop sa katuwiran ng Diyos.
כי המשיח סוף התורה לצדקה לכל המאמין בו׃ | 4 |
Sapagkat si Cristo ang katuparan ng kautusan para sa katuwiran ng lahat ng sumasampalataya.
כי משה כתב על דבר הצדקה מתוך התורה אשר יעשה אתם האדם וחי בהם׃ | 5 |
Sapagkat sumulat si Moises tungkol sa katuwiran na nagmumula sa kautusan: “Ang taong gumagawa ng katuwiran ng kautusan ay mabubuhay sa katuwirang ito.”
והצדקה אשר מתוך האמונה כה אמרת אל תאמר בלבבך מי יעלה השמימה הלא זאת היא להוריד את המשיח׃ | 6 |
Ngunit ganito ang sinasabi ng katuwiran na nanggagaling sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong puso, 'Sino ang aakyat sa langit?' (sa makatuwid ay upang pababain si Cristo).
או מי ירד לתהום זאת היא להעלות את המשיח מן המתים׃ (Abyssos ) | 7 |
At huwag mong sasabihing, 'Sino ang bababa sa kailaliman?'” (sa makatuwid ay upang iakyat si Cristo mula sa patay.) (Abyssos )
אבל מה היא אמרת קרוב אליך הדבר בפיך ובלבבך הוא דבר האמונה אשר אנחנו מבשרים׃ | 8 |
Ngunit ano ang sinasabi nito? “Malapit sa iyo ang salita, sa iyong bibig at sa iyong puso.” Iyan ang salita ng pananampalataya, na aming ipinapahayag.
כי אם תודה בפיך אשר ישוע הוא האדון ותאמין בלבבך אשר האלהים העירו מן המתים אז תושע׃ | 9 |
Sapagkat kung sa iyong bibig, kinikilala mo si Jesus bilang Panginoon, at nananampalataya ka sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka.
כי בלבבו יאמין האדם והיתה לו לצדקה ובפיהו יודה והיתה לו לישועה׃ | 10 |
Sapagkat sa puso nananampalataya ang tao sa katuwiran, at sa bibig kumikilala siya para sa kaligtasan.
כי הכתוב אמר כל המאמין בו לא יבוש׃ | 11 |
Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang sinumang nananampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.”
ואין הבדל בזה בין היהודי ליוני כי אדון אחד לכלם והוא עשיר לכל קראיו׃ | 12 |
Sapagkat walang pagkakaiba ang Judio at Griyego. Dahil iisang Panginoon ang Panginoon ng lahat, at mayaman siya sa lahat ng mga tumatawag sa kaniya.
כי כל אשר יקרא בשם יהוה ימלט׃ | 13 |
Sapagkat ang lahat na tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
ועתה איך יקראו אל אשר לא האמינו בו ואיך יאמינו באשר לא שמעו את שמעו ואיך ישמעו באין מגיד׃ | 14 |
Kung gayon, paano sila tatawag sa kaniya na hindi nila sinasampalatayanan? At paano sila sasampalataya sa kaniya na hindi pa nila naririnig? At paano sila makakarinig kung walang tagapangaral?
ואיך יגידו אם אינם שלוחים ככתוב מה נאוו רגלי מבשר שלום מבשר טוב׃ | 15 |
At paano sila mangangaral kung hindi sila isinugo? — Gaya ng nasusulat, “Kayganda ng mga paa ng mga nagpapahayag ng mga masasayang balita ng mga mabubuting bagay!”
אך לא כלם שמעו לקול הבשורה כי ישעיהו אמר יהוה מי האמין לשמעתנו׃ | 16 |
Ngunit hindi lahat sa kanila ay nakinig sa ebanghelyo. Sapagkat sinasabi ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?”
לכן האמונה באה מתוך השמועה והשמועה על ידי דבר אלהים׃ | 17 |
Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at pakikinig sa salita ni Cristo.
ואמר הכי לא שמעו אמנם בכל הארץ יצא קום ובקצה תבל מליהם׃ | 18 |
Ngunit sinasabi ko, “Hindi ba nila narinig?” Oo, tiyak na narinig nila. “Ang kanilang tinig ay nakarating sa buong mundo, at ang kanilang mga salita sa mga dulo ng mundo.”
ואמר הכי ישראל לא ידע הנה כבר משה אמר אני אקניאכם בלא עם בגוי נבל אכעיסכם׃ | 19 |
Bukod dito, sinasabi ko, “Hindi ba nalaman ng Israel?” Noong una ay sinabi ni Moises, “Iinggitin ko kayo sa pamamagitan ng isang hindi bansa. Sa pamamagitan ng isang bansang walang pagkaunawa, gagalitin ko kayo.”
וישעיהו מלאו לבו לאמר נמצאתי ללא בקשני נדרשתי ללוא שאלו׃ | 20 |
At sinasabi ni Isaias nang buong tapang, “Natagpuan ako ng mga hindi humanap sa akin. Nagpakita ako sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin.”
ועל ישראל הוא אמר פרשתי ידי כל היום אל עם סורר ומרה׃ | 21 |
Ngunit sa Israel sinasabi niya, “Buong araw kong iniunat ang aking mga kamay sa mga taong suwail at matitigas ang ulo.”