< יונה 1 >
ויהי דבר יהוה אל יונה בן אמתי לאמר׃ | 1 |
Ngayon ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas na anak ni Amitai, na nagsasabing,
קום לך אל נינוה העיר הגדולה וקרא עליה כי עלתה רעתם לפני׃ | 2 |
“Bumangon ka at pumunta sa Ninive, iyong malaking lungsod, at magsalita ka laban dito, dahil ang kasamaan nila ay umabot sa akin.”
ויקם יונה לברח תרשישה מלפני יהוה וירד יפו וימצא אניה באה תרשיש ויתן שכרה וירד בה לבוא עמהם תרשישה מלפני יהוה׃ | 3 |
Subalit bumangon si Jonas at tumakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh at nagtungo sa Tarsis. Bumaba siya sa Joppa at nakakita ng isang barko patungong Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko upang sumama sa kanila patungong Tarsis, palayo mula sa presensya ni Yahweh.
ויהוה הטיל רוח גדולה אל הים ויהי סער גדול בים והאניה חשבה להשבר׃ | 4 |
Subalit nagpadala si Yahweh ng malakas na hangin sa dagat at ito ay naging malakas na bagyo sa dagat. Hindi nagtagal ang barko ay parang masisira na.
וייראו המלחים ויזעקו איש אל אלהיו ויטלו את הכלים אשר באניה אל הים להקל מעליהם ויונה ירד אל ירכתי הספינה וישכב וירדם׃ | 5 |
Kaya lubhang natakot ang mga mandaragat at tumatawag ang bawat tao sa kaniya-kanyang sariling diyos. Tinapon nila ang mga kargamento ng barko sa dagat upang mapagaan ito. Ngunit bumaba si Jonas doon sa mga kaloob-loobang bahagi ng barko, at nakahiga roon mahimbing na natutulog.
ויקרב אליו רב החבל ויאמר לו מה לך נרדם קום קרא אל אלהיך אולי יתעשת האלהים לנו ולא נאבד׃ | 6 |
Kaya pumunta ang kapitan sa kaniya at sinabi sa kanya, “Anong ginagawa mong natutulog? Bumangon ka! Tumawag ka sa iyong diyos! Marahil mapapansin tayo ng iyong diyos at hindi tayo mamamatay.”
ויאמרו איש אל רעהו לכו ונפילה גורלות ונדעה בשלמי הרעה הזאת לנו ויפלו גורלות ויפל הגורל על יונה׃ | 7 |
Sinabi nilang lahat sa bawat isa, “Halikayo, magpalabunutan tayo, para malaman natin kung sino ang dahilan ng kasamaang ito na nangyayari sa atin.” Kaya nagpalabunutan sila at ang bunot ay napunta kay Jonas.
ויאמרו אליו הגידה נא לנו באשר למי הרעה הזאת לנו מה מלאכתך ומאין תבוא מה ארצך ואי מזה עם אתה׃ | 8 |
Pagkatapos sinabi nila kay Jonas, “Pakiusap sabihin sa amin kung sino ang dahilan nitong kasamaang nangyayari sa atin. Ano ang iyong hanap-buhay, at saan ka nanggaling? Ano ang iyong bansa at mula sa aling lahi ka?”
ויאמר אליהם עברי אנכי ואת יהוה אלהי השמים אני ירא אשר עשה את הים ואת היבשה׃ | 9 |
Sinabi ni Jonas sa kanila, “Ako ay isang Hebreo; at kinatatakutan ko si Yahweh, ang Diyos ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupa.”
וייראו האנשים יראה גדולה ויאמרו אליו מה זאת עשית כי ידעו האנשים כי מלפני יהוה הוא ברח כי הגיד להם׃ | 10 |
Pagkatapos lalong natakot ang mga tao at sinabi kay Jonas, “Ano itong ginawa mo?” Dahil nalaman ng mga tao na siya ay tumatakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh, dahil sinabi niya sa kanila.
ויאמרו אליו מה נעשה לך וישתק הים מעלינו כי הים הולך וסער׃ | 11 |
Pagkatapos sinabi nila kay Jonas, “Ano ang dapat naming gawin sa iyo upang humupa ang dagat para sa atin?” Sapagkat ang dagat ay lalong naging marahas.
ויאמר אליהם שאוני והטילני אל הים וישתק הים מעליכם כי יודע אני כי בשלי הסער הגדול הזה עליכם׃ | 12 |
Sinabi ni Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at itapon ninyo ako sa dagat. Pagkatapos huhupa ang dagat para sa inyo, sapagkat alam kong dahil sa akin kaya nangyayari sa inyo ang malakas na bagyong ito.”
ויחתרו האנשים להשיב אל היבשה ולא יכלו כי הים הולך וסער עליהם׃ | 13 |
Gayunpaman, ang mga lalaki ay nagsumikap sumagwan ng matindi upang makabalik sila sa lupa, ngunit hindi nila ito magawa dahil ang dagat ay lalong nagiging marahas laban sa kanila.
ויקראו אל יהוה ויאמרו אנה יהוה אל נא נאבדה בנפש האיש הזה ואל תתן עלינו דם נקיא כי אתה יהוה כאשר חפצת עשית׃ | 14 |
Kaya tumawag sila kay Yahweh at sinabing, “Nagmamakaawa kami sa iyo, Yahweh, nagmakaawa kami, huwag mo kaming hayaang mamatay dahil sa buhay ng taong ito, at huwag mong ipataw sa amin ang pagkakasala sa kanyang kamatayan, dahil ikaw, Yahweh ang gumawa kung ano ang makalulugod sa iyo.”
וישאו את יונה ויטלהו אל הים ויעמד הים מזעפו׃ | 15 |
Kaya binuhat nila si Jonas at itinapon siya sa dagat, at tumigil ang matinding galit ng dagat.
וייראו האנשים יראה גדולה את יהוה ויזבחו זבח ליהוה וידרו נדרים׃ | 16 |
Pagkatapos lalong natakot ang mga tao kay Yahweh. Naghandog sila ng mga alay kay Yahweh at gumawa ng mga panata.
וימן יהוה דג גדול לבלע את יונה ויהי יונה במעי הדג שלשה ימים ושלשה לילות׃ | 17 |
Ngayon inihanda ni Yahweh ang isang malaking isda upang lunukin si Jonas, at si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng isda nang tatlong araw at tatlong gabi.