< מִשְׁלֵי 22 >

נבחר שם מעשר רב מכסף ומזהב חן טוב׃ 1
Ang isang magandang pangalan ay dapat piliin higit pa sa labis na kayamanan, at mas mainam ang kagandahan ng loob kaysa sa pilak at ginto.
עשיר ורש נפגשו עשה כלם יהוה׃ 2
Ang mayaman at mahirap na mga tao ay mayroong pagkakatulad— si Yahweh ang tagapaglikha nilang lahat.
ערום ראה רעה ויסתר ופתיים עברו ונענשו׃ 3
Ang isang marunong na tao ay nakikita ang kaguluhan at itinatago ang kaniyang sarili, pero ang walang karanasan na mga tao ay magpapatuloy at magdurusa dahil dito.
עקב ענוה יראת יהוה עשר וכבוד וחיים׃ 4
Ang gantimpala sa pagpapakumbaba at takot kay Yahweh ay kayamanan, karangalan at buhay.
צנים פחים בדרך עקש שומר נפשו ירחק מהם׃ 5
Ang mga tinik at mga patibong ay nakalatag sa daan ng sutil; kung sino man ang mag-ingat ng kaniyang buhay ay papanatilihing malayo mula sa kanila.
חנך לנער על פי דרכו גם כי יזקין לא יסור ממנה׃ 6
Turuan ang isang bata sa daan kung saan siya nararapat pumunta, at kapag siya ay matanda na hindi siya tatalikod mula sa bilin na iyon.
עשיר ברשים ימשול ועבד לוה לאיש מלוה׃ 7
Ang mayayamang tao ay pinamumunuan ang mahihirap na tao, at ang isa na siyang humihiram ay isang alipin sa isa na siyang nagpapahiram.
זורע עולה יקצור און ושבט עברתו יכלה׃ 8
Siyang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kaguluhan, at ang pamalo ng kaniyang matinding galit ay magiging walang pakinabang.
טוב עין הוא יברך כי נתן מלחמו לדל׃ 9
Ang isang mapagbigay na mata ay pagpapalain, sapagkat siya ay nagbabahagi ng kaniyang tinapay sa mahihirap.
גרש לץ ויצא מדון וישבת דין וקלון׃ 10
Itaboy ang mangungutya at aalis ang alitan; ang mga hindi pagkakaunawaan at mga panlalait ay matitigil.
אהב טהור לב חן שפתיו רעהו מלך׃ 11
Ang siyang nagmamahal ng isang busilak na puso at ang salita ay magiliw, siya ay magiging kaibigan ng hari.
עיני יהוה נצרו דעת ויסלף דברי בגד׃ 12
Ang mga mata ni Yahweh ay nanatiling nakamasid sa kaalaman, ngunit ibabagsak niya ang mga salita ng taksil.
אמר עצל ארי בחוץ בתוך רחבות ארצח׃ 13
Sinasabi ng tamad na tao, “Mayroong isang leon sa lansangan! Ako ay mapapatay sa mga hayag na lugar.”
שוחה עמקה פי זרות זעום יהוה יפול שם׃ 14
Ang bibig ng isang babaeng nangangalunya ay isang malalim na hukay; ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa sinuman na mahulog dito.
אולת קשורה בלב נער שבט מוסר ירחיקנה ממנו׃ 15
Ang kahangalan ay nasa puso ng isang bata, pero ang pamalo ng pagdisiplina ay nagpapaalis dito.
עשק דל להרבות לו נתן לעשיר אך למחסור׃ 16
Ang isa na siyang nagpapahirap sa mahihirap na tao para lumago ang kaniyang karangyaan, o nagbibigay para sa mayayamang tao, ay magiging isang mahirap.
הט אזנך ושמע דברי חכמים ולבך תשית לדעתי׃ 17
Magbigay pansin at pakinggan ang mga salita ng mga matalino at idulog ang iyong puso sa aking kaalaman,
כי נעים כי תשמרם בבטנך יכנו יחדו על שפתיך׃ 18
dahil magiging kaaya-aya ito para sa iyo kung panatilihin mo ang mga ito sa iyo, kung lahat ng ito ay handa sa iyong mga labi.
להיות ביהוה מבטחך הודעתיך היום אף אתה׃ 19
Sa gayon, mailagak kay Yahweh ang iyong tiwala, ituturo ko ang mga ito sa inyo ngayon— maging sa iyo.
הלא כתבתי לך שלשום במועצות ודעת׃ 20
Hindi ko ba naisulat sa iyo ang tatlumpung kasabihan ng tagubilin at kaalaman,
להודיעך קשט אמרי אמת להשיב אמרים אמת לשלחיך׃ 21
para ituro sa iyo ang katotohanan sa mga mapagkakatiwalaang mga salitang ito, sa gayon maaaring kang makapagbigay ng mapagkakatiwalaang mga sagot sa mga nagpadala sa iyo?
אל תגזל דל כי דל הוא ואל תדכא עני בשער׃ 22
Huwag mo pagnakawan ang mahirap na tao, dahil siya ay mahirap, o wasakin ang nangangailangang tao sa tarangkahan,
כי יהוה יריב ריבם וקבע את קבעיהם נפש׃ 23
dahil si Yahweh ang mangangatwiran sa kanilang kaso, at nanakawin niya ang buhay na siyang nagnakaw sa kanila.
אל תתרע את בעל אף ואת איש חמות לא תבוא׃ 24
Huwag ka makipagkaibigan sa isang tao na siyang pinamumuan ng galit, at huwag kang sumama sa isang nagagalit nang labis,
פן תאלף ארחתו ולקחת מוקש לנפשך׃ 25
o matututunan mo ang kaniyang mga pamamaraan, at papaluputan mo ang iyong sarili sa isang patibong.
אל תהי בתקעי כף בערבים משאות׃ 26
Huwag kang makiisa sa nagbibigay ng nakakagapos na mga panunumpa tungkol sa pera, at huwag kang magbibigay ng kasiguraduhan para sa mga pagkakautang ng iba.
אם אין לך לשלם למה יקח משכבך מתחתיך׃ 27
Kung kulang ka ng pamamaraan para magbayad, ano ang makakapigil sa isang tao mula sa pagkuha ng iyong higaan mula sa iyo?
אל תסג גבול עולם אשר עשו אבותיך׃ 28
Huwag mong alisin ang sinaunang batong nagtatakda ng hangganan na inalagay ng iyong mga ama.
חזית איש מהיר במלאכתו לפני מלכים יתיצב בל יתיצב לפני חשכים׃ 29
Nakikita mo ba ang isang bihasang lalaki sa kaniyang gawain? Siya ay tatayo sa harapan ng mga hari; hindi siya tatayo sa harapan ng pangkaraniwang mga tao.

< מִשְׁלֵי 22 >