< לוּקָס 24 >

ובאחד בשבת לפני עלות השחר באו אל הקבר ותביאינה את הסמים אשר הכינו ועמהן עוד אחרות׃ 1
Maagang-maaga sa unang araw ng linggo, pumunta sila sa libingan, dala-dala ang pabangong ihinanda nila.
וימצאו את האבן גלולה מן הקבר׃ 2
Natagpuan nilang naigulong ang bato palayo sa libingan.
ותבאנה פנימה ולא מצאו את גוית האדון ישוע׃ 3
Pumasok sila sa loob, ngunit hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoon Jesus.
ויהי הנה נבכות על הדבר הזה והנה שני אנשים עמדו עליהן ולבושיהם מזהירים׃ 4
At nangyari na, habang sila ay nalilito tungkol dito, biglang may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na nakakasilaw ang damit.
ויפל פחד עליהן ותקדנה אפים ארצה ויאמרו אליהן מה תבקשנה את החי אצל המתים׃ 5
Ang mga babae ay napuno ng takot at yumuko sa lupa, sinabi nila nila sa mga babae, “Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa mga patay?
איננו פה כי קם זכרנה את אשר דבר אליכן בעוד היותו בגליל לאמר׃ 6
Wala siya dito, ngunit siya ay muling nabuhay! Alalahanin niyo ang sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya,
כי צריך בן האדם להמסר לידי אנשים חטאים ולהצלב וביום השלישי קום יקום׃ 7
sinabi niya na ang Anak ng Tao ay kailangang ipasakamay sa mga makasalanang tao at ipapako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.”
ותזכרנה את דבריו׃ 8
Naalala ng mga babae ang mga sinabi niya,
ותשבנה מן הקבר ותגדנה את כל הדברים האלה לעשתי העשר ולכל האחרים׃ 9
at bumalik sila galing ng libingan at sinabi ang lahat ng nangyari sa labing isang alagad at lahat ng iba pa.
ומרים המגדלית ויוחנה ומרים אם יעקב והאחרות אשר עמהן הנה היו המדברות אל השליחים את הדברים האלה׃ 10
Ngayon, sina Maria Magdalena, Juana, Maria na ina ni Santiago, at ang iba pang mga babaeng kasama nila ang nagbalita ng mga nangyari sa mga apostol.
ויהיו דבריהן כדברי ריק בעיניהם ולא האמינו להן׃ 11
Ngunit ang balitang ito ay tila walang kabuluhan sa mga apostol, at hindi nila pinaniwalaan ang mga babae.
ופטרוס קם וירץ אל הקבר וישקף ולא ראה כי אם התכריכים מנחים שם וישב למקומו משתומם על הנהיה׃ 12
Gayon pa man, tumayo si Pedro, at tumakbo papunta sa libingan, at yumuko siya at tumingin sa loob, nakita niya na ang mga telang lino na lamang ang naroon. Kaya umuwi si Pedro sa kaniyang tahanan, na nagtataka kung ano ang nangyari.
והנה שנים מהם היו הלכים בעצם היום הזה אל כפר הרחק מירושלים כששים ריס ושמו עמאוס׃ 13
Masdan ninyo, sa araw ding iyon, dalawa sa kanila ang papunta sa nayon na tinatawag na Emaus, na animnapung stadia ang layo mula sa Jerusalem.
והם נדברו איש אל רעהו על כל הקרות האלה׃ 14
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa lahat ng nangyari.
ויהי בדברם ובהתוכחם יחד ויגש ישוע אף הוא וילך אתם׃ 15
Nangyari na, habang nag-uusap sila at nagtatanungan sa isat-isa, lumapit si Jesus mismo at sumama sa kanila.
ועיניהם נאחזו ולא יכירהו׃ 16
Ngunit ang kanilang mga mata ay nahadlangan upang hindi siya makilala.
ויאמר אליהם מה המה הדברים האלה אשר אתם נשאים ונתנים בהם יחדו בדרך ופניכם זעפים׃ 17
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ano ang pinag-uusapan ninyong dalawa habang naglalakad kayo?” Huminto sila na nalulungkot.
ויען האחד אשר שמו קליופס ויאמר אליו האתה לבדך גר בירושלים ואינך ידע את הקרת בה בימים האלה׃ 18
Isa sa kanila na nagngangalang Cleopas, ang sumagot sa kaniya, “Ikaw lang ba ang tao sa Jerusalem na hindi nakakaalam sa mga bagay na nangyayari doon sa mga araw na ito?”
