< תהילים 69 >
למנצח על שושנים לדוד הושיעני אלהים כי באו מים עד נפש׃ | 1 |
Iligtas mo ako, O Diyos, dahil nilagay ng katubigan ang buhay ko sa panganib.
טבעתי ביון מצולה ואין מעמד באתי במעמקי מים ושבלת שטפתני׃ | 2 |
Lumulubog ako sa malalim na putikan kung saan walang lugar na matatayuan; pumunta ako sa malalim na katubigan kung saan rumaragasa ang baha sa akin.
יגעתי בקראי נחר גרוני כלו עיני מיחל לאלהי׃ | 3 |
Napapagal ako sa aking pag-iyak; nanunuyo ang aking lalamunan; nanlalabo ang aking mga mata habang naghihintay ako sa Diyos.
רבו משערות ראשי שנאי חנם עצמו מצמיתי איבי שקר אשר לא גזלתי אז אשיב׃ | 4 |
Higit pa sa aking mga buhok sa ulo ang mga napopoot sa akin ng walang dahilan; ang mga pumapatay sa akin, ang naging mga kaaway ko dahil sa mga maling dahilan, ay makapangyarihan; ang mga hindi ko ninakaw ay kailangan kong ibalik.
אלהים אתה ידעת לאולתי ואשמותי ממך לא נכחדו׃ | 5 |
O Diyos, alam mo ang aking kahangalan, at hindi nalilihim ang mga kasalanan ko sa iyo.
אל יבשו בי קויך אדני יהוה צבאות אל יכלמו בי מבקשיך אלהי ישראל׃ | 6 |
Huwag mong hayaang malagay sa kahihiyan ang mga naghihintay sa iyo dahil sa akin, Panginoong Diyos ng mga hukbo; huwag mong hayaang malagay sa kasiraang-puri ang mga naghahanap sa iyo dahil sa akin, O Diyos ng Israel.
כי עליך נשאתי חרפה כסתה כלמה פני׃ | 7 |
Para sa iyong kapakanan, tinanggap ko ang panlalait; kahihiyan ang bumalot sa aking mukha.
מוזר הייתי לאחי ונכרי לבני אמי׃ | 8 |
Naging dayuhan ako sa aking mga kapatid, dayuhan sa mga anak ng aking ina.
כי קנאת ביתך אכלתני וחרפות חורפיך נפלו עלי׃ | 9 |
Dahil nilamon ako ng kasigasigan sa iyong tahanan, at ang mga lait ng mga nanlalait sa iyo ay bumagsak sa akin.
ואבכה בצום נפשי ותהי לחרפות לי׃ | 10 |
Noong umiyak ako at hindi kumain, hinamak nila ako.
ואתנה לבושי שק ואהי להם למשל׃ | 11 |
Noong ginawa kong kasuotan ang sako, naging paksa ako ng kawikaan sa kanila.
ישיחו בי ישבי שער ונגינות שותי שכר׃ | 12 |
Pinag-uusapan ako ng mga nakaupo sa tarangkahan ng lungsod; ako ang awit ng mga manginginom.
ואני תפלתי לך יהוה עת רצון אלהים ברב חסדך ענני באמת ישעך׃ | 13 |
Pero para sa akin, sa iyo ang aking panalangin, Yahweh, sa panahon na tatanggap ka; sagutin mo ako sa pagiging mapagkakatiwalaan ng iyong kaligtasan.
הצילני מטיט ואל אטבעה אנצלה משנאי וממעמקי מים׃ | 14 |
Hilahin mo ako mula sa putikan, at huwag mo akong hayaang lumubog; hayaan mo akong malayo mula sa napopoot sa akin at sagipin mo mula sa malalim na katubigan.
אל תשטפני שבלת מים ואל תבלעני מצולה ואל תאטר עלי באר פיה׃ | 15 |
Huwag mong hayaang tabunan ako ng baha, ni hayaang lamunin ako ng kalaliman. Huwag mong hayaang isara ng hukay ang bibig nito sa akin.
ענני יהוה כי טוב חסדך כרב רחמיך פנה אלי׃ | 16 |
Sagutin mo ako Yahweh, dahil mabuti ang iyong katapatan sa tipan; dahil labis ang iyong kahabagan sa akin, humarap ka sa akin.
ואל תסתר פניך מעבדך כי צר לי מהר ענני׃ | 17 |
Huwag mong itago ang iyong mukha sa iyong mga lingkod, dahil ako ay nasa kalungkutan; sagutin mo ako agad.
