< תהילים 149 >
הללו יה שירו ליהוה שיר חדש תהלתו בקהל חסידים׃ | 1 |
Purihin ninyo ang Panginoon. Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kaniyang kapurihan sa kapisanan ng mga banal.
ישמח ישראל בעשיו בני ציון יגילו במלכם׃ | 2 |
Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya: magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
יהללו שמו במחול בתף וכנור יזמרו לו׃ | 3 |
Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw: magsiawit (sila) ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
כי רוצה יהוה בעמו יפאר ענוים בישועה׃ | 4 |
Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
יעלזו חסידים בכבוד ירננו על משכבותם׃ | 5 |
Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian: magsiawit (sila) sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
רוממות אל בגרונם וחרב פיפיות בידם׃ | 6 |
Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, at tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
לעשות נקמה בגוים תוכחת בל אמים׃ | 7 |
Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa, at mga parusa sa mga bayan;
לאסר מלכיהם בזקים ונכבדיהם בכבלי ברזל׃ | 8 |
Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala, at ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
לעשות בהם משפט כתוב הדר הוא לכל חסידיו הללו יה׃ | 9 |
Upang magsagawa sa kanila ng hatol na nasusulat: mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal. Purihin ninyo ang Panginoon.