< במדבר 8 >
וידבר יהוה אל משה לאמר׃ | 1 |
Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
דבר אל אהרן ואמרת אליו בהעלתך את הנרת אל מול פני המנורה יאירו שבעת הנרות׃ | 2 |
“Kausapin mo si Aaron. Sabihin mo sa kaniya, 'Dapat magbigay ng liwanag ang pitong ilawan sa harapan ng patungan ng ilaw kapag sinindihan mo ang mga ito.'''
ויעש כן אהרן אל מול פני המנורה העלה נרתיה כאשר צוה יהוה את משה׃ | 3 |
Ginawa ito ni Aaron. Sinindihan niya ang mga ilawan na nasa patungan ng ilawan upang magbigay ng liwanag sa harapan nito, gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
וזה מעשה המנרה מקשה זהב עד ירכה עד פרחה מקשה הוא כמראה אשר הראה יהוה את משה כן עשה את המנרה׃ | 4 |
Ginawa ang patungan ng ilawan sa ganitong paraan: Ipinakita ni Yahweh kay Moises ang huwaran para rito: pinanday na ginto mula sa paanan hanggang sa itaas nito, kasama ang mga basong pinanday na parang mga bulaklak.
וידבר יהוה אל משה לאמר׃ | 5 |
Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
קח את הלוים מתוך בני ישראל וטהרת אתם׃ | 6 |
“Kunin mo ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel at gawin mo silang dalisay.
וכה תעשה להם לטהרם הזה עליהם מי חטאת והעבירו תער על כל בשרם וכבסו בגדיהם והטהרו׃ | 7 |
Gawin mo ito sa kanila upang gawin silang malinis: Iwisik mo sa kanila ang tubig na panlinis ng kasalanan. Paahitan mo sa kanila ang kanilang buong katawan, palabhan mo ang kanilang mga damit, at sa ganitong paraan gawing malinis ang kanilang sarili.
ולקחו פר בן בקר ומנחתו סלת בלולה בשמן ופר שני בן בקר תקח לחטאת׃ | 8 |
Pagkatapos pakuhain mo sila ng isang batang toro at ng handog butil ng pinong harinang hinaluan ng langis. Pakuhain mo sila ng isa pang batang toro bilang handog para sa kasalanan.
והקרבת את הלוים לפני אהל מועד והקהלת את כל עדת בני ישראל׃ | 9 |
Idulog mo ang mga Levita sa harapan ng tolda ng pagpupulong, at tipunin mo ang buong sambayanan ng Israel.
והקרבת את הלוים לפני יהוה וסמכו בני ישראל את ידיהם על הלוים׃ | 10 |
Idulog mo ang mga Levita sa aking harapan, ni Yahweh. Dapat ipatong ng mga tao ng Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita.
והניף אהרן את הלוים תנופה לפני יהוה מאת בני ישראל והיו לעבד את עבדת יהוה׃ | 11 |
Dapat ihandog ni Aaron ang mga Levita sa aking harapan, idulog mo sila na para bang itinaas sila sa kaniyang harapan, sa ngalan ng mga tao ng Israel. Dapat niyang gawin ito upang makapaglingkod sa akin ang mga Levita.
והלוים יסמכו את ידיהם על ראש הפרים ועשה את האחד חטאת ואת האחד עלה ליהוה לכפר על הלוים׃ | 12 |
Dapat ipatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga toro. Dapat kang maghandog ng isang toro bilang alay para sa kasalanan at ang ibang toro bilang alay na susunugin sa akin, upang ibayad sa kasalanan ng mga Levita.
והעמדת את הלוים לפני אהרן ולפני בניו והנפת אתם תנופה ליהוה׃ | 13 |
Idulog mo ang mga Levita sa harapan ni Aaron at sa harapan ng kaniyang mga anak, at itaas mo sila sa akin bilang handog.
והבדלת את הלוים מתוך בני ישראל והיו לי הלוים׃ | 14 |
Sa ganitong paraan dapat mong ihiwalay ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel. Mapapabilang sa akin ang mga Levita.
ואחרי כן יבאו הלוים לעבד את אהל מועד וטהרת אתם והנפת אתם תנופה׃ | 15 |
Pagkatapos nito, dapat pumasok ang mga Levita upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong. Dapat gawin mo silang dalisay. Dapat mo silang itaas sa akin bilang handog.