ויאמר אליהם ומה המה ויגידו אליו מעשה ישוע הנצרי אשר היה איש נביא גבור בפעל ובאמר לפני האלהים ולפני כל העם׃ 19
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Anong mga bagay?” Sumagot sila sa kaniya, “Ang mga bagay tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, na isang propeta, na makapangyarihan sa gawa at salita sa harapan ng Diyos at ng mga tao.
ואת אשר כהנינו הגדולים וזקנינו הסגירהו למשפט מות ויצלבהו׃ 20
At kung papaano siya ibinigay ng mga punong pari at mga pinuno natin upang hatulan ng kamatayan at ipako sa krus.
ואנחנו חכינו כי הוא העתיד לגאל את ישראל ועתה בכל זאת היום יום שלישי מאז נעשו אלה׃ 21
Ngunit umasa kami na siya ang magpapalaya sa Israel. Oo, at maliban pa sa lahat ng ito, pangatlong araw na ngayon mula ng nangyari ang mga bagay na ito.
והנה גם נשים מקרבנו החרידנו אשר קדמו בבקר לבא לקבר׃ 22
Ngunit bukod dito, pinamangha kami ng ilan sa mga kababaihang kasamahan namin, na pumunta sa libingan nang maaga.
ולא מצאו את גויתו ותבאנה ותאמרנה כי ראו גם מראה מלאכים האמרים כי הוא חי׃ 23
Nang hindi nila nakita ang kaniyang katawan, pumunta sila sa amin, sinasabing may nakita silang pangitain ng mga anghel na nagsabing siya ay buhay.
וילכו אנשים משלנו אל הקבר וימצאו כאשר אמרו הנשים ואותו לא ראו׃ 24
Pumunta sa libingan ang ilan sa mga kalalakihang kasama, at nakita nila ito na gaya ng sinabi ng mga kababaihan. Ngunit hindi nila siya nakita.”
ויאמר אליהם הוי חסרי דעת וכבדי לב מהאמין בכל אשר דברו הנביאים׃ 25
Sinabi ni Jesus sa kanila, “O mga lalaking hangal at makukupad ang puso na maniwala sa lahat ng sinabi ng mga propeta!
הלא על המשיח היה לסבל את כל זאת ולבוא אל כבודו׃ 26
Hindi ba kinakailangang si Cristo ay magdusa ng ganitong mga bagay, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?”
ויחל ממשה ומכל הנביאים ויבאר להם את כל הכתובים הנאמרים עליו׃ 27
At magmula kay Moises at sa lahat ng propeta, ipinaliwanag ni Jesus sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniyang sarili sa lahat ng mga kasulatan.
ויקרבו אל הכפר אשר הם הלכים שמה וישם פניו כהלך לו לדרכו׃ 28
Habang papalapit sila sa nayon, na kanilang pupuntahan, lumakad si Jesus na wari magpapatuloy pa.
ויפצרו בו לאמר שבה אתנו כי עת ערב הגיע ונטה היום ויבא הביתה לשבת אתם׃ 29
Ngunit siya ay pinigilan nila, sinasabi, “Manatili ka sa amin, sapagkat malapit nang gumabi at dumidilim na.” Kaya pumasok si Jesus upang tumuloy sa kanila.
ויהי כאשר הסב עמהם ויקח את הלחם ויברך ויבצע ויתן להם׃ 30
At nangyari, nang siya ay umupong kasalo nila upang kumain, kinuha niya ang tinapay, at pinagpasalamatan ito, at pinagpira-piraso ito, at ibinigay niya ito sa kanila.
ותפקחנה עיניהם ויכירהו והוא חמק עבר מעיניהם׃ 31
Pagkatapos, nabuksan ang kanilang mga mata, at siya ay nakilala nila, at siya ay naglaho sa kanilang paningin.
ויאמרו איש אל רעהו הלא היה בער לבבנו בקרבנו בדברו אלינו בדרך ויפתח לנו את הכתובים׃ 32
At sinabi nila sa isa't-isa, “Hindi ba umaalab ang ating puso, habang kinakausap niya tayo sa daan, habang binubuksan niya sa atin ang mga Kasulatan?”
ויקומו בשעה ההיא וישובו ירושלים וימצאו את עשתי העשר ואת אשר אתם נקהלים יחד׃ 33
Tumayo sila sa oras ding iyon, at bumalik sa Jerusalem. Natagpuan nila ang labing-isa na nagtipon-tipon at ang iba pang kasama nila,
האמרים אכן קם האדון מן המתים ונראה אל שמעון׃ 34
sinasabi, “Totoo ngang muling nabuhay ang Panginoon, at nagpakita siya kay Simon”.