קרבה אל נפשי גאלה למען איבי פדני׃ | 18 |
Lumapit ka sa akin at tubusin ako. Dahil sa aking mga kaaway, iligtas mo ako.
אתה ידעת חרפתי ובשתי וכלמתי נגדך כל צוררי׃ | 19 |
Alam mo ang aking paghihirap, kahihiyan at kasiraang-puri; nasa harap mo ang lahat ng aking mga kalaban.
חרפה שברה לבי ואנושה ואקוה לנוד ואין ולמנחמים ולא מצאתי׃ | 20 |
Winasak ng pagtutuwid ang aking puso; punong-puno ako ng kabigatan; naghahanap ako ng sinumang maaawa sa akin, pero wala ni isa man. Naghahanap ako ng mga mag-aaliw, pero wala akong nakita.
ויתנו בברותי ראש ולצמאי ישקוני חמץ׃ | 21 |
Binigyan nila ako ng lason para kainin ko; sa aking pagka-uhaw binigyan nila ako ng suka para inumin.
יהי שלחנם לפניהם לפח ולשלומים למוקש׃ | 22 |
Hayaan mong maging bitag ang mesa sa harap nila; kapag iniisip nila na ligtas (sila) hayaan mong maging patibong ito.
תחשכנה עיניהם מראות ומתניהם תמיד המעד׃ | 23 |
Hayaan mong magdilim ang kanilang mga mata para hindi (sila) makakita; lagi mong yugyugin ang mga baywang nila.
שפך עליהם זעמך וחרון אפך ישיגם׃ | 24 |
Ibuhos mo ang iyong labis na galit sa kanila, hayaang mong abutan (sila) ng bagsik ng iyong galit.
תהי טירתם נשמה באהליהם אל יהי ישב׃ | 25 |
Hayaan mong ang kanilang lugar ay maging kapanglawan; hayaang mong walang sinuman ang manirahan sa kanilang mga tolda.
כי אתה אשר הכית רדפו ואל מכאוב חלליך יספרו׃ | 26 |
Dahil inuusig nila ang siyang sinaktan mo; ibinalita nila sa iba ang hapdi ng mga sinugatan mo.
תנה עון על עונם ואל יבאו בצדקתך׃ | 27 |
Isakdal mo (sila) dahil sa paggawa ng sunod-sunod na kasalanan; huwag mo silang hayaang pumasok sa matuwid mong katagumpayan.
ימחו מספר חיים ועם צדיקים אל יכתבו׃ | 28 |
Hayaan mo silang mabura sa aklat ng buhay at hindi maisulat kasama ng mga matutuwid.
ואני עני וכואב ישועתך אלהים תשגבני׃ | 29 |
Pero ako ay naghihirap at nagdadalamhati; hayaan mo, O Diyos, na parangalan ako ng iyong kaligtasan.
אהללה שם אלהים בשיר ואגדלנו בתודה׃ | 30 |
Pupurihin ko ang pangalan ng Diyos ng may awit at dadakilain siya ng may pasasalamat.
ותיטב ליהוה משור פר מקרן מפריס׃ | 31 |
Higit na kalulugdan ito ng Diyos kaysa sa isang baka o toro na may mga sungay at paa.
ראו ענוים ישמחו דרשי אלהים ויחי לבבכם׃ | 32 |
Nakita ito ng mga mapagpakumbaba at natuwa; kayo na mga naghahanap sa Diyos, hayaan niyong mabuhay ang inyong mga puso.
כי שמע אל אביונים יהוה ואת אסיריו לא בזה׃ | 33 |
Dahil naririnig ni Yahweh ang mga nangangailangan at hindi hinahamak ang mga bilanggo.
יהללוהו שמים וארץ ימים וכל רמש בם׃ | 34 |
Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat at lahat ng mga gumagalaw dito.
כי אלהים יושיע ציון ויבנה ערי יהודה וישבו שם וירשוה׃ | 35 |
Dahil ililigtas ng Diyos ang Sion at itatayong muli ang mga lungsod sa Juda; maninirahan ang mga tao roon at aangkinin ito.
וזרע עבדיו ינחלוה ואהבי שמו ישכנו בה׃ | 36 |
Mamanahin ito ng mga lingkod ng kaniyang mga kaapu-apuhan; maninirahan doon silang mga nagmamahal sa kaniyang pangalan.