כי נתנים נתנים המה לי מתוך בני ישראל תחת פטרת כל רחם בכור כל מבני ישראל לקחתי אתם לי׃ | 16 |
Gawin mo ito, dahil akin silang lahat mula sa mga tao ng Israel. Sila ang magiging kapalit ng bawat batang lalaking unang ipapanganak, ang panganay sa lahat ng kaapu-apuhan ng Israel. Kinuha ko ang mga Levita para sa aking sarili.
כי לי כל בכור בבני ישראל באדם ובבהמה ביום הכתי כל בכור בארץ מצרים הקדשתי אתם לי׃ | 17 |
Sa akin ang lahat ng panganay mula sa mga tao ng Israel, kapwa mga tao at mga hayop. Sa araw na kinuha ko ang mga buhay ng lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, inilaan ko sila para sa aking sarili.
ואקח את הלוים תחת כל בכור בבני ישראל׃ | 18 |
Kinuha ko ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel sa halip na ang lahat ng panganay.
ואתנה את הלוים נתנים לאהרן ולבניו מתוך בני ישראל לעבד את עבדת בני ישראל באהל מועד ולכפר על בני ישראל ולא יהיה בבני ישראל נגף בגשת בני ישראל אל הקדש׃ | 19 |
Ibinigay ko ang mga Levita bilang isang regalo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Kinuha ko sila mula sa mga tao ng Israel upang gawin ang gawain ng mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong. Ibinigay ko sila upang magbayad ng kasalanan para sa mga tao ng Israel upang walang salot ang pipinsala sa mga tao kapag lumapit sila sa banal na lugar.”
ויעש משה ואהרן וכל עדת בני ישראל ללוים ככל אשר צוה יהוה את משה ללוים כן עשו להם בני ישראל׃ | 20 |
Ginawa ito nina Moises, Aaron, at ng buong sambayanan ng Israel kasama ang mga Levita. Ginawa nila ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh kay Moises ukol sa mga Levita. Ginawa ito ng mga tao ng Israel na kasama nila.
ויתחטאו הלוים ויכבסו בגדיהם וינף אהרן אתם תנופה לפני יהוה ויכפר עליהם אהרן לטהרם׃ | 21 |
Ginawang dalisay ng mga Levita ang kanilang sarili mula sa kasalanan sa pamamagitan ng paglalaba ng kanilang mga damit. Idinulog sila ni Aaron bilang isang handog kay Yahweh at ibinayad sila sa kasalanan para sa kanila, upang gawin silang dalisay.
ואחרי כן באו הלוים לעבד את עבדתם באהל מועד לפני אהרן ולפני בניו כאשר צוה יהוה את משה על הלוים כן עשו להם׃ | 22 |
Pagkatapos nito, pumasok ang mga Levita upang isagawa ang kanilang paglilingkod sa tolda ng pagpupulong sa harapan ni Aaron at sa harapan ng kaniyang mga anak na lalaki. Ito ang inutos ni Yahweh kay Moises tungkol sa mga Levita. Pinakitunguhan nila ang mga Levita sa ganitong paraan.
וידבר יהוה אל משה לאמר׃ | 23 |
Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
זאת אשר ללוים מבן חמש ועשרים שנה ומעלה יבוא לצבא צבא בעבדת אהל מועד׃ | 24 |
“Ang lahat ng ito ay para sa mga Levitang dalawampu't-limang taong gulang pataas. Dapat silang sumama sa mga samahan upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong.
ומבן חמשים שנה ישוב מצבא העבדה ולא יעבד עוד׃ | 25 |
Dapat silang tumigil sa paglilingkod sa paraang ganito sa gulang na limampung taon. Sa edad na iyan, hindi na sila dapat maglingkod pa.
ושרת את אחיו באהל מועד לשמר משמרת ועבדה לא יעבד ככה תעשה ללוים במשמרתם׃ | 26 |
Maaari nilang tulungan ang kanilang mga kapatid na patuloy na gumagawa sa tolda ng pagpupulong, ngunit hindi na sila dapat maglingkod pa. Dapat mong atasan ang mga Levita sa lahat ng bagay na ito.”