ויספרו גם הם את אשר נעשה להם בדרך ואיך הכירהו בבציעת הלחם׃ 35
Kaya ikinuwento nila ang nangyari sa daan, at kung paano nila nakilala si Jesus nang pagpira-pirasuhin niya ang tinapay.
עודם מדברים כדברים האלה והוא ישוע עמד בתוכם ויאמר אליהם שלום לכם׃ 36
Habang pinag-uusapan nila ang mga bagay na ito, tumayo si Jesus mismo sa kalagitnaan nila, at sinabi niya sa kanila, “Kapayapaan ay sumainyo.”
והמה חתו ונבעתו ויחשבו כי רוח ראו׃ 37
Ngunit sila ay nasindak at napuno ng takot, at inakala nila na espiritu ang kanilang nakita.
ויאמר אליהם מה זה אתם נבהלים ועל מה זה מחשבות עלות בלבבכם׃ 38
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo naguguluhan? Bakit may mga katanungan sa inyong puso?
ראו את ידי ואת רגלי כי אנכי הוא משוני וראו כי רוח אין לו בשר ועצמות כאשר אתם ראים שיש לי׃ 39
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at paa, na ako talaga ito. Hawakan ninyo ako at tingnan ninyo. Sapagkat ang espiritu ay walang buto at laman, gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”
ואחרי אמרו את זאת הראה אתם את ידיו ואת רגליו׃ 40
Pagkatapos niyang sabihin ito, pinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at paa.
והם עוד לא האמינו משמחה ותמהו ויאמר אליהם היש לכם פה דבר אכל׃ 41
Habang sila ay hindi pa rin makapaniwala dahil sa galak, at namangha, sinabi ni Jesus sa kanila, “Mayroon ba kayong anumang makakain?”
ויתנו לפניו חלק דג צלוי ומעט צוף דבש׃ 42
Siya ay binigyan nila ng inihaw na isda.
ויקח ויאכל לעיניהם׃ 43
Kinuha ito ni Jesus at kinain niya ito sa harapan nila.
ויאמר אליהם אלה הם הדברים אשר דברתי אליכם בעוד היותי עמכם כי המלא ימלא כל הכתוב עלי בתורת משה ובנביאים ובתהלים׃ 44
Sinabi niya sa kanila, “Nang kasama ko kayo, sinabi ko sa inyo na lahat ng nakasulat sa kautusan ni Moises at ng mga propeta at sa Aklat ng Mga Awit ay kailangan matupad.”
אז פתח את לבבם להבין את הכתובים׃ 45
At binuksan niya ang kanilang mga isipan upang maunawaan nila ang Kasulatan.
ויאמר אליהם כן כתוב וכן נגזר אשר יענה המשיח ויקום מן המתים ביום השלישי׃ 46
Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, na kailangang maghirap ang Cristo, at muling mabuhay mula sa patay sa ikatlong araw.
ואשר תקרא בשמו תשובה וסליחת החטאים בכל הגוים החל מירושלים׃ 47
At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.
ואתם עדים בזאת׃ 48
Kayo ay mga saksi ng lahat ng ito.
והנני שולח עליכם את הבטחת אבי ואתם שבו בעיר ירושלים עד כי תלבשו עז ממרום׃ 49
Tingnan ninyo, ipadadala ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama. Ngunit mag-hintay kayo sa lungsod, hanggang kayo ay mapagkalooban ng kapangyarihang mula sa taas.”
ויוליכם מחוץ לעיר עד בית היני וישא את ידיו ויברכם׃ 50
At inilabas sila ni Jesus hanggang malapit na sila sa Bethania. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at binasbasan sila.
ויהי בברכו אתם ויפרד מאתם וינשא השמימה׃ 51
Nangyari na, habang sila ay binabasbasan niya, sila ay iniwan niya at siya ay dinala paakyat sa langit.
והם השתחוו לו וישובו לירושלים בשמחה גדולה׃ 52
Kaya siya ay sinamba nila, at bumalik sila sa Jerusalem nang may labis na kagalakan.
ויהיו תמיד במקדש מהללים ומברכים את האלהים אמן׃ 53
Namalagi sila sa Templo, na nagpupuri sa Diyos.

< לוּקָס 24 >